— CHAPTER 5 —» KELLY'S POV «
Habang nakikipag kwentuhan ako sa kanila ay bigla naman pumasok ang teacher namin at mas lalo pa akong nagulat ng may biglang pumasok na isang matangkad na lalaki at kasunod lamang ito ng teacher namin.
“Okay class.. mayroon kayong magiging dalawang bagong ka klase, nandito na ba si Ms. San Pedro?” tanong naman ni Ma’am at agad na tumaas ako ng kamay.
“Yes po Ma’am. Nandito na po ako.” saad ko naman.
“Please stand up and introduce yourself in front of your classmates, kahit dyan ka na lang sa pwesto mo magpa kilala Ms. San Pedro.” aniya sa’kin.
“Sige po.”
Humarap naman ako sa mga ka klase ko at nagpakilala.
“Uhmmm.. hi everyone. l’m Kelly Reign San Pedro, you can call me Kelly for short yun lang. Thank you.” naka ngiting saad ko naman.
May iilan naman ang nag palapak at yung iba naman ay parang wala man lang pakialam sa akin.
“Okay. Thank you Ms. San Pedro.” ani Teacher namin at humarap naman siya kay Mr. Antipatiko at nagsalita muli.
“lt’s your turn, Mr. Montenegro.”
Agad na naghiyawan naman ang mga babae at hindi mapakali sa mga kanya-kanyang mga upuan nito.
Tsk! Feeling gwapo, mukha naman butiki. hmmm!
Nabingi naman ako sa sigaw ng katabi ko.
Sino pa ba?
Walang iba kung hindi si baklesssh lang naman. (Mina)
“WHAAAAAAAAAAA... ANG GWAPOOOOOO MOOOOOO POOOOOO KUYAAAAAA.. AKEN KENE LENG HEHEHE!” Pabebeng sigaw naman ni Mina.
“WAFFFFUUUUUUUUUU.”
“ANGGGG HOOOOT NI KUYAAAA.”
“SH*TTTTT! ANG GWAPOOO NIYAAAA.”
“CHA EUN WOO, IS THAT YOU? GOSSSSHHHH ANG POGI NIYA.”
Mga sari saring komento naman nila at mukhang kami lang ata ni Jaira ang walang pakialam sa mga pinag sasabi nila.
“Hi everyone, l’m Kaizer Clein Grey Montenegro, but you can call me Kai for short. Thank you.” saad naman niya at ngumiti pa ang lalaking antipatiko.
Agad na nag hiyawan naman ulit ang buong klase dahil sa pag ngiti niya at halos mamatay na sa kasisigaw ang lahat lalo na ang baklang katabi ko ngayon na halos mapaos na sa kasisigaw.
“Hoy! Teklaaa.. tumigil ka nga sa ka sisigaw mo dyan, mukha kang daga na naipit.” suway naman ni Jaira sa kanya.
“Ano ka ba naman Jaijai, minsan lang ako makakita ng pogi kaya lulubos lubusin ko na ang kalandian.” mataray na sagot naman ni Mina.
“Tse! Ewan ko sa’yo, mukha kang tanga sa kasisigaw mo dyan, wala ka naman napapala.” saad pa ni Jaira.
“Alam mo Jaijai sa ka gaganyan mo, madali kang tatanda nyan eh.. kaya hindi ka nagkaka bf dahil napaka MAN HATER mo.” reklamo naman ni bakla.
“Tse.. tumigil ka na nga.” suway pa ni Jaira sa kanya.
Ewan ko ba kung maiinis ako sa kanilang dalawa dahil sobrang ingay nila o matatawa dahil ang cute nilang mag away, at mas lalong nakaka tawa si Jaira kapag nilalait si Mina Hahahaha.
“Okay Mr. Montenegro.. maupo ka na sa tabi ni Ms. San Pedro, dahil sa tabi na lang niya ang may vacant na upuan.” rinig ko pang saad ng teacher namin.
BINABASA MO ANG
𝑰'𝑴 𝑰𝑵 𝑳𝑶𝑽𝑬 𝑾𝑰𝑻𝑯 𝑨 𝑷𝑹𝑶𝑩𝑰𝑵𝑺𝒀𝑨𝑵𝑨 𝑮𝑰𝑹𝑳 (𝑺𝑬𝑨𝑺𝑶𝑵 2)
Teen Fiction𝑷𝒂𝒂𝒏𝒐 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒌𝒂 𝒕𝒂𝒈𝒑𝒐 𝒌𝒂 𝒏𝒈 𝒊𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒍𝒂𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒖𝒃𝒐𝒔 𝒏𝒈 𝒕𝒊𝒈𝒂𝒔 𝒏𝒈 𝒖𝒍𝒐, 𝒌𝒂𝒌𝒂𝒚𝒂𝒏𝒊𝒏 𝒎𝒐 𝒃𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒌𝒊𝒕𝒖𝒏𝒈𝒖𝒉𝒂𝒏 𝒔𝒊𝒚𝒂 𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒂𝒂𝒚𝒐𝒔?