"May crush nga ata 'yung kaibigan ni Kevin sa'yo, Guia. Matagal ko nang napapansin 'yang pasulyap-sulyap niya sa'yo," mahinang sinabi ni Sheena habang bumibili kami ng kalamares. "Ano nga ulit ang pangalan nun?"
"Rainier." sagot ni Verona at nagpatuloy sa pagkain ng kalamares sa tabi namin. Tumango si Sheena at tiningnan ako na para bang may hinihintay siya mula sa akin. Kunot noo ko siyang tiningnan.
Anong gagawin ko kung crush nga ako nun? 'Di ko naman type. Baka mamaya may girlfriend pala iyon, siguro nga isa sa mga babaeng nakakasama niyang manood sa practice namin. Si Sheena lang naman ang ginagawa iyong big deal. Buti nga hindi ko siya inaasar kay Kennedy sa tuwing nahuhuli ko silang naglalandian palagi. Hindi naman ako naiinggit na nagkakamabutihan na sila, masakit lang talaga sa mata sa tuwing nagtatawanan sila tapos sa pa-sweet na paraan pa. Kulang na lang langgamin ako. Kami lang ni Verona ang nagdadamayan sa tuwing sinasapian ni Kupido ang kaibigan namin.
Sa mansion ako magcecelebrate ng pasko habang sa Bicol naman ako magbabagong taon. Four months is too much to bear. I have to see my other family. This is the first time I wouldn't be spending my Christmas with them so to be fair, being with them when the year ends is necessary. It's been an awful year.
Naabutan ko si Ate Reign na nanonood sa T.V. Room. Napalingon siya sa banda ko nang mapansin sigurong may tao at agad na ngumiti nang makita ako. Pinalapit niya ako sa kaniya. Naupo ako sa tabi niya.
"Do you like action series?" tanong niya habang inaabot sa akin ang isang bowl ng chips. Kumuha ako roon bago tumango.
Saktong nasa action scene na iyong pinapanood niya kaya hindi agad ako naboring. The guy's girlfriend, I presume, is being held captive. He's bought a weapon but all he did is kick, punch, and break the goon's necks. He could've just shot them instead of tiring himself, but that would ruin the scene. Anyway, he managed to get through them all and freed his girl. Not until someone comes in, the big boss, and shoots the woman.
"I will definitely date him if he wasn't a fictional character..." Ate Reign whispered. Natatawa ko siyang nilingon.
Aren't we all?
Napaupo ako ng maayos nang bigla niya akong hinarap. Nagtataka ko siyang pinagmasdan dahil mukhang may gusto siyang itanong sa akin. Nilingon ko ang pinapanood namin. Tapos na pala ito, at namatay ang babae. The guy continued to save the city, just like what he promised to her.
"You're blooming," she said while studying my face. "Are you seeing somebody?"
Agad akong umiling. "Bakit mo naman nasabi 'yan?"
"Mas lalo kang gumaganda, e. You're wearing no make-up, do you?"
Tumango ako at ganoon din ang ginawa niya. She tore her eyes apart and that made me regain my breath.
"Bakit naman wala pa? If you're worried about what would Dad say, don't be, 'cause he's totally cool with it. He trusts his kids and let them do whatever they want. Including having a suitor."
"Have you..."
Hindi niya na pinatapos ang sasabihin ko dahil mukhang alam niya na ang sagot doon. She nodded and then smiled. "We've been together since high school. I dedicated four years of my life to him."
It's unbelievable that she already found her true love at an early age. I, on the other hand, don't seem to consider finding it yet. Masyadong mapaglaro ang tadhana. Gusto ko sigurado na ako sa taong mamahalin ko. I am the type of woman who wants to settle at the age of 30. So hopefully by then, I already found the right man whom I'm gonna spend the rest of my life with. Or maybe I'm just too hard on myself because I'm afraid that I'll go through the same thing that happened to my parents. I'm just considering the possibilities. I don't think I can trust someone fully to give my heart to them. To love them unconditionally without any hesitation or fear. That's what I aspire to have in the future.
![](https://img.wattpad.com/cover/188545305-288-k483185.jpg)
YOU ARE READING
Serendipity (Dauntless Series #3)
RomanceBrokenness of one's soul creates a tough woman. Gone was the vulnerable girl who was once fooled by love. Guinevere thought her happiness will be forever felt. That's when she realized that life isn't fairy tales and such. Because of what happened t...