Mama Adela took me and my half-siblings in Polanco when the classes ended. This is the first time I'm going out of the country. Dalawang buwan kaming magbabakasyon dito bago umuwi.
Mas doble ang laki ng mansyon ni Mama Adela kumpara sa mansyon ni Papa sa Pilipinas. Hindi ko alam kung ilang beses akong napanganga habang sinusuri ang buong kabahayan. I knew my father's side is rich, but I didn't see a proof until now. I'm still pinching myself everytime I discover something from my father's wealthy family. This is too good to be true. It was like my life suddenly came straight out of a novel, becoming an illegitimate daughter of a rich billionaire overnight.
Natulog agad ako sa kwartong hinanda sa akin pagdating namin. Hindi na ako nakasabay sa hapunan dahil kinabukasan na akong nagising. Mama Adela came to my room to wake me up herself. She's holding a glass of milk on her left hand. Kinuha ko iyon at nagpasalamat pagkatapos.
"Where do you want to tour first, ate?" tanong ni Gustin habang pinapanood ang paglapit ko sa hapag. Nakaupo si Ate Reign sa kabilang bahagi ng mesa na naghihintay din sa sasabihin ko.
Hindi ako makasagot dahil hindi naman ako masyadong pamilyar dito sa Polanco. Although, nagresearch naman ako, kaso sa ibang part ng Mexico iyong nailagay ko sa bucket list ko. Sa mga susunod na araw ko na lang iyon babanggitin sa kanila. Matagal pa naman bago kami umuwi.
"Kayo bahala..." sabi ko habang kumukuha ng molletes, enchiladas at quesadillas. Maybe it was a good thing not eating dinner yesterday. The meals on the table are very attracting. Mukhang matatagalan ako sa mesa nito.
Pagkatapos naming kumain ay naligo na ako at naghanda para sa pamamasyal naming tatlo. Si Mama Adela kasi ay may importante ring lalakarin. Iniwan na lamang nito ang isa niyang bodyguard na sa tingin ko ay nasa middle 20s na. Ate Reign insisted that we go by ourselves but our grandma won't let her. My sister is a very outgoing person, baka raw kung saan-saan pumunta at iwanan kami ni Gustin sa gitna ng pamamasyal.
"There she goes..." ani Gustin nang hilahin kami ni ate Reign papasok sa isang boutique. She greeted each staff with a smile before she and I proceeded to the women's section. Nilingon ko ang bunso naming kapatid at ang bodyguard na huminto sa paglalakad at nanatili na lamang sa waiting area. Nang binalik ko ang atensyon ko ay sandamakmak na damit na ang napili ng kapatid ko. Halos mapuno na nito ang cart na dala namin.
"Crop tops suits you well, Guia, since you have an hourglass body." sambit nito habang tinuturo ang mga crop top na nasa harapan namin.
Pinigilan ko siya nang akma itong kukuha na naman ng panibagong damit. "Tama na siguro ang mga ito para sa akin, ate. Sigurado akong hindi ko ito masusuot lahat. Sayang lang."
She looks disappointed pero hindi na siya namilit. Nilingon kong muli si Gustin na ngayon ay nakaupo na sa couch na nakadekwatro habang nagcecellphone. Lumipat ang tingin ko sa bodyguard namin. To my surprise, he's already looking at mrelievs. I immediately looked away to relieve the embarrassment I felt. Grabe, bakit sobrang gwapo niya? Isang tingin mo lang parang mapapaluhod ka kaagad. Grabe naman kasing mga muscles iyon, toned na toned! Partida naka-suit lang 'yan. Paano pa kaya kung...
Nagulat ako nang may biglang humila sa akin. Iyon pala ay mababangga na ako sa rack ng mga make-up. Kinabahan ako roon dahil kaunti na lang ay magsisihulugan ang mga ito kung hindi lamang ako hinila agad ng bodyguard namin. I bit my lower lip when our eyes met. Damn that blue eyes, para akong dinadala sa langit!
"Are you okay, Miss?" he asked in a low baritone. Tumango na lamang ako dahil hindi ko magawang makapagsalita gawa ng hawak-hawak niya pa rin ang braso ko, naiilang ako. Tumikhim ito at pinakawalan na ako.
Nakita ko ang mga kapatid ko na tumatakbo patungo sa direksyon namin. Tulad ko ay gulat din sila sa nangyari. Tumayo ako ng matuwid bago sila hinarap.
YOU ARE READING
Serendipity (Dauntless Series #3)
RomansBrokenness of one's soul creates a tough woman. Gone was the vulnerable girl who was once fooled by love. Guinevere thought her happiness will be forever felt. That's when she realized that life isn't fairy tales and such. Because of what happened t...