Title: I’m in Love with a Probinsyana Girl
(MBMPG SEASON 2)
Author: Ms. Alleia Ryll Writes
(Wattpad username: @alleiaryll02)*Typos and grammatical errors ahead*
— CHAPTER 1 —
» HIS POV «
“KAIZEEEER CLEINNNNN GREEEEY! Ang dami mo ng pinasukan na school pero lagi ka na lang na kikick-out, kaya naman ibinalik ulit kita sa Montenegro's University dahil akala ko ay magbabago ka na pero hindi pala, dahil halos lahat ng mga studyante doon ay natatakot na sa’yo. Kailan ka ba titigil sa pang bu-bully mo ha, Kaizer?” Sermon naman sa akin ni Mommy pagka uwi ko galing school.
Paniguradong nakarating na sa kanya ang ginawa kong kalokohan sa school kanina kaya naman hindi na naman matigil ang bunganga ni Mommy sa pagsesermon sa akin.
“Mommyyy.. just relax, okay? At saka isa pa, ano naman kung mga takot sa’kin ang mga studyante.. eh sa naka hiligan ko na ang pambubully sa kanila. At saka tayo din naman ang nagmamay ari ng school na yun, kaya wala silang magagawa kahit ano pang gawin kong pambubully sa kanila. Edi lumayas sila at lumipat sa ibang school kung ayaw nila mabully. Tsk! Napaka basic, right Mom?” Chill na sagot ko naman habang prenteng naka upo sa sofa.
“I think tama talaga ang Lola mo eh. Mas makakabuti kung sa probinsya na lang kita pag aralin at mas makakabuti din kung doon ka na muna sa Lola mo para may makakasama siya doon.” Bigla naman akong napa balikwas sa pagkaka upo sa sofa dahil sa mga narinig kong sinabi ni Mommy sa akin.
“NO WAY! Ayoko sa probinsya Mom at mas lalong ayokong tumira doon.” pa sigaw na sagot ko naman dahil sa pagka bigla.
“Anong gusto mo Kaizer Clein? Susunod ka sa Mommy mo o makakatikim ka muna ng bugbog bago ka sumunod?” tila pagbabanta naman ni Mommy sa akin.
Bigla naman akong natakot sa sinabi niya dahil alam kong hindi nagbibiro si Mommy at mas lalong ayokong magasgasan ang gwapong mukha ko.
Tsk! Kahit kailan talaga napaka brutal ng Nanay ko.
“But Mommm...” saad ko pa ngunit agad din niya pinutol.
“Not buts, Kaizer. Susunod ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo.” diin sabi naman niya at umalis na sa harapan ko.
Napahiga na lamang ako sa sofa at hindi alam ang gagawin.
Sh*t! Ayokong pumunta sa probinsya nila Grandma, last time na uwi namin doon ay noong maliit pa ako at nasa four years old pa lamang ako noon.
Maganda naman ang probinsya nila Grandma, pero hindi ko gustong tumira doon lalo na ang mag aral, dahil sabi ng iba napaka cheap daw kung manamit ang mga taga probinsya at parang mga sinaunang tao daw ang mga ito, katulad ni Mommy noon na pang manang daw kung manamit dahil kwenento sa akin ni Daddy ang lahat ng nakaraan nila ni Mommy pati na din yung mga pang bubully niya noon kay Mommy sa school.
Hayss! Kahit ayoko doon wala na din ako magagawa dahil si Mommy na ang nag decide at kapag umalma pa ako ay siya na ang makaka laban ko.
Siguro naman kilala niyo na ako, pero syempre magpapa kilala pa din ako sa inyo. I’m Kaizer Clein Grey Montenegro, the only son of Kian Grey Montenegro and Czarina Heart Perez Montenegro.
Kilala ang pamilya namin lalo na sa business, dahil madami ng negosyo ang naipatayo nila Mom and Dad.
At kahit napaka workaholic nila Mommy at Daddy ay hindi pa din nila nakakalimutan ang responsibilidad nila sa akin bilang magulang ko.
Lalo na si Daddy nagkaka sundo kaming dalawa tuwing aasarin o pipikunin namin si Mommy, dahil halos sumabog na ito sa galit tuwing pinag kakaisahan namin siya ni Daddy.
BINABASA MO ANG
𝑰'𝑴 𝑰𝑵 𝑳𝑶𝑽𝑬 𝑾𝑰𝑻𝑯 𝑨 𝑷𝑹𝑶𝑩𝑰𝑵𝑺𝒀𝑨𝑵𝑨 𝑮𝑰𝑹𝑳 (𝑺𝑬𝑨𝑺𝑶𝑵 2)
Teen Fiction𝑷𝒂𝒂𝒏𝒐 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒌𝒂 𝒕𝒂𝒈𝒑𝒐 𝒌𝒂 𝒏𝒈 𝒊𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒍𝒂𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒖𝒃𝒐𝒔 𝒏𝒈 𝒕𝒊𝒈𝒂𝒔 𝒏𝒈 𝒖𝒍𝒐, 𝒌𝒂𝒌𝒂𝒚𝒂𝒏𝒊𝒏 𝒎𝒐 𝒃𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒌𝒊𝒕𝒖𝒏𝒈𝒖𝒉𝒂𝒏 𝒔𝒊𝒚𝒂 𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒂𝒂𝒚𝒐𝒔?