— CHAPTER 35 —
» KELLY'S POV «
Nagising na lamang ako sa isang malakas na tunog ng bakal.
Arghhhhh! Sobrang nakaka bingi.
“Ohh buti naman nagising ka pa hahaha.” Isang boses ng babae ang agad na bumungad sa akin.
Pero hindi lamang yun ang nakapag pa gulat sa akin kung hindi dahil sa boses nitong pamilyar sa akin.
Kahit hirap sa pag mulat ay pinilit ko pa din siyang tingnan kahit nanlalabo pa ang mga paningin ko.
Napansin kong naka mask at shades ito pero hindi yun hadlang upang hindi ko siya makilala at may mga babae din siyang kasama na sa tingin ko ay mga dati din nag aaral sa Wilford University.
“P—Precilla???” gulat na bulalas ko sa pangalan niya.
“AKO NGA HAHAHAHAHAHA! BUTI NAMAN AT NAKILALA MO PA AKO.” sagot niya na may mala demonyong ngiti.
“ANO BANG KASALANAN KO SA’YO PARA GANITUHIN MO AKO?” sambit ko naman.
“HMMMM! HINDI MO BA NATATANDAAN NOONG IPINAHIYA MO LANG NAMAN KAMI NG MGA KAIBIGAN KO SA HARAP NG MGA STUDYANTE AT HINDI LANG YUN, DAHIL IPINA-KICK OUT MO DIN KAMI.. PATI NA DIN SI DADDY AT IDAGDAG MO NA DIN ANG PUSO NI KAIZER NA KINUHA MO SA AKIN, KAYA MAGBABAYAD KANG IMPAKTA KA!” Galit na galit na sabi nito sa akin.
“Teka lang ha, para sabihin ko sa’yo.. unang una kahit kailan hindi mapapasayo si Kaizer dahil wala naman kayo, at pangalawa ako ang nagmamay-ari ng school kaya may karapatan ako magpalayas ng mga studyanteng suwail na katulad ninyo, at pangatlo kaya tinanggal ko ang Daddy mo sa posisyon niya ay dahil bukod sa ninanakawan niya ang pundo ng school ay mayroon din mga studyante na nagrereklamo sa pambabastos ng Daddy mo, kaya dapat lamang na alisin kayo sa school dahil hindi kayo nararapat doon.” palaban na sagot ko naman at isang malakas na sampal ang natamo ko sa mga palad niya.
*PAAAAAAKKKKKKKKKKKK*
“How dare you to say that, hindi ganyan ang Daddy ko at lalong hindi magagawa ni Daddy mang bastos ng mga studyante dahil mahal niya ang mga taong nag aaral doon.” nanlilisik na sa galit ang mga mata niya habang naka tingin sa akin.
“Totoo ang sinasabi ko Precilla at hindi ako gumagawa ng kwento lamang, dahil meron akong ebidensya.” Sagot ko naman.
“Tsk! So what? Do you think, makaka alis ka pa dito ng buhay? Hahaha.” naka ngisi aniya.
“Mabuti pa alisin niyo na ang tali na nasa katawan ko at tigilan niyo na ang mga kalokohang ito.” Sambit ko naman.
“Ano kami TANGA? MAGDUDUSA KA MUNA, BAGO KA MAMATAY. F*CK YOU BITCH!”
At isang malakas na sampal na naman ang iginawad niya sa pisngi ko.
» AKIRO'S POV «
Kitang kita ko ang lahat ng pangyayari dahil sinundan ko si Kelly, pero hindi ko na siya na abutan pa dahil naisakay na agad siya ng mga armadong lalaki sa van at idagdag pa ang siksikan dahil sa dami ng taong nakiki-usyoso.
I tried to call her phone but, she didn’t not answered.
Sunod ko naman tinawagan ang number ni Kaizer.
Buti na lamang ay may number ako nito, dahil hiningi ko sa isa sa mga kasamahan niya sa basketball para makausap sana ito nung nakaraan pero nalimutan ko na.
*RINGGGGGGGGGGGGGGGGG!*
Fvck! Come on, Kaizer.. answer your f*cking phone.
Maya maya lamang ay sinagot din nito ang tawag ko.
BINABASA MO ANG
𝑰'𝑴 𝑰𝑵 𝑳𝑶𝑽𝑬 𝑾𝑰𝑻𝑯 𝑨 𝑷𝑹𝑶𝑩𝑰𝑵𝑺𝒀𝑨𝑵𝑨 𝑮𝑰𝑹𝑳 (𝑺𝑬𝑨𝑺𝑶𝑵 2)
Teen Fiction𝑷𝒂𝒂𝒏𝒐 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒌𝒂 𝒕𝒂𝒈𝒑𝒐 𝒌𝒂 𝒏𝒈 𝒊𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒍𝒂𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒖𝒃𝒐𝒔 𝒏𝒈 𝒕𝒊𝒈𝒂𝒔 𝒏𝒈 𝒖𝒍𝒐, 𝒌𝒂𝒌𝒂𝒚𝒂𝒏𝒊𝒏 𝒎𝒐 𝒃𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒌𝒊𝒕𝒖𝒏𝒈𝒖𝒉𝒂𝒏 𝒔𝒊𝒚𝒂 𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒂𝒂𝒚𝒐𝒔?