(CHAPTER 16)

498 27 1
                                    

— CHAPTER 16 —

» KAIZER'S POV «

Mamayang hapon na ang laban kaya naman todo practice kami ngayon.

“Mukhang malalim ata iniisip mo.” saad naman ni Clyde habang papalapit sa akin.

“W-Wala naman.” maikling sagot ko.

Katatapos lang namin mag practice kaya naman umupo muna kami.

“Are you sure, Dude?” Hindi pa din kumbinsidong tanong pa niya.

“Y-Yeah! Siguro kinakabahan lang ako para sa laban mamaya.” sagot ko naman.

“Don’t worry Dude, kaya natin ‘to.” aniya pa.

Lumapit naman sa amin si Tyler habang hawak hawak ang bola.

Nasa loob na kami ngayon ng locker room namin at kasalukuyan nagpapa hinga.

“Tara, sabay sabay na tayo kumain.” Yaya naman nito sa amin.

“Sige, tamang tama gutom na din ako eh. Baka mabawasan pa ang ka gwapohan ko.” pagbibiro naman ni Clyde.

“Mas pogi pa din ako sa’yo pre.” Hindi din naman nagpa awat na sambit ni Tyler.

Kahit kailan mga siraulo talaga ang mga ito.

“Asan ang ka gwapohan dyan, bakit wala akong makita?”

Tiningnan ko naman silang dalawa at nagtataka ang mga ito sa sinabi ko.

“Tsk! Nandito lang ako Dude, kung saan saan kapa naghahanap.” Confident na sagot naman sa akin ng gago. (Clyde)

Humarap naman ako kay Tyler at ngiting ngiti ang siraulo.

“Ako lang ‘to pre, alam kong gwapo talaga ako.” confident na sagot din ni Tyler.

“I can’t face to face the most handsome here because, you’re blocking the damn mirror.” Saad ko naman at hinawi si Tyler at ngumiti sa salamin ng locker room namin.

“Ang gwapo ko talaga.” sabay sabi ko naman habang naka tingin sa salamin.

“Tsk! Gutom lang yan Dude, tara na nga hahaha.” sambit naman ni Clyde habang tumatawa.

“Okay, let’s go.”

Lumabas naman kaming tatlo ng locker room at pumunta sa cafeteria.

» KELLY'S POV «

Lunch break na namin ngayon kaya naman papunta na kami ng cafeteria.

Pagpasok pa lang namin sa loob ay madami na agad mga studyante ang nakapila, kaya naman naghanap muna kami ng mauupuan.

Sina Jaijai at Mina na ang nag order ng food namin apat, kaya naman naiwan kaming dalawa ni Kendra sa upuan.

Bigla naman may lumapit sa amin na isang grupo, at sa pagkakatanda ko ay siya yung natapunan ko ng carbonara, spaghetti at milktea.

Nakangisi naman ito habang papalapit sa kinaroroonan namin.

“Hello B*tch! Do you still remember me?” naka ngising tanong naman nito sa akin.

“U-Uhmmm—” sasagot pa lamang sana ako ng biglang itapos naman nito ang juice na hawak niya sa mukha ko.

“Ano bang problema mong babae ka sa Bespren ko?” Biglang singit naman ni Kendra.

“Actually, kulang pa nga yan eh.” Ani pa nito at mabilis na kinuha ang cake na hawak ng alipores niya at isinampal sa pagmumukha ko.

“That’s it hahahaha.” naka ngising sabi ulit nito habang tinitingnan ang mukha kong puno na ng icing.

𝑰'𝑴 𝑰𝑵 𝑳𝑶𝑽𝑬 𝑾𝑰𝑻𝑯 𝑨 𝑷𝑹𝑶𝑩𝑰𝑵𝑺𝒀𝑨𝑵𝑨 𝑮𝑰𝑹𝑳 (𝑺𝑬𝑨𝑺𝑶𝑵 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon