— CHAPTER 29 —
» KAIZER'S POV «
Nagulat na lamang ako ng biglang halikan ako ni Sheena at hindi ko namalayan na sinusundan pala niya ako.
Agad naman akong napa tingin sa kanya pagka alis ni Kelly.
Tiim bagang na tinitigan ko siya, hangga't kaya kong pigilan ang sarili ko na hindi saktan siya ay pipilitin ko.
“ANO BANG PUMASOK DYAN SA KUKUTE MONG BABAE KA? BAKIT MO GINAWA YUN?” Galit na sigaw ko sa kanya.
Tanging boses ko lamang ang namumutawi sa kabuuan ng locker room.
“B-Because, I love you.. kaya nagawa ko ‘yon.” katwiran niya.
“BULLSH*T NA PAGMAMAHAL YAN! HINDI PAGMAMAHAL ANG TAWAG DYAN SHEENA. ALAM MO BA KUNG ANO, HA? SELFISHNESS! MAKA SARILI KA, ALAM MO BA YUN? SARILI MO LANG ANG INIISIP MO. PALAGI MO NA LANG INUUNA ANG KAPAKANAN MO, HINDI MO BA TALAGA MAITATAK DYAN SA UTAK MO NA HINDI NA IKAW ANG MAHAL KO, DAHIL SIMULA NG LOKOHIN MO AKO MATAGAL NA KITANG KINALIMUTAN AT SI KELLY NA ANG LAMAN NITO NGAYON AT HINDI NA IKAW, KAYA PLEASE LANG.. NAGMAMAKA AWA AKO SA’YO. LAYUAN MO NA AKO AT MAG MOVE ON KANA SHEENA! MOVE ON! KALIMUTAN MO NA AKO, MAKAKAHANAP KA PA NG IBA! TANDAAN MO HINDI LANG AKO ANG PWEDE MONG MAHALIN, JUST OPEN YOUR HEART PARA SA IBANG TAO.. MAKAKAHANAP KA PA NG MAS HIHIGIT SA’KIN. MOVE ON NA! OKAAAY?” Mahabang litanya ko na ikinapatak ng mga luha niya.
“I-I’m r-really s-sorry K-Kai.. hindi ko namamalayan na masyado na pala ako nagiging selfish. Now l know, na wala na nga talaga akong babalikan dito sa Pilipinas. Kailangan ko na nga talaga siguro mag move on hahaha. Sorry sa lahat ng nagawa ko, don’t worry babalik na ako sa California a-at s-sana m-mapatawad mo pa ako, bago ako umalis.” Tila natauhan sambit niya habang umiiyak.
“P-Pinapatawad na kita, Sheena.” mahinahong sagot ko naman.
“Thank you so much, Kai.. s-so FRIENDS?” naka ngiti ng tanong niya.
“Friends.” At nakipag shake hands naman ako sa kanya.
“C-Can l hug you for the last time?” She asked.
“Yeah! Sure.” Tipid na sabi ko at agad na lumapit naman siya sa akin at niyakap ako.
“I’m really sorry talaga Kai. Promise hindi na ako manggugulo sa’yo or sa inyo, sana maging masaya ka sa kanya, because from now on, I will set you free kahit sobrang sakit para sa’kin nito, hangad ko na maging masaya ka. Goodbye, Kaizer!” At pagkatapos niyang magpa alam ay umalis na siya.
Agad na nilisan ko naman ang locker room upang hanapin si Kelly.
Nilibot ko na ang buong campus pero hindi ko pa din siya makita.
Pumunta naman ako sa likod ng school at nakita ko siyang kausap ang bagong transfery at mukhang masayang masaya siya habang kausap ito.
Napangiti na lamang ako ng mapait bago umalis.
» KENDRA'S POV «
Kanina pa kami naka uwi ni Clyde dito sa bahay ni Lola Czany pero wala pa din si Kaizer kaya naman nag aalala na si Lola sa kanya kanina pa.
“Sigurado ba kayong hindi niyo nakita kanina si Kaizer?” Ulit na tanong sa amin ni Lola.
“Hindi po Lola eh. Hinahanap nga din po namin siya kanina para isabay na sana sa pag-uwi pero hindi po namin siya makita.” sagot ko naman.
“Juskooo! Nasaan na kaya ang batang iyon?” Nag aalalang sambit ni Lola.
Maya maya lamang ay may biglang bumusina na kotse sa labas ng bahay at agad na pinag buksan ito ng mga guwardiya.
BINABASA MO ANG
𝑰'𝑴 𝑰𝑵 𝑳𝑶𝑽𝑬 𝑾𝑰𝑻𝑯 𝑨 𝑷𝑹𝑶𝑩𝑰𝑵𝑺𝒀𝑨𝑵𝑨 𝑮𝑰𝑹𝑳 (𝑺𝑬𝑨𝑺𝑶𝑵 2)
Teen Fiction𝑷𝒂𝒂𝒏𝒐 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒌𝒂 𝒕𝒂𝒈𝒑𝒐 𝒌𝒂 𝒏𝒈 𝒊𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒍𝒂𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒖𝒃𝒐𝒔 𝒏𝒈 𝒕𝒊𝒈𝒂𝒔 𝒏𝒈 𝒖𝒍𝒐, 𝒌𝒂𝒌𝒂𝒚𝒂𝒏𝒊𝒏 𝒎𝒐 𝒃𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒌𝒊𝒕𝒖𝒏𝒈𝒖𝒉𝒂𝒏 𝒔𝒊𝒚𝒂 𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒂𝒂𝒚𝒐𝒔?