(CHAPTER 13)

522 28 0
                                    

— CHAPTER 13 —

» KENDRA'S POV «

Kanina pa kami naka tunganga sa hapag kainan habang pinag mamasdan ang isang siraulong lalaking ngumingiti na lamang mag isa.

“Uhmmm.. apo, okay ka lang ba, ha?” Hindi na napigilang tanong ni Lola Czany dito.

“Oo nga Dude, okay ka lang ba? May sakit ka ba?” Nag tatakang tanong din ni Clyde sa kanya.

“Yes, why? Hahahaha.” tumatawang tanong naman nito sa akin.

“Pero bakit ata kakaiba ang ikinikilos mo ngayon? Okay ka lang ba talaga?” Paninigurado ko pa.

“Yeah! l’m one hundred percent sure, okay na okay ako hahahaha.” dagdag pa niya na hindi pa din ma alis alis ang pagkaka ngiti.

May sira na ata sa ulo ang pinsan kong ito?

“Are you in love Dude?” Diretsong tanong naman ni Clyde sa kanya na mabilis niyang sinagot.

“Ye—uhmmm.. NOOOOO!” mabilis na pagbabagong sagot nito.

TUMPAKKK! Sinasabi ko na nga ba e, in love nga ang pinsan ko.

“Hahahahaha wag ka na magpalusot dahil huling huli ka na.” pang aasar ko naman sa kanya.

“Nako! Binata na ang apo ko, in love na hahaha. Teka, sino naman ang babaeng natitipuhan mo apo, ha? Pakilala mo naman sa amin, para makilala ko na siya.” natutuwang sambit naman ni Lola Czany kay Kaizer.

“Hindi muna po kailangan makilala lola dahil kila—”

Akmang magsasalita pa lamang sana ako ng biglang sumigaw si Kaizer para pigilan ako.

“SHUT UP, KENDRA!” he smirked

“Eto na nga titigil na. Tsk!” sabay irap ko naman sa kanya.

» THIRD PERSON'S POV «

*BOOOOOGGGGSSSSSHHHHHHH!*

Isang malakas na suntok naman ang iginawad nito sa alalay niya.

“Ang tanga mo talaga lgnacio, bakit mo sinaktan yung bata? Ang utos ko sa’yo bantayan mo siya. Malapit ng umuwi ang kapatid ko at kailangan ko ng malaking pera para sa pambayad sa utang ko sa casino dahil siguradong kutang kuta na ako kay Agustine at ipapapatay niya ako kapag hindi agad ako nakapag bayad ng twenty million, at sisimulan na din hanapin ng kapatid ko ang anak niya.. kaya kailangan ko ng pera dahil ipapatubos ko sa kanya ang anak niya mismo.” Galit na sigaw naman nito.

“P-Patawad boss, na inis lang kasi ako sa batang yun eh. Wag po kayo mag alala nasa bahay pa din siya ng asawa ko.” sambit naman nito.

“Mabuti kung ganon.”

“Pero paano yan boss, malalaman ng kapatid mo na ikaw ang nagpa dukot sa anak niya na matagal na niyang hinahanap?” (lgnacio)

“Tanga ka ba talaga, ha? Sa tingin mo magpapakita ako sa kapatid ko? Hindi ka ba nag iisip? Malamang, ikaw yung kukuha ng pera dahil ikaw ang nag alaga doon sa bata.” (Boss)

“Pasensya na po, Boss.” (lgnacio)

“Kaya bantayan mong mabuti yung bata, dahil kung hindi magkita na lang kayo ni Satanas sa impyerno.” (Boss)

“O-Opo B-Boss.” takot na takot na sagot nito.

» KELLY'S POV «

Katatapos lang ng klase namin kaya naman naglalakad na ako sa hallway.

Palabas na sana ako ng school ng makita ko naman si ltay na nasa labas ng gate at mukhang hinihintay ako.

Agad na binalot naman ako ng takot at kaba, dire-diretso lamang ako sa paglalakad at hindi pinansin ito.

“ANAAAK.. teka sandali.” tawag naman niya sa akin.

Bigla naman akong napahinto ng tinawag niya ako.

Ngayon ko lang narinig na tawagin niya akong ANAK.

“B-Bakit po T-Tay?” kinakabahang tanong ko naman at hindi maka tingin sa kanya ng diretso.

“A-Anak.. patawarin mo ako sa mga kasalanan ko, hindi ko sinasadya ang nangyari. Pasensya na kung palagi kitang sinasaktan at sinasabihan ng masasakit na salita, pinag sisisihan ko na lahat ng ginawa ko sa’yo. Pangako anak lahat gagawin ko makabawi lang ako sa pagkukulang ko sa’yo, mapatawad mo lang ako.” mahabang litanya naman niya habang nagmamaka awa.

“T-Tay.. h-hindi n-niyo po kailangan humingi ng tawad, dahil hindi ka pa po humihingi ng tawad ay napatawad na po kita.” umiiyak na sabi ko naman.

“Maraming salamat anak, pangako magbabago na ang Tatay mo. Babawi ako sa’yo, ha?” pagsusumamo pa niya.

Agad na niyakap naman niya ako.

“W-Wala po yun, ltay.” ani ko pa.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon, pero sobrang saya ko dahil okay na kami ni ltay.

Umuwi naman kaming dalawa at nung una ay nagalit pa si lnay ng makitang kasama ko si ltay pero kalaunan ay napatawad din niya ito dahil naniniwala din siyang magbabago na si Itay.

Kaya naman sobrang saya ng araw na ito dahil okay na ulit kami ni ltay at buo na ulit ang pamilya ko.

» KAIZER'S POV «

Kanina pa ako naririndi sa bunganga ng babaeng nasa likudan ko.

“Inlababoooo ka pala ha?”

“Sana all na lang huhu.”

“BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH!”

“Stop it, Kendra. Tsk!” Galit na suway ko naman dito.

Ngayon alam niyo na siguro kung bakit ayokong nandito si Kendra sa probinsya. Tsk!

“BWHAHAHAHAHAHAHAHAHA hindi ko talaga inaasahan na maiinlove ng ganyan ang isang KAIZER CLEIN GREY MONTENEGRO HAHAHAHAHAHAHA!” Pang aasar pa nito.

“Tsk!”

And then suddenly, l saw a beautiful girl with an angelic face while smiling sweetly,  habang papasok ito ng pintuan ng classroom.

Sobrang ganda ng mga ngiti niya na sobrang nakaka akit.

Umupo naman ito sa tabi ko at hindi man lang ako tiningnan o pinansin.

Tsk!

“Good morning, Kellyyy.” biglang singit naman ni Kendra.

“Good morning din, Kendra.” tugon naman nito at hindi pa din mawala wala ang pagkaka ngiti.

“Mukha atang maganda ang umaga mo ahh.” usisa pa ni Kendra dito.

“Hahahaha hindi naman, medyo lang.” sambit niya muli.

Maya maya lang ay dumating na din ang teacher namin at nakinig na lamang ako, kahit wala naman akong na iintindihan sa tinuturo ng teacher namin sa unahan, dahil mas naka focus pa din ang atensyon ko sa mala anghel niyang mukha.

Sh*t! Bakit ba gandang ganda ako sa kanya ngayon araw?

— END OF CHAPTER 13 —

𝑰'𝑴 𝑰𝑵 𝑳𝑶𝑽𝑬 𝑾𝑰𝑻𝑯 𝑨 𝑷𝑹𝑶𝑩𝑰𝑵𝑺𝒀𝑨𝑵𝑨 𝑮𝑰𝑹𝑳 (𝑺𝑬𝑨𝑺𝑶𝑵 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon