(CHAPTER 15)

556 26 0
                                    

— CHAPTER 15 —

» KELLY'S POV «

“Hoy lokaret na babae, bakit kanina ka pa dyan tulaleeeey?” Biglang sambit naman ni Mina ng mapansin na tulala ako.

“Uhmm.. w-wala naman.” sagot ko naman.

“Ano naman iniisip mo?” biglang singit naman ni Jaijai.

“Wala.” tipid na sagot ko ulit.

Kanina pa kami dito sa classroom at dahil may mga meeting ang teacher ay wala kaming klase ngayon.

“Mabuti pa ay tara na muna sa cafeteria.” Yaya naman ni Kendra sa amin.

“Mabuti pa nga.” ani Jaijai.

Na una ng tumayo si Kendra at sumunod naman kami.

Habang naglalakad kami palabas ng classroom ay bigla naman tumunog ang speaker na nasa itaas ng bawat classroom, kaya naman kahit saan ay maririnig ito.

“Good Morning, students. May maikli lamang akong anunsyo sa inyo kaya makinig kayong lahat. Napag usapan naming mga teacher na since umuwi na ang owner ng school na ‘to ay magkakaroon tayo ng iba’t ibang event mamayang hapon dahil bibisita ang may ari ng school na ito at sana makipag cooperate ang lahat ng studyante at maki join sa mga event na magaganap mamaya, yun lang. Thank you! Have a nice day and God bless you all.” anunsyo nito.

Bigla naman nag hiyawan ang mga studyante dahil bukod sa walang klase mamaya ay sasali din sila sa mga event para mamaya.

Dumiretso na kami sa cafeteria pagkatapos mag anunsyo.

Pagkapasok namin sa loob ng cafeteria ay naghanap naman kami ng mauupuan. Kaming dalawa na lamang ni Kendra ang nag presentang umorder ng pagkain dahil mukhang walang balak samahan ni Mina si Kendra.

Hayss! Ewan ko ba sa dalawang ito, lagi na lang silang ganyan. Madali ako sa kanila tatanda eh, titingnan ko pa lang silang dalawa na s-stress na agad ako.

Pumila naman kami ni Kendra at pagkatapos namin umorder ng pagkain ay pabalik na sana kami sa upuan namin ng bigla naman akong patikin ng isang studyante at tumilapon lahat ng pagkain sa isang studyante na ngayon ay masama ang tingin sa akin na animo’y gusto na akong kainin.

“WOAAAHHHHHHHHHH!” Hiyawan naman ng mga studyante.

“N-Nako, p-pasensya na.” nauutal na sabi ko naman at agad na lumapit sa kanya para tulungan alisin yung mga carbonara at spaghetti na nasa ulo niya pati na din ang milktea na tumilapon sa uniform niya.

“ARRRGGGGHHHHHH! STAY AWAY FROM ME POOR GIRL.” Malakas na itinulak naman ako nito upang mapatumba ako sa sahig.

“WOAH! WOAH! WOAH!” Lalo pang nag lakasan ang mga hiyawan ng mga studyante ng bigla niya akong tinulak.

“KELLLLLYYYYYYYYYYY!”

Lumapit naman sa akin si Kendra upang tulungan ako makatayo.

Agad din naman lumapit sa amin sina Mina at Jaijai.

“Are you okay, sis?” nag aalalang tanong ni Mina sa akin.

“May masakit ba sa’yo?” bakas din sa mukha ni Jaijai ang pag aalala.

“Okay lang ako.” sagot ko naman.

Lumapit naman sa amin ang grupo ng babaeng tumulak sa akin at sa tingin ko ay siya ang pinaka leader nito.

Tiningnan naman niya ako ng diretso at sinabing..

“You’ll pay for this.” galit na sabi nito at naglakad na palabas ng cafeteria kasama ang mga alipores niya.

𝑰'𝑴 𝑰𝑵 𝑳𝑶𝑽𝑬 𝑾𝑰𝑻𝑯 𝑨 𝑷𝑹𝑶𝑩𝑰𝑵𝑺𝒀𝑨𝑵𝑨 𝑮𝑰𝑹𝑳 (𝑺𝑬𝑨𝑺𝑶𝑵 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon