— CHAPTER 34 —
» KELLY'S POV «
Nandito ako ngayon sa bahay nila Kaizer dahil inimbitahan ako ni Lola Czany na dito mag hapunan.
Nandito din ang parents ni Kaizer kaya naman medyo na iilang ako dahil sa mga titig nila.
“Ilan taon ka na, iha?” Tanong ng Daddy niya sa akin.
“DADDD.. wag nga kayo tumingin ng ganyan sa kanya.” Suway naman ni Kaizer sa mga magulang niya.
“Hahaha I’m sorry iha, masanay kana sa amin ng Tito Kian mo.” paumanhin naman ng Mommy ni Kaizer.
“Okay lang po, Tita.” sagot ko naman.
“Siya nga pala, hindi ba’t ikaw ang anak nina Mr. Wilford and Mrs. Wilford?” tanong muli sa akin ni Tito Kian.
“O-Opo..” tipid na sagot ko.
“By the way iha, pakisabi sa kanila na maraming salamat dahil sa amin sila nakipag partner sa business.” ani Tita Czarina.
“Sige po.” sagot ko naman.
Tipid lamang ang mga sinasagot ko sa kanila dahil sa sobrang hiya.
Ewan ko ba pero feeling ko nag re-recitation ako sa unahan ng klase kaya ganito na lamang ako kung kabahan.
“Wag kang mahiya sa amin iha, dahil mamaya may ikwe-kwento ako sa’yo.” Naka ngiting sabi ni Tita Czarina sa akin.
Lumipas pa ang oras at habang tumatagal ay nagiging close ko na din sila kaya naman magaan na ang loob ko sa kanila.
Pagkatapos namin kumain ay niyaya akong pumunta sa taas ni Tita Czarina at iniwan naman namin sa ibaba sina Kaizer at Tito Kian.
Napansin ko din na wala sina Clyde at Kendra, siguro ay may mga pinuntahan ang mga ito.
Pumasok naman kami sa loob ng isang kwarto at nakita ko ang napaka daming picture ng bata na sa tingin ko ay si Kaizer dahil ka mukhang kamukha niya ito.
Naglakad naman ako papunta sa isang litrato ng bata na may hawak na bola.
“Alam mo ba iha na yang picture na hawak mo ay ang pinaka memorable para kay Kaizer.” Pag kwe-kwento ni Tita sa akin.
“Talaga ho? Bakit po?” usisa ko naman.
“Nang dahil sa bola na yan ay may naka away siya noon at alam mo ba na nakipag suntukan pa siya para lang makuha ang bolang iyan.” aniya pa.
Mababakas naman sa mukha ko ang pagtataka.
“Bakit po niya nagawa ‘yon?” tanong ko pa.
“Dahil ayaw niya na may kumukuha ng isang bagay na ibinigay sa kanya ng Daddy niya. Marunong kasi siyang magpa halaga ng isang bagay lalo na kapag galing sa mahal niya at talaga itinatabi pa niya ito para lang hindi masira.” sambit pa ni Tita Czarina.
Bigla naman pumasok sa isip ko nung mga nakaraang araw na palagi siyang kinakantiyawan nina Tyler at Clyde dahil sa ibinigay kong case ng phone at keychain na nakasuot sa phone niya, pero hindi man lang niya ito mga pinapansin.
Nag stay pa kami ng ilang minuto sa loob bago lumabas ng kwarto.
» KENDRA'S POV «
Wala pang 5:00am ay gising na agad ako kaya naman naligo at nagbihis na ako.
5:30am ng umaga ay umalis na ako, kaya naman paniguradong wala pang tao sa school.
Hindi na ako sumabay sa kanila kaya naman nag bus na lang ako pa puntang school.
Habang nasa biyahe ay mas pinili ko na muna mag head phone hanggang sa makarating ako ng sa school.
“Good morning po, Manong guard.” bati ko naman sa guard na nagbabantay.
“Magandang umaga din lneng, mukhang napa aga ka ata ng pasok ngayon.” sagot niya.
“Hahaha oo nga po eh. Sige po, una na po ako.” Paalam ko naman at naglakad na ako sa hallway pa punta ng classroom.
Pagkadating ko sa classroom ay katulad ng inaasahan ko, wala pa ni isang studyante maliban sa akin.
Papasok na sana ako sa loob ng biglang may nagsalita naman sa likuran ko.
“Ang aga mo ngayon ah.” Napa harap naman ako sa kanya at nakita kong naka ngiti ito sa akin.
“T-Tyler, ikaw pala yan. Teka ikaw nga din eh, ang aga mo hahaha.” natatawang sagot ko naman.
“Maaga naman talaga ako pumapasok eh.” sagot din niya.
Pumasok naman ako sa loob at sumunod naman siya.
“Mukhang nilalamig ka ah.” Usisa ko sa kanya dahil halos balot na balot siya ng jacket.
“Uhmmm oo eh.” aniya pa.
Napansin kong umupo naman siya sa tabi ng upuan ko at pumikit.
Mukhang matamlay ata siya ngayon.
Sinapo ko naman ang noo niya at hindi nga ako nagkakamali ang taas ng lagnat niya, kaya pala mukhang matamlay siya ngayon.
“Hoy gumising ka dyan lalaki.. tara na, ihahatid kita sa bahay niyo, ang taas ng lagnat mo.” nag aalang saad ko sa kanya
“Wag na, ayos lang ako.” walang ganang sabi nito.
“Tara na sabi eh, sasapakin kita dyan.” pagbabanta ko naman dito para sumunod.
Tumayo naman ito at inalalayan ko siya.
Ako na din ang nag drive ng kotse niya habang siya naman ay itinuturo sa akin ang daan patungo sa bahay nila.
» JAIRA'S POV «
“Hindi pa ba dumadating si Kendra?” Tanong naman ni Kelly sa amin pagkadating nito sa classroom.
“Hindi pa eh.” Sagot ko naman.
“Asan na kaya ang bruha na yun?” sambit naman ni Mina.
Hanggang sa matapos ang klase ay hindi pa din dumadating si Kendra.
» KELLY'S POV «
Naglalakad na ako ngayon pa puntang bus terminal dahil tumawag sa akin kanina si Manong Edward na hindi niya ako masusundo dahil may sakit ito, kaya naman magco-commute lang ako ngayon.
At akmang tatawid na sana ako sa kalsada ng may isang van naman ang biglang huminto sa harapan ko at lumabas ang mga lalaking armado na may hawak na mga baril.
Tinutukan naman ng baril ng mga ito ang mga taong nasa paligid na gusto akong tulungan, kaya naman wala na silang nagawa, dahil pati buhay nila ay madadamay kapag tinulungan nila ako.
“ANO BA BITAWAN NIYO NGA AKO.” sambit ko naman sa mga ito.
Pero mukhang wala man lamang itong mga narinig.
“ANO BAAA! SINABI NG BITAWAN NIYO AKO EH. NASASAKTAN AKO, ANO BA.” katwiran ko pa pero hindi man lang ako pinakinggan ng mga ito.
Bigla naman may itinakip sa akin na panyo na may kakaibang amoy, hanggang sa mawalan ako ng malay at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.
— END OF CHAPTER 34 —
BINABASA MO ANG
𝑰'𝑴 𝑰𝑵 𝑳𝑶𝑽𝑬 𝑾𝑰𝑻𝑯 𝑨 𝑷𝑹𝑶𝑩𝑰𝑵𝑺𝒀𝑨𝑵𝑨 𝑮𝑰𝑹𝑳 (𝑺𝑬𝑨𝑺𝑶𝑵 2)
Teen Fiction𝑷𝒂𝒂𝒏𝒐 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒌𝒂 𝒕𝒂𝒈𝒑𝒐 𝒌𝒂 𝒏𝒈 𝒊𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒍𝒂𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒖𝒃𝒐𝒔 𝒏𝒈 𝒕𝒊𝒈𝒂𝒔 𝒏𝒈 𝒖𝒍𝒐, 𝒌𝒂𝒌𝒂𝒚𝒂𝒏𝒊𝒏 𝒎𝒐 𝒃𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒌𝒊𝒕𝒖𝒏𝒈𝒖𝒉𝒂𝒏 𝒔𝒊𝒚𝒂 𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒂𝒂𝒚𝒐𝒔?