Chapter 9

36 2 14
                                        

Madaming nangyari sa unang araw ng pasukan. Bilang pambawi sa pagiging late ko nung nakaraan, pumasok ako nang maaga para naman walang masabi ang mga kaibigan ko sa akin. Namangha pa nga ang mga ito kung tutuusin. I made a goal for myself that from now on, I will come to class as early as I can.

Napag-alaman ko ring magiging kaklase namin si Gwyneth kaya sa tuwing may papasok sa room ay laging bumabaling doon ang tingin ko. Nabitin kasi ako sa pag-uusap namin. I have a feeling in my gut that she's fun to be with.

"Sino namang inaabangan mo, Guia?" tanong ni Sheena nang mapansin sigurong kanina pa ako tingin nang tingin sa pintuan. Ngumiti lamang ako.

Hindi nagtagal ay dumating na nga si Gwyneth. Palinga-linga pa ito sa buong silid para siguro maghanap ng mauupuan. Hindi ako nagdalawang-isip na lumapit sa kaniya. Nagulat pa ito nang makita ako ngunit agad ding nakabawi.

"Hi! I saved a chair for you." tinuro ko ang katabi kong upuan. Nasa iisang hilera lamang kami nakaupo nila Sheena at Verona sa ikalawang row. Nagtataka pa ang mga kaibigan ko dahil unang araw pa lang ng pasukan ay may kakilala na ako.

Mas lalong lumapad ang ngiti ni Gwyneth dahil sa sinabi ko. Nagtungo kami sa pwesto namin at pinakilala ko siya sa dalawa. Mabuti na lang at mukhang updated itong si Gwyneth sa mga kaganapan sa mundo kaya mabilis niyang nakuha ang loob ng mga kaibigan ko. Ayun at madami na kaming napagkwentuhan bago dumating ang teacher namin sa first subject.

All of our professors just gave us our schedules and requirements for their subject. Maagang nagdismiss iyong last subject namin kaya napagdesisyunan naming tumambay muna sa mall na malapit lang dito sa university.  Dumaan muna kami sa bookstore para bilhin iyong mga school supplies na kakailanganin namin para hindi na pabalik-balik. Nang makapamili na kami ay tumambay muna kami sa books section kung saan naroon iyong young adult genre. Agad na nagtungo roon si Sheena at naghanap agad ng mabibiling libro habang kaming tatlo nila Verona at Gwyneth ay natatawang nakasunod sa kaniya.

Naghanap din ako ng librong bibilhin sa ibang aisle. Binaba ko muna ang basket na dala-dala ko sa sahig para magbasa ng mga description ng bawat libro hanggang sa may magustuhan ako. Sa huli ay nakuha ng It Ends With Us ni Colleen Hoover ang atensyon ko. Ito ang babasahin ko habang hindi pa masyadong hectic ang schedule ko. Mukhang maganda e, baka isang linggo lang tapos ko na 'to.

"Ako na ang pipila sa counter para isahan na lang. Akin na mga pambayad niyo," sabi ko sa tatlo nang makabalik ako sa kinaroroonan nila. Napanganga pa ang mga ito ngunit agad din namang sumunod. Tinanaw ko ang counter. Bumagsak agad ang balikat ko nang makitang napakahaba pala ng pila. 'Di bali na nga, nagpresinta na ako e.

"Himala, ah?" si Verona habang inaabot sa akin iyong 500 niya.

"Pasalamat kayo sinisipag ako ngayon."

Lumapit si Gwyneth sa akin. "Gusto mo samahan kita?"

Umiling ako kaagad. Nakuha niya naman iyon kaya tumango siya sa akin bago naupo sa waiting area. Gumayak na ako para makapagbayad kaagad.

May mga nakasalubong akong mga classmate namin ngayon at nginitian ko na lamang ang mga ito. Ang iba sa kanila ay hindi ko naman mamukhaan.

"Uy, Guia!"

Lumingon ako sa paligid para hanapin kung sino ang tumawag sa akin. Akala ko noong una ay isa sa mga kaibigan ko ngunit panglalaking boses iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Rainier na nakangiti sa akin. Nasa unahan ko siya, dalawang tao ang pagitan naming dalawa. Bumaling siya sa babae sa likuran niya at may sinabi rito. Maya-maya ay umalis na si Rainier sa pila niya at pumila sa unahan ko. Nakanganga lamang ako habang pinapanoood siya.

"Hello..." sabi ko.

"Saan school mo?"

Tinaas ko ang hintuturo ko at tinuro ang labas. "Sa DRMU."

Serendipity (Dauntless Series #3)Where stories live. Discover now