Prologue

224 3 34
                                        

Life isn't fairytale. And that's on fact.

My mother and I are living in the province with my relatives. We are currently residing in our ancestral house in a small town in Sorsogon. The life I had there was peaceful and free from pressure even when sometimes we are struggling to make ends meet. My grandfather owns a small plantation of corn, rice, and coconut in the mountain. My Mom is working as a Bank Teller in the city to provide for my needs especially now that the festival is nearing. I am part of my school's Drum and Lyre Corps and it seems like our trainor has plans on changing our uniform.

Ayon sa sabi-sabi, hindi lamang parade ang magaganap sa disperas. The Governor is cooking an exciting contest for the people to add spice to the annual event. Siguro ay nagsawa na ang mga tao sa parade at exhibition lang at ngayon ay mayroon silang bagong pakulo. Kaya naman ngayon ay tinipon kami ni Jay habang breaktime namin galing sa pagpractice. May apat na linggo pa naman bago ang fiesta kaya pa-easy-easy muna kami.

"Pumunta sa harapan ang mga Majorette. Bilis!" Aniya. Iniwan ko ang baton ko sa aking kinauupuan at agad na tumayo sa harapan. Inayos ko ang nagusot kong damit na nalagyan na pala ng mga damo dahil sa pag-upo ko. Pinagpagan ko iyon.

Nakita ko si Terrence, ang best friend ko, na papalapit sa amin na may dalang malaking bote ng mineral water. Napalunok ako. Kanina ko pa gustong uminom kaya lang naantala iyon dahil sa inanunsyo ni Jay. Iminuwestra ko ang kamay ko sa kaniya para sabihing ibigay niya sa akin ang tubig ngunit umiling lamang ito at inginuso ang direksiyon ng trainor namin na nagsasalita. Ni hindi ko na pala nasundan ang sinasabi nito.

"Ang plano ko, kukuha ako ng dalawang Majorette tapos pagbobotohan niyo kung sino ang pambato natin sa Mejor Cara."

"Si Guia na lang po. Siya naman 'yung Mother Majorette, e."

Napalingon ako sa nagsalita. Si Jessica iyon, ang Drum Majorette. Sumang-ayon naman ang Flag Majorette na si Yesha. Samantalang walang imik ang katabi kong si Kaede. Siya iyong Center Majorette namin.

"Oh, e 'di si Guia at Kaede ang pagbobotohan natin? Sino ang sang-ayon na si Guia ang representative natin sa Mejor Cara?"

Everyone in the band raised their hands, particularly the Drummers. When it's Kaede's turn, the two Side Majorette and the rest of the Flaglets voted for her. I bit my lower lip.

"So it's fixed then. Our band's fate is in Guia's hands now." sabi ni Jay bago kami dinimiss. Huminga ako ng malalim at lumapit sa kaniya.

"Jay..."

"Don't tell me aatras ka?"

Umiling ako. "Hindi naman sa ganoon. I just find it unfair."

"Unfair saan?"

"To the other Majorettes? Baka isipin nila may favoritism ka kasi ako na lang ang binibigyan mo ng pabor parati."

He crossed his legs and looked up to me. Matangkad akong tao at alam kong sasakit ang leeg niya kakatingala sa akin kaya naupo ako sa tabi niya.

"Hindi ko kasalanan iyon. Dumaan naman sa maayos na proseso iyong pagpili sa'yo. I'm sure you'll do good. Pinili ka nila dahil alam nilang kaya mo 'to." he tapped my shoulders.

"Congrats!" narinig kong sinabi ni Terrence nang makarating ito sa kinauupuan namin ni Jay. Sinimangutan ko siya.

"Mas lalo akong napepressure, e."

He chuckled. "Anyway, Jay, wala bang contest para sa mga Drum Major?"

"As far as I know, wala. Unless gusto mong maging Majorette? Pwede naman. Hindi pa huli ang lahat, Rence."

He made a face on Jay's remark. Nagtawanan kami ni Jay nang makita ang reaksyon niya. Parang nandidiri na ewan. Nagulat na lamang ako nang bigla akong hinila ni Terrence papalayo sa trainor namin. Dinala niya ako sa kubo sa Eco Park kung saan naroon ang iba pa naming mga kaklase. Inulan ako ng papuri at pagbati. Hindi ko alam ang isasagot sa kanila kaya napainom na lamang ako ng tubig. Halos maubos ko iyon dahil kanina pa ako nauuhaw.

Serendipity (Dauntless Series #3)Where stories live. Discover now