"Are you sure you don't want me to take you to your class?" asked Gustin while we're walking in the middle of the parking lot. Sometimes I think he's older than me. Kahit halata naman sa mga mukha namin na mas bata siyang tingnan kaysa sa akin. He's still in Grade 8 but his mind is more ahead than kids his age.
Aminado akong hindi madaling kabisaduhin ang Melwood Academy. Pinag-aralan ko talagang mabuti ang mapa na binigay sa akin noong nag-enroll ako rito para hindi ako maligaw sa bawat sulok ng eskwelahan. Mas pinagtuunan ko nga lang ng pansin ang building kung saan naroon ang room ko at ang cafeteria. Sa susunod ko na lang kakabisaduhin 'yung iba. Marami pang panahon para riyan.
"I appreciate the offer, Gustin, but I don't want to be a burden to you. Besides, malapit nang magbell. Malelate ka sa class mo kapag sinamahan mo pa ako."
He shook his head. "It doesn't matter. My science teacher is absent today so we have a one hour vacant."
Napangiti na lamang ako at sumuko na. Kahit anong pagpupumilit kong huwag niya na akong ihatid ay hindi siya papayag. Pinagbigyan ko na lamang lalo pa't hindi ko maatim ang mga matang ipinupukol sa akin ng mga estudyante rito. Nanatili na lamang nakayuko ang ulo ko hanggang sa makarating kami sa fourth floor ng building.
Huminto kami sa tapat ng isang room kung saan nagkakasiyahan ang mga estudyante sa loob. Ang mga lalaki sa unahan ay nagtatawanan, ang ilang babae sa likuran ay abala sa pagmmake-up, may ilang nagkakantahan, at mayroon ding mukhang nagrereview. May kaniya kaniyang mundo ang mga tao rito kaya hindi pa nila kami napapansin ni Gustin na nakatayo sa labas ng pintuan.
"Kennedy!" pagtawag ng kapatid ko sa isang lalaki roon sa unahan. Natigil ito sa pagtawa at agad na nilingon ang direksyon namin. Napanganga ito ngunit agad ding natikom. Lumapit ito sa amin.
"Uy! Naparito ka?"
Tinuro ako ni Gustin. "This is my sister, Guinevere. She's new here and since you're her classmate, please accompany her until she's able to grasp into her new environment."
I tilted my head onto the side after hearing those words. It sounded like he's indeed my older brother. Mukhang ganoon din ang naiisip ni Kennedy dahil natawa ito at ginulo ang buhok ni Gustin.
"Makakaasa ka, kapatid." sabi nito at saka naman bumaling sa akin. "Welcome to Melwood! I'm Kennedy."
I shook his hand. My brother excused us for a minute to warn me against the boys. According to him, they're nice people but unfortunately, they're liberated. Napatingin tuloy ako muli sa loob at pinagmasdan ang grupo nila. Nang tumunog na ang bell ay pumasok na ako sa loob.
"Babalik ako rito mamayang break time." iyon ang huling sinabi ni Gustin bago tuluyang umalis.
"Your brother and I are both in the same team for varsity. Kakapasok niya lang ngayong taon." ani Kennedy habang papalapit kami sa bakanteng upuan sa pangatlong row. Nang huminto kami roon ay sabay na nag-angat ng tingin ang dalawang babaeng nakaupo sa tabi noon.
Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko. Baka mamaya may nakaupo na pala rito.
"Sheena, Verona, this is..." naningkit ang mga mata ni Kennedy nang bumaling ito sa akin.
"Guia."
"Right! Guia, these are my friends, Sheena and Verona. Mukha lang masusungit ang mga 'yan pero mababait naman sila. Lalo na 'yan si Sheena, madaldal 'yan!"
Nagtawanan kaming tatlo pwera lang kay Sheena. Sinimagutan nito si Kennedy. Napatigil tuloy ako sa pagtawa dahil baka pati ako ay masungitan niya.
"Baka nga! Umalis ka na nga, Ken! Mamaya pati isip ni Guia lasunin mo rin, e." she told him firmly. Kennedy raised both of his hands in the air before retreating to his seat.
YOU ARE READING
Serendipity (Dauntless Series #3)
RomanceBrokenness of one's soul creates a tough woman. Gone was the vulnerable girl who was once fooled by love. Guinevere thought her happiness will be forever felt. That's when she realized that life isn't fairy tales and such. Because of what happened t...
