— CHAPTER 10 —
» KAIZER'S POV «
PFFFFTTTTTT! BWHAHAHAHAHAHAHAHA! Grabe nakakatawa talaga ang ekspresyon ng mukha ng babaeng yun.
Hanggang sa maka pasok ako ng kwarto ay hindi ko pa din mapigilan ang hindi matawa kapag na aalala ko ang ekspresyon ng mukha niya.
Pagkatapos kong magpalit ng damit ay bumaba na ako sa sala at nanuod ng TV.
Maya maya lang ay nakita ko naman si Grandma na naka bihisan at mukhang aalis ata siya.
“Ohh apo, ikaw na muna bahala kay Kelly, ha? Pupunta lang ako madali sa barangay dahil may pag pupulong na magaganap para sa paglilinis ng buong barangay.” saad naman ni Grandma sa akin.
“Okay! Take care, Grandma.” ani ko.
“Ohh siya sige, basta yung bilin ko sa’yo ha? Ikaw na muna bahala sa kanya.” paninigurado pa nito.
“Yes, Grandma.” sambit ko pa.
“Ohh sige, aalis na ako.” paalam na nito.
“Bye, Grandma!”
Pagkalabas ng bahay ni Grandma ay ipinag patuloy ko na ulit ang panunuod dahil wala naman akong ibang gagawin.
» CLYDE'S POV «
Habang busy ako sa pagpipili ng mga libro sa library ay may isang tao naman ang humila sa hawak kong libro na aking babasahin sana.
“Teka, ako muna magbabasa nito.” she said while grabbing the books.
“Okay fine.. don’t worry, hindi naman ako makikipag agawan.” saad ko naman at humarap sa kanya.
“C—Clyde???” gulat na sambit naman niya ng mapa tingin sa akin.
“Hahaha ikaw pala yan Jaira, mahilig ka din pala sa librong ‘yan?” naka ngiting tanong ko naman pero bigla akong nagulat ng matitigan ko ang mga mata niya, ngunit hindi ko na lamang ipinahalata sa kanya.
“U-Uhmmm O-Oo. ldol ko kasi yung Author nito eh.” At ipinakita naman niya yung libro sa akin.
“Me too hahaha.” tumatawang sagot ko.
“A-Ahh g-ganon b-ba.” na uutal na sabi niya.
“Yeah! Ohh by the way, l have to go. May kailangan pa kasi akong puntahan eh. Byeeee!” Paalam ko naman sa kanya.
“Bye!” tipid na sagot niya.
Pagkalabas ko ng library ay pumunta naman ako sa likod ng school.
Wala naman talaga akong kailangan puntahan, pero nagulat ako ng makita ko ang mga matang maamo niya.
Imposibleng si Jia yun..
» MINA'S POV «
“Hi Baby Mina! Eto oh mag snack ka muna, baka kasi nagugutom ka na kaya dinalahan kita ng snack.” naka ngiting sambit naman sa akin ng lintang babaeng nasa harapan ko ngayon (Kendra)
“Hindi pa ako nagugutom, at pwede ba lumayo layo ka nga sa akin ng kaunti dahil pinag titinginan na tayo, nakakadiri! Same girlalo tayo at hindi na magbabago yun.” mataray na sabi ko naman sa kanya dahil tumabi pa ito sa akin.
“I don’t care at saka isa pa kahit bakla ka tanggap kita.” saad naman ng bobitang ito.
“Hayss! Nakakaloka kang babae ka.” tanging na sambit ko na lamang at tinalikuran siya.
» JAIRA'S POV «
Bakit ata may kakaiba sa tingin ni Clyde sa’kin kanina?
Bakit parang gulat na gulat siya ng tingnan ako, may dumi ba ako sa mukha?
Pangit ba ako?
Kapalit palit ba ako?
HAHAHAHAHAHA chooos!
Pagkatapos kong mag log book ay lumabas na din ako ng library at pumunta sa rooftop para doon magpa hangin at magbasa.
Doon kasi ako nagbabasa ng libro tuwing vacant namin at dahil masarap ang simoy ng hangin sa itaas ng rooftop ay doon ko palagi napapag pasiyahan tumambay.
» KELLY'S POV «
Pagkatapos kong magluto ay napag pasiyahan ko na muna maglinis ng bahay dahil nakakahiya naman kala Lola Czany kung maghapon lang ako hihiga at matutulog dito.
Pumunta naman ako sa living room at agad na bumungad sa akin ang hinayupak na lalaki na kinaiinisan ko habang relax na relax ito sa panunuod ng TV.
Hinayaan ko na lang ito at nagsimula na akong maglinis.
Inuna ko ng linisan ang mga bintana pati na din ang mga naglalakihang picture nila ng pamilya n’ya.
Napatitig naman ako sa isang frame na naka patong sa may tabi ng vase.
Kinuha ko naman ito at tinitigan ng malapitan.
Nasisiguro kong picture ito ng pamilya ni Kaizer at kasama niya ang Mommy at Daddy niya.
“Bakit hawak mo yan?”
Sa sobrang gulat ko ay na bitawan ko ang frame na hawak ko at bumagsak ito sa sahig at nabasag.
Mabilis na pinulot ko naman ang mga ito para linisan pero nakakailang hawak pa lang ako sa mga ilang butil ng bubog ay nasugatan na agad ako.
Lumapit naman agad sa akin si Kaizer.
“Hindi ka kasi nag iingat ehh.” sermon naman nito sa akin.
“S-Sorry K-Kaizer... h-hindi ko s-sinasa—”
Mabilis na pinutol naman niya ang sasabihin ko.
“lt’s okay! Frame lang yun pwede pa bumili ulit nun. Sandali kukuha lang ako ng first aid kit.” Paalam naman nito at agad na umakyat patungong kwarto niya.
Hindi ko malaman ang nararamdaman ko pero kusa na lamang pumatak ang mga luha ko, feeling ko kasi ang laki laki ng kasalanan ko.
Maya maya lamang ay bumaba na siya at may dalang first aid kit.
“Why are you crying? Masakit ba?” Nag aalalang tanong naman nito sa akin ng makitang umiiyak ako, pero umiling lamang ako na siyang tanging sagot ko.
Umupo naman kami sa sofa at sinimulan na niyang gamutin ang sugat ko.
“U-Uhmmm... K-Kaizer?” tawag ko naman sa pangalan niya.
“Hmmmm???” Busy pa din sa paglilinis ng sugat ko.
“I-I’m s-so—”
“Katulad nga ng sinabi ko sa’yo kanina.. it’s just a frame pwede pa bumili ulit nun dahil wala naman nangyari sa picture at frame lang ang nabasag, kaya wala ka dapat ihingi ng sorry, okay?” saad naman niya at tuminigin sa akin.
Umiwas naman ako ng tingin dahil hindi ko kayang makipag titigan sa kanya.
Pagkatapos niyang magamot ang sugat ko ay umakyat na din siya sa taas ng kwarto niya.
Naiwan naman ako dito sa ibaba at ipinalinis na lamang niya sa yaya nila ang nabasag ko na frame.
— END OF CHAPTER 10 —
BINABASA MO ANG
𝑰'𝑴 𝑰𝑵 𝑳𝑶𝑽𝑬 𝑾𝑰𝑻𝑯 𝑨 𝑷𝑹𝑶𝑩𝑰𝑵𝑺𝒀𝑨𝑵𝑨 𝑮𝑰𝑹𝑳 (𝑺𝑬𝑨𝑺𝑶𝑵 2)
Roman pour Adolescents𝑷𝒂𝒂𝒏𝒐 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒌𝒂 𝒕𝒂𝒈𝒑𝒐 𝒌𝒂 𝒏𝒈 𝒊𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒍𝒂𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒖𝒃𝒐𝒔 𝒏𝒈 𝒕𝒊𝒈𝒂𝒔 𝒏𝒈 𝒖𝒍𝒐, 𝒌𝒂𝒌𝒂𝒚𝒂𝒏𝒊𝒏 𝒎𝒐 𝒃𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒌𝒊𝒕𝒖𝒏𝒈𝒖𝒉𝒂𝒏 𝒔𝒊𝒚𝒂 𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒂𝒂𝒚𝒐𝒔?