Chapter 12

46 2 14
                                        

"You guys kissed already?" sabi ng windang na windang na si Gwyneth. "So much for underestimating you, Guia."

Nandito kami ngayon sa bahay nila Sheena dahil nagkayayaang magsleepover sa kanila. Matagal na namin 'tong pinagpapaplanuhan pero ngayon lang natuloy gawa na rin ng sobrang busy sa school. Alam ko ring may ibang plano si Sheena bukod sa magkwentuhan at movie night dahil kanina pa itong panay ang tingin sa kaniyang cellphone. Maya-maya ay may kumatok nang napakalakas sa pinto. Lahat kami ay napalingon doon habang si Sheena ay kumaripas ng takbo patungo roon.

Biglang nawala ang pagkakunot ng noo ni Seamus nang makita kung sino ang nasa kwarto ng kapatid. Tumikhim ito bago inabot ang malaking paperbag kay Sheena. Nasapo ko na lamang ang noo ko. Ngiting ngiti pa si Sheena habang nagpapasalamat sa Kuya niya ngunit si Seamus ay nanatiling seryoso ang mukha.

"If you make so much as little noise, trust me, our parents will barge in here immediately."

"I'm not an idiot, Seamus. I know how to behave."

Nang tumingin si Seamus sa amin ay agad na kumaway kaming tatlo sa kaniya. Looks like he just came back from work, nakasuit pa kasi siya. Tumango lamang ito sa amin bago naglakad papasok sa kwarto niya. Agad na bumalik si Sheena sa dati niyang pwesto at nilapag ang bourbon pati na rin ang mga red cup sa glass table. Umorder kami ng tatlong box ng pizza pero kinain na namin 'yung isa habang nanonood ng Carol kanina. May nachos din na hindi pa nabubuksan sa gilid.

"Paano mo nakumbinsi ang Kuya mo na bumili ng alak, Sheena?" tanong ni Verona. Biglang natawa si Sheena dahil doon kaya mas lalo kaming nagtaka.

"I blackmailed him."

We all waited for her to go on with the storytime. She thought her explanation was enough but no story will escape from us chismosas. Natawa si Sheena at napabuntong hininga na lamang.

"I caught him smoking last month. His girlfriend cheated on him. I guess that's his way of coping up with the breakup." Wala ni isa sa aming nagsalita. Tama bang pagchismisan namin ang bagay na ito? To be honest, I feel bad for Seamus. "We made a deal. We won't tell our parents about our nasty behavior and our lives will continue to be at peace."

I don't really feel like drinking right now but it seems like two of my friends are having a major problem right now. Ang alam kong dahilan kung bakit magpapakalasing si Sheena ngayon ay dahil nag-away sila ni Kennedy kanina. As for Gwyneth, she hasn't said a word about it since she arrived but I am not gonna pressure her on telling us her problem. She should be comfortable telling us what's troubling her. Forcing her won't help.

I just hope our presence will somehow bring her comfort.

The following weeks have been hard for me as I try to balance my personal and professional life. I got a call back from EManagement. I got in as one of their models and I will be having my first ever photoshoot next month. Mabuti na lamang at kasama si Jesse roon kaya wala akong dapat ipangamba. My family was very thrilled about it, too.

Despite our busy schedules, Rainier and I still managed to find time to go out and date. Palagi naman kaming nag-uusap kaya ayos na sa akin iyon. In fact, he invited me to have lunch with his family this coming Sunday. He assured me that his family will like me so even if I am still anxious about meeting his family, I agreed to his invitation.

Maaga akong nagising nang sumapit ang linggo. I am still rolling in my bed while scrolling on my Instagram account, watching my favorite actor's live. I left some comments even if I am not certain that he will notice it. Sa dami ba naman ng mga nagcocomment, himala na lang kung mapansin niya ako.

Hindi bale, makikita ko naman si Daniel Gillies sa San Diego Comic-Con this year. Iyon na lang ang paghahandaan ko.

I exited on his live when I saw Rainier's text pop-up on the screen. My heart almost jumps out of joy. I had to calm myself down before I open his text message.

Serendipity (Dauntless Series #3)Where stories live. Discover now