Chapter 6

39 3 5
                                        

"Ugh! Ayoko talagang pumunta sa mga family gathering. I can't recall when was the last time I talked to my relatives," pagrereklamo ni Sheena habang sabay kaming naglalakad palabas ng gate ng school. Kaming dalawa lang dahil tatlong araw nang absent si Verona. Sinugod kasi sa ospital due to heart complications but luckily, the doctors were able to fix her immediately. Kakadalaw lang namin sa kaniya kahapon para ihatid ang module namin so she can keep up with the lessons she missed. It was her choice. Imbes na magpagaling lang siya dahil excused naman siya sa klase, hindi naman siya nakinig dahil mababagot lang daw siya sa ospital.

"You can keep yourself away from the spotlight. Kung gusto mo, magtago ka para hindi ka makorner ng mga tanong galing sa mga kamag-anak mo."

Pareho kaming natawa sa sinabi ko. Naroon na pala ang sasakyan nila sa labas. Sheena turned to me ang kissed my cheek. Nagulat pa ako sa ginawa niya ngunit hindi na nakapagsalita dahil tumakbo na siya patungo sa kotse. Bumaba ang bintana nito at bahagya akong napaatras nang magkasalubong ang mga mata namin ni Seamus. Wala sa sarili akong napakaway sa kaniya na siya namang sinuklian nito. Ngumiti pa nga siya.

Nang makaalis ang magkapatid ay kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa para itext si Kuya Andrew, isa sa mga driver ni Papa. Habang nagttype ako roon ay naramdaman kong may papalapit sa akin kaya nag-angat ako ng tingin. It's Jesse, wearing casual clothes but still managed to look like a god. Life is so unfair.

"Hi! What are doing here?"

Tinuro niya ang building sa kabilang dako ng kalsada. "I had to drop something there and then I saw you here alone. Where are your friends?"

"Umuwi na. 'Yung isa naman nasa ospital pa."

"And Gustin?"

"Still training. Mamayang gabi pa ata iyon uuwi."

Tumango siya. Hindi ko kinakaya ang mga matang nakatingin sa aming dalawa. At sigurado akong nakakaramdam na rin si Jesse kaya napagdesisyunan naming tumawid na patungo sa motorcycle niya. Thanks to my cousin's obsession with motorcycles, I recognized what kind of motorcycle does Jesse has. It's Ducati Diavel. Mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko. Paano pa kaya kung nakasakay na siya roon? Katapusan na siguro ng mundo.

"Susunduin ka ba ng driver mo?" tanong niya habang hawak-hawak ang dalawang helmet sa magkabila niyang kamay. Bigla kong kinuha ang cellphone ko at tiningnan kung nasend ko na ba iyong message. Hindi pa naman. Binura ko na lamang iyon at pagkatapos ay umiling. Isinuot ni Jesse ang helmet sa akin at halos mahigit ko ang hininga ko sa sobrang lapit sa isa't isa.

"I know a place. It's where I usually hang-out after my hectic schedule. You're gonna love it there."

Tumango na lamang ako. Nauna na siyang sumakay bago ako. Mabuti na lamang at P.E. ang last subject namin at nagpalit ako ng t-shirt bago kami umuwi. I held onto his shoulders as I made myself comfortable on the back. Nilingon ako ni Jesse para siguraduhing maayos ang pagkakaupo ko sa likod. Pinaandar niya na ang kaniyang motor pagkatapos.

It was a smooth ride. He drove his motorcycle at an average speed. Iyong pangangamba kong baka mabilis siyang magpatakbo ng motor ay biglang naglaho.

Pagpasok namin sa isang restaurant ay sinalubong kami ng isang waiter at iginiya kami nito patungo sa rooftop kung saan may iilang mga mesa pa roon. Nang makahanap kami ng mesa ay inabot sa amin ng waiter ang menu. After a couple of minutes, I finally decided what to order and gave the menu back to the waiter afterwards.

"Carrot cake is one of their specialty, I thought you might wanna know..." sabi ni Jesse nang makuha na ng waiter ang order naming dalawa. I ordered carrot cake and strawberry frappe while him is just latte.

Serendipity (Dauntless Series #3)Where stories live. Discover now