- CHAPTER 7 -
» KAIZER'S POV «
"Congrats pre!" bati naman sa akin ni Tyler na ka team ko din sa basketball.
"Congrats sa atin." pag tatama ko naman.
"So, ano? Tara bar tayo mamaya, treat daw ni coach." aya naman nito sa akin.
"No thanks.. kayo na lang siguro, may aasikasuhin pa ako sa bahay eh." Pag hahambog ko naman kahit hindi naman talaga totoo.
"Ahh ganon ba. Oh siya, sige pre una na ako. Mapalit pa ako ng damit sa bahay eh." paalam naman nito sa akin.
"Sige." sagot ko pa.
Pagka uwi ko ng bahay ay nadatnan ko pang nagtatahi si Grandma.
Lumapit naman ako sa kanya at nagmano.
"Ohh nandyan ka na pala, kaawaan ka ng Diyos.. apo." sambit naman niya.
"Sige po Grandma.. akyat muna ako sa itaas." paalam ko naman sa kanya at akmang pataas na sana ako ng bigla ulit siyang nagsalita.
"May tumawag kanina sa telepono at hinahanap ka, tinatanong ko kung sino sila.. anak pala ng mga kaibigan ng Mommy mo." ani Grandma.
"Sina Kendra at Clyde po ba?" tanong ko naman sa kanya.
"Ahh oo.. sila nga. Grabe sobrang tagal na magmula ng makita ko ang mga batang 'yon." natutuwa sabi pa ni Grandma habang inaalala ang mga nakaraan.
"Bakit daw po napa tawag sila." tanong ko ulit sa kanya.
"Ewan ko apo.. pero pinapasabi nila sa'yo na see you soon daw." aniya pa.
Hayss! Mukhang susundan talaga ako ng mga kababata kong yun ah.
"Ahh ganon po ba. Sige po akyat na po ako sa itaas." paalam ko muli at dumiretso na sa kwarto ko.
Umakyat naman ako sa itaas at humiga sa kama ko.
Maya maya lamang ay tumunog ang cellphone ko.
*KRRRRRRIIIIIIINNNNNNNNGGGGGGGGG!*
"Hello Mom. Bakit napa tawag ka?"
Agad na tanong ko naman dito, dahil alam kong may sasabihin na naman ito sa akin.
"Ohh ano, kamusta ang pag aaral mo dyan? Sinusunod mo ba ang mga utos ko, ha? KAIZER CLEIN GREY?" paniniguro naman niya.
"Okay lang mom, and don't worry sinusunod ko ang lahat ng mga sinabi mo. Tsk!" sagot ko naman sa kanya.
"Good! Dahil sa oras na malaman kong nambubully ka na naman, alam mo na ang gagawin ko at may kalalagyan ka sa akin." aniya pa.
May usapan kasi kami ni Mommy na kapag may nalaman pa siyang may binubully ako ay aalisan niya ako ng allowance at kukunin din niya ang kotse ko na binili pa niya sa ltaly. Ohh di ba? Nice ng pang blackmail sa'kin ni Mommy dahil alam niyang hindi ako makakapalag sa pagbabanta niya, kaya yun ang ginawa niyang pang blackmail sa akin.
"Yes Mom." tanging na sambit ko na lamang.
"At siya nga pala.. uuwi dyan sa probinsya sina Kendra at Clyde para mag aral." ani pa ni Mommy na talagang inaasahan ko ng may binabalak sila Kendra na sumunod sa akin.
"MOMMM! Are you kidding me? Bakit mo pag aaralin dito sina Kendra at Clyde? Mabuti sana kung si Clyde lang eh!" tila inis na tanong ko naman.
"Para may makakasama ka at saka isa pa mga kababata mo naman sila, kaya anong masama doon?" tanong pa ni Mommy sa kabilang linya.
"Aisshhh! Nevermind Mom. Byeee!" sabay patay ko naman ng cellphone.
Hayss nakaka inis! Bakit pa kasi pa pupuntahin ni Mommy sina Kendra at Clyde dito, mas mabuti sana kung si Clyde lang dahil ka sundo ko naman sa ibang bagay si Clyde, pero kapag si Kendra? Hayss nevermind.
BINABASA MO ANG
𝑰'𝑴 𝑰𝑵 𝑳𝑶𝑽𝑬 𝑾𝑰𝑻𝑯 𝑨 𝑷𝑹𝑶𝑩𝑰𝑵𝑺𝒀𝑨𝑵𝑨 𝑮𝑰𝑹𝑳 (𝑺𝑬𝑨𝑺𝑶𝑵 2)
Fiksi Remaja𝑷𝒂𝒂𝒏𝒐 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒌𝒂 𝒕𝒂𝒈𝒑𝒐 𝒌𝒂 𝒏𝒈 𝒊𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒍𝒂𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒖𝒃𝒐𝒔 𝒏𝒈 𝒕𝒊𝒈𝒂𝒔 𝒏𝒈 𝒖𝒍𝒐, 𝒌𝒂𝒌𝒂𝒚𝒂𝒏𝒊𝒏 𝒎𝒐 𝒃𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒌𝒊𝒕𝒖𝒏𝒈𝒖𝒉𝒂𝒏 𝒔𝒊𝒚𝒂 𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒂𝒂𝒚𝒐𝒔?