(CHAPTER 14)

531 21 0
                                    

— CHAPTER 14 —

» KELLY'S POV «

“BANANAQUE KAYO DYAN, BILI NA KAYOOOOO!” sigaw ko naman habang naglalakad sa tirik na tirik na araw.

*PRRRRRRTTTTTTFFFFFFFFFF!*

*PRRRRRRTTTTTTFFFFFFFFFF!*

*PRRRRRRTTTTTTFFFFFFFFFF!*

“AYYYYYYY PALAKAAAAA!”

Biglang ko naman na itapon ang hawak kong bilao kasabay nito ang pag bagsak ko sa putikan pati na din ang lahat ng tinda kong bananaque na nahulog sa putik, dahil sa sobrang pagka gulat ko sa malakas na busina ng kotse.

“P-PATAAAY N-NITOOO! L-Lagot a-ako kay Nanay, yung mga paninda ko natapon.” Naiiyak na sambit ko naman at wala na akong pakialam kahit putikan na ang damit ko.

Huminto ang kotse at may bumaba naman na dalawang tao na may edad na.

Sa tingin ko ay kasing edad lamang nila Nanay at Tatay.

“Nako! Pasensya ka na iha, nasaktan ka ba, ha? Diyos ko po! Gusto mo ba dalhin kana namin ng asawa ko sa hospital?” Tarantang sambit naman ng Ale nang makitang umiiyak ako.

“I’m really sorry iha, wag ka mag alala babayaran namin lahat ng paninda mo. Nasaktan ka ba, ha?” Nag aalalang din sambit naman ng asawa nito.

“Nako hahaha. Wag po kayo mag alala hindi naman po ako nasaktan eh. Y-Yung m-mga p-paninda ko lang ho yung natapon.” nahihiyang sagot ko naman.

“Pasensya na talaga iha, hindi namin sinasadya.” hinging pa umanhin pa ng Ale sa akin.

“Mabuti pa iha ay sumama ka na lang sa amin, para makapag palit kana din ng damit mo.” saad naman ng asawa nito.

“Ay nako.. wag na ho nakakahiya naman po sa inyo eh.” nakayukong sambit ko naman.

“No iha, come with us. At saka isa pa kasalanan din namin mag asawa kung bakit nagka ganyan ka, kaya naman sumama kana sa amin para makapag palit ka, ako ng bahala sa lahat.” Naka ngiting alok nung Ale sa akin at hinawakan ako sa kamay.

Bigla naman akong nakaramdam ng kakaiba ng hawakan n’ya ako.

Laking gulat ko naman dahil hindi man lang siya nandiri sa akin at wala siyang pakialam kahit naputikan na din siya.

Dahil karamihan sa mayayaman na kilala ko dito sa baryo namin ay madaling mairita o mandiri sa katulad namin mahihirap.

Pero bakit ngayon ko lang sila nakita dito?

Pinasakay naman nila ako sa mamahalin nilang kotse.

Grabe mapapanganga na lang talaga ako sa ganda at linis ng kotse nila.

Makalipas ang isang oras ay huminto din sa wakas ang kotse nila, kaya pala bago ang mukha nila sa paningin ko dahil sa kabilang baryo pa pala ang bahay nila at sa baryo lang namin sila dumaan.

Bumaba naman sila ng kotse at ganon din ako.

At mas lalo pa akong humanga ng makita ko ang mismong kabuuan ng bahay nila este mansyon pala. Grabe ang laki eh.

“Wow! Grabe sobrang ganda.” tanging naibulalas ko na lamang.

Tiningnan ko pa ang buong paligid at sobrang ganda ng bahay nila at wala man lang akong makita kahit isang basura o dumi man lang sa paligid ng bahay.

Lumakad naman kami papasok at isa-isang nag bow naman ang mga maid nila.

“Welcome back po Ma’am and Sir.” Sabay sabay nilang sambit.

𝑰'𝑴 𝑰𝑵 𝑳𝑶𝑽𝑬 𝑾𝑰𝑻𝑯 𝑨 𝑷𝑹𝑶𝑩𝑰𝑵𝑺𝒀𝑨𝑵𝑨 𝑮𝑰𝑹𝑳 (𝑺𝑬𝑨𝑺𝑶𝑵 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon