Chapter 23

33 3 25
                                        

"Happy birthday!"

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Inaantok pa ako kaya naman hindi ko muna pinansin sila Sheena kahit alam kong isa-isa na silang pumasok sa loob, hindi alintana ang magulo kong kwarto. Hindi nagtagal ay bumangon na ako at dumiretso sa banyo habang ang mga kaibigan ko ay nagsiupuan sa malawak kong sofa.

"Anong oras pupunta rito si Terrence?" tanong ni Sheena mula sa labas. I rolled my eyes to the ceiling and just continued brushing my teeth.

Dumaing si Sheena sa sakit ng pagkakahampas sa kaniya ng kung sinuman. Nagkakagulo na sila roon kaya naman binilisan ko na ang pagtotoothbrush at baka mamaya maabutan ko na lang ang isa sa kanilang tinapon na sa pool mula sa balcony ng kwarto ko. Nasa third floor pa naman ito.

"Ang dami mong crush ha!" si Gwyneth.

"Syempre, para more chances of winning! Hindi naman ako tulad mo na nagpapakaemo pa rin kay Cinderella na nang-iiwan sa ere."

Natawa ako. Oo nga pala, sobrang badtrip ni Gwyneth noong grad ball dahil bigla na lang siyang iniwan ng date niya. Ni hindi man lamang ito nagpaalam sa kaniya at basta na lang tumakbo palabas. Pinagtatarayan niya kaming lahat nang makarecover siya sa pang-iiwan sa kaniya ni Cinderella kaya bihira lang naming ungkatin ang topic na 'to sa usapan. But knowing Sheena, she'll never go down in a fight without a sword.

Naabutan ko si Verona na pumagitna sa dalawa. "Oh, awat na. Baka mamaya magkapikunan pa kayo e. Problema pa 'yan ng birthday girl."

"I second that." binigyan ko sila ng yogurt at mga chocolate mula sa mini fridge para naman malibang sila. Dito muna kami tumambay sa loob hanggang sa tawagin na kami para mag-almusal. Mahirap na at baka makasalubong nila si Rainier sa baba. Hindi ko kakayaning pigilan ang tatlong bunganga nang sabay-sabay.

"Wala naman kaming pake roon," sabi ni Sheena habang naglalakad kami patungo sa elevator. Si Mama Adela lang ang madalas gumamit nito dala na rin ng katandaan.

"It's better to be safe than sorry,"

However, Mama Adela, Rainier, ate Reign, and Gustin are already sitting at the dining table when we arrived to the dining hall. I thought they've already eaten so I didn't worry about this particular situation but I guess I'm wrong. I regained my composure and lead my friends to their seats. They all greeted my family.

"You're Seamus' little sister, right?" puna ni ate Reign matapos ang ilang minutong pagtitig kay Sheena. My friend nodded awkwardly.

"Yes, I am..."

"It's been a while since I hang out with that guy. I had no time to take my photography lessons due to my pregnancy. I miss that guy," she smiled. "Is he invited to your party, Guia?"

Natigil ako sa pagkuha ng waffle nang banggitin ni ate ang pangalan ko. Nagkatinginan kami ni Sheena bago ako muling bumaling sa aking kapatid. "I invited him though it's unlikely that he'll come."

Tumango si ate Reign at hindi na nagsalita. I noticed a sliver of sadness in her eyes. My gaze immediately went to Rainier and as expected, he seems to be not in the mood because of our conversation. He's still letting his jealousy take over his emotion. Buti na lamang at nakawala na ako riyan.

"How about your girlfriend, mija? Is she coming?"

Kumunot ang noo ko sa tanong ni Mama Adela. How did she...

"Girlfriend?" gulat na tanong ni Rainier. Nagtinginan ang mga tao sa kaniya pwera sa akin. Naramdaman ko ang pagsipa sa akin ni Verona sa ilalim ng upuan. Sinipa ko rin ang paa niya pabalik at umayos ng pagkakaupo.

Serendipity (Dauntless Series #3)Where stories live. Discover now