(CHAPTER 9)

560 25 0
                                    

— CHAPTER 9 —

» KAIZER'S POV «

Hindi ko alam kong saan ko pwedeng dalahin siya, kaya naman na isipan kong i-uwi na lamang siya sa amin.

Pasado alas otso na nang gabi ng makauwi kami sa bahay, at gulat na gulat pa sina Grandma ng makita kaming dalawa.

“Gosssh! What happened to Kelly? Bakit puro pasa at sugat ang mukha niya?” Tanong agad ni Kendra sa akin.

“Jusko po! Anong nangyari sa inyo? Bakit ang dumi ng mga uniform niyo? Napa away ba kayo, ha?” Sunod sunod na tanong naman ni Grandma sa akin habang hindi mapakali.

“Anong nangyari, dude?” tanong pa ni Clyde sa akin.

“Lea, pa kuha naman ng first aid kit sa kwarto ko.” Utos ko naman sa maid ni Grandma.

“Sige po Sir.”

“Ano ba talaga ang nangyari sa inyo? Bakit ganyan ang mga itsura ninyong dalawa?” Tarantang tanong pa din ni Grandma.

Tinulungan naman ako ni Clyde na mai-higa sa sofa si Bananaque girl.

“Nadatnan ko na lamang po na binubogbog siya ng Tatay niya, at ipinahiya pa sa maraming tao na parang hindi niya anak kong itrato si Kelly.” sagot ko naman.

“Juskooo! Kawawa naman ang batang ito, napaka bait pa naman.” naaawang saad naman ni Grandma.

“Bakit siya binugbog?” tanong naman ni Kendra.

“Hindi ko din alam, pero sa tingin ko ay dahil sa gabi na siya naka uwi.” sagot ko pa.

“Huhuhu.. sorry Kelly kasalanan ko pa kung bakit nabugbog ka, kung hindi sana ako nag akit mag mall kanina ay hindi sana mangyayari sa’yo yan.” umiiyak na saad naman ni Kendra.

Maya maya lamang ay may dala ng first aid kit si Lea at agad na ibinigay sa akin.

Sinimulan ko ng gamutin ang mga sugat niya at pagkatapos ay napag pasiyahan namin na doon na lamang siya matulog sa kwarto ni Kendra para mapalitan na din siya ng damit at si Kendra na ang bahala sa kanya.

» KELLY'S POV «

Nagising na lamang ako sa sikat ng araw na nagmumula sa bintana.

Agad na napamulat naman ako ng mata ng maramdaman kong wala ako sa bahay namin.

Grabe sobrang sakit ng mukha ko pati na din ang mga sugat na nakita ko sa iba’t ibang parte ng katawan ko at mas lalo pang sumakit ang ulo ko ng napa balikwas ako.

Agad na bumangon naman ako at pinag masdan ang paligid.

Nasaan ako?

Anong nangyari? Bakit puro pasa at sugat ang mukha ko?

Saka lang pumasok sa isip ko ang mga nangyari kahapon..

“Oh gising ka na pala Kelly.” biglang saad naman ni Kendra na kalalabas lamang ng banyo at mukhang kaliligo lang nito at nakabihis na din siya ng uniform.

Naalala kong may pasok nga pala kami ngayon. Lagot ang uniform ko.

“Kendra, bakit ako nandito?” nagtatakang tanong ko naman sa kanya.

“Si Kaizer ang nagdala sa’yo dito.. a-and s-siya nga pala I’m very sorry Kelly, dahil kung hindi ko kayo niyaya kahapon mag mall ay hindi sana mangyayari sa’yo yan.” Di maka tingin sambit naman ni Kendra sa akin na animo ay nahihiya.

“Wala kang kasalanan Kendra, kaya wag kang humingi ng sorry at saka isa pa.. ganon talaga si ltay sa akin.” naka ngiting saad ko naman at pinipigilan hindi umiyak.

𝑰'𝑴 𝑰𝑵 𝑳𝑶𝑽𝑬 𝑾𝑰𝑻𝑯 𝑨 𝑷𝑹𝑶𝑩𝑰𝑵𝑺𝒀𝑨𝑵𝑨 𝑮𝑰𝑹𝑳 (𝑺𝑬𝑨𝑺𝑶𝑵 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon