(CHAPTER 4)

724 33 0
                                    

— CHAPTER 4 —

» KELLY'S POV «

Nasa tapat na ako ngayon ng isang malaking iskwelahan at isa din ito sa mga sikat na paaralan dito sa probinsya ang WILFORD UNIVERSITY.

Pumasok naman ako sa loob at nakita ko  ang ibang mga studyante na naglalakad habang mga nag uusap ang mga ito.

Dati pangarap ko lamang makapasok sa isang mamahaling school, pero ngayon ay nakamit ko na ang isa sa mga pangarap ko sa buhay, ang maka pasok sa isang mamahaling paaralan dito sa probinsya namin.

Pinag masdan ko naman ang mga uniform na suot nila at bigla na lamang ako na ilang dahil sobrang ikli ng palda nila.

At yung iba naman ay sinadya talaga nilang pa iklian pa ang mga palda nila, na para bang makikita na ang mga tinatago nila.

Bakit ganon? Doon sa dati kong school ay sobrang haba ng palda namain na animo’y para na kaming mga Lola o Manang dahil sa sobrang haba nito, pero dito halos makita na ang mga kaluluwa ng mga studyante at mas lalo pa silang nagpapa iksian ng mga palda.

Dumiretso naman ako sa office ng principal para mag asikaso ng mga dapat kung asikasuhin para sa pag tra-transfer ko dito.

May senior high din sa school na ito pati na din high school, kaya naman sobrang lawak at laki ng school lalo na ang soccer field.

At dahil schoolar ako ay sagot na din ng gobyerno ang tuition fee ko at pati na din uniform na gagamitin ko, kaya naman hindi na ako mahihirapan pang mag ipon at iwas gastos pa.

Pagkatapos kong maasikaso ang lahat ng form ko ay napag pasiyahan ko ng umuwi dahil bukas na bukas ay papasok na ako.

» KAIZER'S POV «

“SIRRR KAIZEEER! Gising na po, mag aalasyete na po ng umaga at malalate na kayo sa klase.”

“SIRRR KAIII... malalate na po kayo.”

“Sir, alasyete na po.. baka malate na kayo sa klase niyo.”

Kanina pa ako pinipilit gisingin ng mga maid ni Grandma at kahit isa ay walang nakapag pigil sa antok ko.

Tsk! Pakialam ko ba sa kanila? Hindi hamak na isa lamang silang katulong dito.

Ako ang amo nila, kaya dapat lang na ako ang masununod dito.

I can do what ever l want. Tsk!

“TSK! LEAVE ME ALONE.” mahinahon na saad ko habang nagpipigil ng galit.

Mga pesteng maid ito ni Grandma hindi marunong makinig.

“Pero sir Kai—...”

"l SAID.. LEAVE ME ALONE. HINDI BA KAYO MARUNONG MAKINIG, HA?!” Malakas na sigaw ko naman sa kanila.

Agad na nag silabasan naman ang mga maid at takot na takot ang mga ito habang palabas ng pinto.

At dahil na wala na din ang antok ko ay bumangon na din ako upang maligo.

Pagkatapos ko mag bihis at mag mayak ay bumaba na ako ng kwarto para mag almusal.

Alas otso na ng umaga at mamayang eight thirty ang pasok ko, pero wala akong pakialam kahit malate pa ako ng pasok.

“Oh apo.. alas otso na ng umaga hind ka pa ba papasok?” Nagtatakang tanong naman sa akin ni Grandma.

“Maya maya na po Grandma.. maaga pa naman at saka isa pa transfery naman ako.” pangangatwiran ko naman.

“Nako! lkaw talagang bata ka, mga isang oras pa ang biyahe mo pa puntang school dapat maaga ka nagising para hindi ka malate, baka nakakalimutan mong sa WILFORD UNIVERSITY ka mag aaral at aabutin ng mga isang oras ang biyahe mo.” saad pa ni Grandma.

𝑰'𝑴 𝑰𝑵 𝑳𝑶𝑽𝑬 𝑾𝑰𝑻𝑯 𝑨 𝑷𝑹𝑶𝑩𝑰𝑵𝑺𝒀𝑨𝑵𝑨 𝑮𝑰𝑹𝑳 (𝑺𝑬𝑨𝑺𝑶𝑵 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon