(CHAPTER 28)

462 21 0
                                    

— CHAPTER 28 —

» KAIZER'S POV «

“Good morning everyone. So, last week may new classmate kayo, which is.. si Ms. Fortia na nga, and now meron na naman kayo bagong magiging ka klase.” Anunsyo ng Teacher namin sa unahan.

Nanatiling naka upo lamang ako at hindi tinitingnan ang adviser namin habang nagsasalita sa unahan.

Tsk! Kahit naman makinig ako sa kanya, wala naman ako mapapala eh.

“Please come in Mr. Flyn at magpakilala ka sa iyong mga magiging ka klase.” ani muli ng aming Teacher.

Pumasok naman ang bagong studyante at pumunta sa unahan.

Bigla naman nag hiyawan ang mga babae at sobrang nakakarindi, dahil bukod sa mga bunganga nilang malalakas ay ginagawa pa nilang drum ang mga mesa nila at kanya-kanyang hiyawan ang mga ito.

Tsk! Ano bang meron?

Napatingin naman ako sa unahan at nakita ko ang bagong magiging ka klase namin.

Hmm.. okay! I admit, may itsura siya pero mas gwapo pa din ako sa kanya. Tsk!

“Uhmm.. hi guys, l’m Akiro Flyn. I hope we’ll be good friends. Thank you!” maikling pa kilala nito sabay ngumiti ng tipid.

“WOAAAAHHHHH! ANG POGI NIYA. SH*T!”

“KUYAAAAA SEKEN KENE LENG.”

“OMGGGG! ANG CUTEEEE NIYAAAAA.”

Tsk! Bakit ba ganito ang mga babae dito? Parang ngayon lang sila naka kita ng tao. Tsk! Mga abnormal ba sila?

“Okay Mr. Flyn, you can sit beside u-uhmmm.. kay M-Ms. Wilford.” saad naman ni Ma’am habang nakaturo sa bakanteng upuan na katabi ni Bananaque girl.

Dumiretso na ito sa hulihan at umupo sa katabi ni Bananaque girl.

Napansin ko naman na ngiting ngiti ito kay Kelly habang papalapit.

‘Tsk! Napaka pangit mo para ngumiti.’ Inis na saad ko sa aking isipan ko.

“It’s you again Kelly hahahaha. Siguro destiny talaga tayo.” Sabi nito at umupo sa tabi ni Kelly.

“Oo nga eh hahaha.. ikaw na naman.” Ani Kelly.

Tsk! Magka kilala sila?

Hindi ko na lamang sila pinansin at humarap na lamang ako sa nagleleksyon na Teacher namin kahit wala akong maintindihan dahil naka focus pa din ang isipan ko sa dalawang taong nag uusap sa bandang hulihan.

» SHEENA'S POV «

Napansin kong masama ang titig ni Kai sa bagong studyante na ngayon ay kausap ng pesteng babaeng yun. Tsk!

Arghhh! Napaka landi. Now l know, kung bakit ganyan na lamang maka tingin si Kai sa dalawa dahil nagseselos siya hahaha.

Mas lumapit naman ako sa kanya isiniksik ko pa ang ulo ko sa leeg nito.

“Tsk! Pwede ba Sheena lumayo ka nga sa’kin, hindi mo ba nakikita na nag le-lesson si Ma’am? Kung gusto mong mapalabas, ikaw na lang.. wag mo na ako idamay.” Bulyaw naman sa akin ni Kai.

“Argghhh! Eh bakit sila?” Sabay turo ko naman kina Kelly at sa bagong studyante na masayang masaya na nag uusap ang mga ito.

“Naghaharutan din naman sila ah.. hindi nga sila pinapansin ng Teacher natin.” katwiran ko naman.

“Ano bang pakialam mo sa kanila? Kung na inggit ka, pwes! Humanap ka ng makakalampungan mo, wag lang ako.” Inis na sabi niya at tinalikuran ako.

(Tsk! Ganyan na ba ang epekto sa’yo ng pesteng babaeng yan? Pwes! Humanda ka sa gagawin ko.) Inis na saad ko sa isipan ko.

𝑰'𝑴 𝑰𝑵 𝑳𝑶𝑽𝑬 𝑾𝑰𝑻𝑯 𝑨 𝑷𝑹𝑶𝑩𝑰𝑵𝑺𝒀𝑨𝑵𝑨 𝑮𝑰𝑹𝑳 (𝑺𝑬𝑨𝑺𝑶𝑵 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon