I thought my life is going smoothly after a month, but a tragedy has tested me. My mother had a stroke. It happened when she's at work. Tinawagan ako nila Lola nang makarating sila sa ospital. I cried so hard at school that I almost run out of breath. Terrence was by my side all the time. Nang maglunch break ay nagpaalam ako sa adviser namin na aabsent ako. Pumayag naman ito nang sinabi kong dinala sa ospital si Mama. Umiiyak pa rin ako habang naglalakad patungo sa labas ng gate.
"Guia!"
Nilingon ko ang likod ko nang may tumawag sa pangalan ko. Kinailangan ko pang punasin ang luha ko dahil hindi ko makita nang maayos ang taong tumatakbo patungo sa akin. It's Terrence. Hinihingal pa ito nang makalapit sa akin at agad na lumipat ang tingin ko sa bag niya.
"What do you think you're doing? Bumalik ka na sa room. Kaya kong pumunta sa Sorsogon nang mag-isa." sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad. Napapikit ako ng mariin nang maramdaman kong nakasunod pa rin siya sa akin.
"Alam ko. Pero sa kalagayan mo ngayon, kailangan mo ng karamay. Nandito ako. Sasamahan kita." determinado niyang sinabi. Napabuntong hininga na lamang ako nang makarating kami sa waiting shed. Sinubukan ko siyang tingnan nang diretso sa kaniyang mga mata ngunit hindi ko magawa dahil naiiyak ako.
He hugged me. That was my cue. Humagulhol ako ng napakalakas. Wala na akong pakialam kung may makarinig o makakita sa akin. I am so scared and hurt. I don't want my Mom to suffer. She's the most important person in my life. She deserves to live for a long time. It's frustrating that I cannot think of anything to help her but cry. My mind is clouded with fear.
Tulala lamang ako sa loob ng jeep. Terrence's back is shielding me from people. Mayroon siyang sinusulat sa kaniyang notebook kaya naisipan kong silipin iyon. He's doing our assignment in Math. Ngayong hapon na ito ipapasa. I panicked that I almost got my notebook and pen but then I realized that I was excused for the afternoon class. Both of us.
Nang makarating kami sa ospital ay nangatog ang aking mga binti. Hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako sa maaaring sumalubong sa akin sa loob. Nakatingin lamang si Terrence sa akin habang puno ng pagtataka ang kaniyang mukha. Lumapit siya sa akin.
"Gusto mo bang magpahinga muna bago pumasok sa loob?"
But I thought of my grandparents. They must've been terrified to. I need to be there for them. Umiling ako at huminga ng malalim. Nagsimula akong maglakad, hindi alintana ang takot na nadarama. Nakita namin si Lolo na nag-aabang sa lobby kaya nakapasok din kami kaagad. Tumakbo ako patungo sa kaniya at niyakap siya. I didn't cry, which is surprising.
"Inooperahan pa rin ang Mama mo. Nagkaroon daw ng blood clot sa utak na naging sanhi ng stroke."
Nagkatinginan kami ni Terrence. Tinapik niya ang aking balikat at kahit papaano ay nakatulong iyon. Hindi ko alam ang mangyayari sa akin kung hindi siya tumuloy sa pagsama sa akin. Baka dumagdag lang ako sa mga aalalahanin nila Lola.
"Maiwan ko muna kayo rito at kakausapin ko muna ang Tito Hassan mo," sabi sa akin ni Lola at pinakita sa akin ang kaniyang cellphone kung saan tumatawag si Tito. Tinanaw ko ang aking Lola na naglakad patungo sa isang pasilyo kung saan walang tao. Naiwan ako sa waiting room kasama si Terrence at Lolo.
"Nagpaalam ba kayo sa mga teacher niyo?"
"Opo, Lo. At saka hindi ko pwedeng pabayaang bumyaheng mag-isa si Guia lalo pa sa kalagayan niya ngayon. Nagpalusot na lang ako sa teacher namin." napakamot si Terrence sa kaniyang ulo.
"Sasama nga rin sana ang Lolo mo rito pero hindi ko na pinatuloy dahil baka umuwi kayo. Hindi ko naman inaasahang pupunta kayo rito."
Tahimik lamang ako sa gilid habang nag-uusap silang dalawa roon. Or more like tulala. My mind is wandering to places. I've been recalling those times I spent with my Mom. That was before I went to junior high. Wala pa kasi siyang trabaho noon kaya halos araw-araw ko siyang nakakasama. Siya ang naghahatid sa akin noon sa eskwelahan at siya rin ang susundo tuwing uwian. I am looking forward to it all the time. Bago kami umuwi sa bahay ay dadaan muna kami sa park ng baranggay namin para makapaglaro ako habang siya ay bibili ng merienda ko. Ngayong kaya ko nang mag-isa ay nangungulila ako sa mga panahong iyon. Sana ay palagi na lang akong bata. The more I age, the more my life gets exposed to the real world, and I don't want it. I don't think I'm ready to face it all.
YOU ARE READING
Serendipity (Dauntless Series #3)
RomanceBrokenness of one's soul creates a tough woman. Gone was the vulnerable girl who was once fooled by love. Guinevere thought her happiness will be forever felt. That's when she realized that life isn't fairy tales and such. Because of what happened t...
