— CHAPTER 6 —
» KELLY'S POV «
Pagkatapos ng klase ay umuwi na agad ako ng bahay upang mag tinda ng bananaque.
“BANANAQUE KAYO DYAN, BILI NA KAYO.” malakas na sigaw ko naman habang naglalako ng bananaque sa daan.
Hanggang ngayon ay suot suot ko pa din ang uniform ko dahil mas minabuti kong huwag na muna magpalit ng damit.
Habang naglalakad ako ay may bigla naman huminto na kotse sa harapan ko at agad na huminto din ako sa paglalakad at tiningnan ito.
“Hey... Bananaque Girl.” naka ngising saad naman ni Mr. Antipatiko sa akin.
“Ohh anong kailangan mo, aber?” nakataasan kilay na tanong ko naman dito.
“Tsk! Wala akong kailangan sa’yo, dyan ka na nga. Sayang bibilihin ko pa naman sana lahat ng paninda mo.” tila ba gusto nito pang hinuyuan ko ang sinabi niya.
Bigla naman akong napa isip sa sinabi niya at akmang isasara na nito ang bintana ng kotse ay agad na pinigilan ko naman ito.
“Hep.. hep.. teka, sandali lang. Ikaw naman hindi na mabiro eh.” nakangiwi sabi ko.
‘Baka magbago pa ang isip ng lalaking ‘to. Mabuti na din yung bilihin na niya lahat ng paninda ko kesa naman maglako pa ako sa kainitan ng araw.’ sabi ko naman sa aking isipan.
“Tsk!” supladong saad pa nito.
“Hehehe.. sorry sa inasal ko kanina, ikaw naman kasi bigla bigla ka na lang sumusulpot. Ohh ano bibili ka ba?” naka puppy eyes na tanong ko naman at mukhang hindi man lang umepekto sa kanya ang ginawa ko dahil mas lalo lamang ako nito inismidan.
Yung totoo? Babae ata ‘to eh. Grabe, napaka maldito talaga ng lalaking ito.
“Tsk! how much?” tanong niya.
“Huh?” tila nawala naman ako sa sarili ng titigan kong mabuti ang mga mata niya.
“ANG SABI KO MAGKANO LAHAT NG PANINDA MO, DAHIL BIBILIHIN KO NA LAHAT PARA MAKA UWI NA AKO.” bulyaw naman nito sa akin.
“Huh? Uhmmm.. ehh.. s-sandali lang bibilangin ko lang lahat.” natatarantang sagot ko naman bago pa mag bago ang isip niya.
Agad na binilang ko naman ang bananaque paninda ko at pagkatapos ay humarap sa kanya.
“Uhmm.. ₱245 pesos lahat.” mabilis na sagot ko naman sa kanya.
Kinuha naman niya ang wallet niya at ini-abot sa akin ang isang libo.
“U-Uhmm.. ehmm.. wala ka ba kahit five hundred dyan? wala kas—”
“Tsk! Keep the change.” Masungit na sabi naman nito at agad na pinaandar ang kotse niya.
“Hmmm! Pa salamat kang lalaki ka, good mood ako ngayon dahil binili mo lahat ng paninda ko, plus may pa sobra pa sa binayad mo.” tanging na sabi ko na lamang at umuwi na ng bahay.
— SCHOOL —
“Hoy! Babaknita ka. Saan ka ba nag susuot? Kanina ka pa namin hinahanap ni Jaijai.” Tanong naman sa akin ni Mina pagka pasok ko sa classroom.
“sa CR... na jejebs na kasi ako eh, kaya tumakbo na ako kanina at hindi na ako nakapag paalam sa inyo.” sagot ko naman.
“OMG! Matutuwa ka sa sasabihin ko sa’yo Sis.” nag niningning na mga mata sabi naman ni Mina sa akin habang si Jaijai naman ay tila hinihintay din nito ang sasabihin ni bakla.
“Ano ba yun Bakla at di ka mapakali dyan, ha?” Tanong ko naman dito.
“ACCCKKKKK! May basketball game mamaya at maglalaban laban lahat ng year level.” balita naman sa akin ni Bakla.
BINABASA MO ANG
𝑰'𝑴 𝑰𝑵 𝑳𝑶𝑽𝑬 𝑾𝑰𝑻𝑯 𝑨 𝑷𝑹𝑶𝑩𝑰𝑵𝑺𝒀𝑨𝑵𝑨 𝑮𝑰𝑹𝑳 (𝑺𝑬𝑨𝑺𝑶𝑵 2)
Ficção Adolescente𝑷𝒂𝒂𝒏𝒐 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒌𝒂 𝒕𝒂𝒈𝒑𝒐 𝒌𝒂 𝒏𝒈 𝒊𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒍𝒂𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒖𝒃𝒐𝒔 𝒏𝒈 𝒕𝒊𝒈𝒂𝒔 𝒏𝒈 𝒖𝒍𝒐, 𝒌𝒂𝒌𝒂𝒚𝒂𝒏𝒊𝒏 𝒎𝒐 𝒃𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒌𝒊𝒕𝒖𝒏𝒈𝒖𝒉𝒂𝒏 𝒔𝒊𝒚𝒂 𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒂𝒂𝒚𝒐𝒔?