— CHAPTER 3 —
» KAIZER'S POV «
Habang naka upo ako sa balkonahe ng bahay ni Grandma ay napako naman ang tingin ko sa isang babae na nasa labas ng gate.
“Lola Czany.. bili na po kayo ng bananaque ko, bagong luto po ito.” naka ngiting sabi naman ni Bananaque girl kay Grandma.
Kay tamis ng mga ngiti niya na animo’y nakaka aliw pag masdan.
“Nako! Tamang tama ang dating mo Kelly, paniguradong magugustuhan ito ng apo ko.” masayang sambit naman ni Grandma sa kanya.
“May apo po pala kayo na nandito, Lola Czany? Hindi ba at sabi niyo po nasa ibang bansa at lungsod na ang mga apo ninyo?” Usisa naman ni Bananaque girl.
Naisipan ko naman lumabas at pumunta sa kanila.
“Yes.. and that’s me.” pakikisabat ko naman sa usapan nila at diretsong tingin lamang ang ipinukol ko sa kanya.
Napatingin naman siya sa akin at bigla na lamang nanlaki ang mga mata niya ng makita ako.
“D—Di ba.. i-ikaw yung supladong lalaki sa palengke kahapon?” sabay turo naman niya sa akin at hindi makapaniwala.
“Yeah! Ako nga. May problema ka ba sa akin Bananaque girl?” diretsong tingin ko lamang sa kanya.
Bigla naman niya akong tiningnan ng masama at tumingin naman siya kay Grandma at ngumiti.
“Lola Czany hindi ka naman po agad nagsabi mayroon pala kayong apo na ANTIPATIKO.” Diin saad naman nito kay Grandma habang naka ngiti.
“Jusmiyo.. mga bata ito. Mabuti pa ay pumasok ka na doon sa loob Kaizer at ipaghahanda kita ng memeryendahin mo.” biglang sambit naman ni Grandma sa akin.
Wala na akong nagawa kaya naman pumasok na ako sa loob ng bahay at bago pa ako makapasok ay nginitian ko muna siya ng kay tamis at kinindatan pa ito.
Bigla naman siyang tumingin ng masama sa akin at inismidan ako. Napa ngiti na lamang ako sa inasal niya at hindi na lamang pinansin ito.
» KELLY'S POV «
Habang naglalakad ako pa uwi ng bahay ay hindi ko maiwasan hindi maisip ang ginawang pangingindat sa akin ng apo ni Lola Czany kanina.
May sira ba sa ulo ang lalaking yun?
Kahapon lamang ay ang sobrang suplado niya at kanina naman ay napaka antipatiko.
At hindi lang yun may nalalaman pa siyang pakindat kindat, mukha naman siyang butiki. Tsk!
Pagka uwi ko naman ng bahay ay nadatnan kong umiinom na naman ang magaling kong Tatay.
Pumasok naman ako sa loob at nadatnan kong wala pa din si lnay, kaya naman napag pasiyahan ko ng magsaing.
Bigla naman sumulpot ang kapatid ko at mukhang kagigising lamang nito.
“Ate wala pa ba si lnay?” tanong naman ni Kiesha sa akin.
“Wala pa nga eh.. kanina ko pa din siya hinhintay pero hanggang ngayon ay wala pa din siya.” sagot ko naman.
Bigla naman pumasok si ltay sa loob at masamang tingin naman ang ipinukol nito sa akin.
“HOY! IKAW NA BATA KA, NA SAAN NA ANG MGA KINITA MO SA PAGTITINDA?” bulyaw naman nito sa akin.
“B-Bakit ho... l—ltaaay?” Kinakabahang tanong ko naman.
“MAY GANA KA PA TALAGA MAG TANONG. Akin na yung pera.. bilisan mo, at bibili pa kami ng maiinom nila pareng Marlon.” Tila galit na sabi na naman niya.
BINABASA MO ANG
𝑰'𝑴 𝑰𝑵 𝑳𝑶𝑽𝑬 𝑾𝑰𝑻𝑯 𝑨 𝑷𝑹𝑶𝑩𝑰𝑵𝑺𝒀𝑨𝑵𝑨 𝑮𝑰𝑹𝑳 (𝑺𝑬𝑨𝑺𝑶𝑵 2)
Fiksi Remaja𝑷𝒂𝒂𝒏𝒐 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒌𝒂 𝒕𝒂𝒈𝒑𝒐 𝒌𝒂 𝒏𝒈 𝒊𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒍𝒂𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒖𝒃𝒐𝒔 𝒏𝒈 𝒕𝒊𝒈𝒂𝒔 𝒏𝒈 𝒖𝒍𝒐, 𝒌𝒂𝒌𝒂𝒚𝒂𝒏𝒊𝒏 𝒎𝒐 𝒃𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒌𝒊𝒕𝒖𝒏𝒈𝒖𝒉𝒂𝒏 𝒔𝒊𝒚𝒂 𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒂𝒂𝒚𝒐𝒔?