— CHAPTER 31 —
» KELLY'S POV «
Sabado ngayon at nagising na lamang ako sa sikat ng araw na tumatagos sa bintana ng aking kwarto.
Bigla naman bumukas ang pintuan ng aking kwarto at pumasok si Mommy.
“Good morning, Baby.” Nakangiting bati niya sa akin.
“Good morning din po, Mommy.” ganting bati ko naman.
“Maligo ka na anak, dahil may bisita tayong dadating at pa punta na sila.” Sambit naman niya.
“H-Huh? Sino po?” Nagtatakang tanong ko naman.
“Sina Mrs. Flyn at Mr. Flyn at kasama din nila ang kanilang anak.” Sambit naman ni Mommy.
“Ahh sige po, maliligo lang po ako.” Paalam ko naman.
“Oh sige, maiwan muna kita dahil titingnan ko muna yung mga ipinapaluto ko para sa umagahan.” aniya pa.
“Sige po, Mom.” tanging na sambit ko na lamang.
Pagkalabas ni Mommy ay agad na nag ayos ako ng aking sarili.
Makalipas ang ilang minuto ay sa wakas natapos din ako.
Bumaba naman ako ng kwarto ko at may naririnig akong nag uusap sa sala, siguro ay nandyan na ang bisita nila Mommy.
“Ohh nandyan kana pala anak. Come here, may ipapakilala ako sa’yo.” Inaya naman ako ni Mommy at pinaupo sa sofa.
“Anak! Siya nga pala sina Mrs. Flyn at Mr. Flyn at siya naman ang anak nilang si...”
Naputol naman ang sasabihin ni Mommy ng biglang mag salita ako.
“A-Aki? Wahhhhh.. ikaw nga.” natutuwang bulalas ko.
“Hahahaha yeah! It’s me again and again and again, Kelly.” Tumatawang sabi ni Aki.
“So, magka kilala na pala kayong dalawa?” Tanong naman ni Dad.
“Opo Dad, nag meet na po kami sa Manila nung araw na dumalaw tayo kina Inay at ka klase ko din po siya.” Sagot ko naman.
“Edi mabuti pala kung ganon hahaha.” Sambit naman ni Mom.
“Oo nga eh. Magka kilala na agad ang mga anak natin hahaha.” sagot ng Mommy ni Aki.
“So, let’s eat?” alok ni Daddy sa amin.
Agad na pumunta naman kami sa kitchen upang kumain.
» AKIRO'S POV «
Habang nag uusap ang parents namin ay nag uusap din kaming dalawa ni Kelly.
Magkatabi lamang kami ng upuan kaya naman hindi na kami mahihirapan mag usap.
“Bakit pala kayo nandito?” Tanong niya sa akin.
“Hmmm f-for business.. I guess.” nag aalinlangang sagot ko.
“Ahh ganon ba.”
“Balita ko, ikaw na daw ang nag mamay ari ng school natin?” pag iiba ko ng usapan.
“Uhmmm oo. Paano mo nalaman?” Nagtatakang tanong niya.
“My parents told me that you’re the new owner of our school.” Sagot ko naman.
“Ahh oo hahaha. Ipinamana na sa akin nina Mommy at Daddy ang pag mamanage ng school at katulong ko si Lady Choi ang Principal ng school natin.” Sagot niya.
“Hmmm well, that’s good.” Sambit ko naman.
At pagkatapos namin kumain ay nagpa alam na din ang mga parents ko sa parents ni Kelly na uuwi na kami.
BINABASA MO ANG
𝑰'𝑴 𝑰𝑵 𝑳𝑶𝑽𝑬 𝑾𝑰𝑻𝑯 𝑨 𝑷𝑹𝑶𝑩𝑰𝑵𝑺𝒀𝑨𝑵𝑨 𝑮𝑰𝑹𝑳 (𝑺𝑬𝑨𝑺𝑶𝑵 2)
Roman pour Adolescents𝑷𝒂𝒂𝒏𝒐 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒌𝒂 𝒕𝒂𝒈𝒑𝒐 𝒌𝒂 𝒏𝒈 𝒊𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒍𝒂𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒖𝒃𝒐𝒔 𝒏𝒈 𝒕𝒊𝒈𝒂𝒔 𝒏𝒈 𝒖𝒍𝒐, 𝒌𝒂𝒌𝒂𝒚𝒂𝒏𝒊𝒏 𝒎𝒐 𝒃𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒌𝒊𝒕𝒖𝒏𝒈𝒖𝒉𝒂𝒏 𝒔𝒊𝒚𝒂 𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒂𝒂𝒚𝒐𝒔?