(CHAPTER 33)

474 22 0
                                    

— CHAPTER 33 —

» KENDRA'S POV «

Kabababa ko lamang sa kotse ni Clyde at nauna na din ako maglakad papasok ng school.

Habang naglalakad ako sa hallway ay may biglang sumulpot naman sa gilid ko.

“Good morning.” masayang bati niya.

“Good morning too.” sagot ko naman.

Hindi na ako nagsusungit sa kanya simula ng mapalapit ang loob ko sa siraulong lalaki ito haha. Ewan ko ba pero madali lang naman pala siya pakisamahan eh.

Mabait naman siya, akala ko kasi nung una puro pa pogi lang ang alam niya pero simula ng maging close kami para na din akong siraulo tumatawa, dahil sa mga joke niyang corny minsan hahaha.

Kung sabagay same vibes naman kami hahaha. Kaya pala hindi ako nag aalangan na ipakita sa kanya ang totoong ako kasi may pagka abnormal din pala ang lalaking ito, pero syempre mabait at saka idagdag ko na yung pagiging pogi niya.

Oo, pogi naman talaga siya.. nabwibwisit lang talaga ako sa pagiging makulit niya sa akin noon.

Ang cute niya lalo kapag ngumingiti nagkakahawig tuloy sila ni Park Chanyeol ang bebe ko sa E.X.O huhuhu.

“Ako na magdadala ng bag mo.” ani nito habang naglalakad kami pa puntang classroom.

“Sige, salamat.”

Hinayaan ko na lamang siyang kunin niya ang bag ko, ang bigat kasi eh hahaha. Tapos nandun pa sa loob lahat ng books ko dahil gagamitin namin lahat mamaya para sa activity.

Hinatid naman niya ako sa may pintuan at pagkatapos ay pumasok na ako.

Nakita ko naman ang tatlong chismosa kong mga kaibigan na nakatingin sa amin kanina pa.

Pagkalapit ko pa lamang sa kanila ay agad na pinasabugan nila ako ng mga tanong.

“Hoy babaeng lokaret! Anong meron sa inyo ni Fafa Tyler, huh?” Diretsahang tanong naman ni Mina sa akin.

“Oo nga.” gatol pa ni Jaijai.

“Hmmm! Nangangamoy love life ka Kends ah.” Panunukso naman ni Kelly.

“Hindi ‘no.. ikaw ata, balita ko nililigawan kana ni Kai—”

Bigla naman naputol ang sasabihin ko ng biglang takpan ni Kelly ang bibig ko.

Napatingin naman sa kanya ang dalawa habang nakataasan ang mga kilay.

“Ikaw din pala, huh! Kwentuhan mo kami dali, feel ko kiligin ngayon. Ackkk!” Panunukso din ni Mina kay Kelly.

“Hindi mo agad sa amin sinabi, hindi tuloy kami na inform sa love life niyo ni Kaizer.” Saad naman ni Jaijai.

“Oo nga.” gatol ko naman para mapunta sa kanya ang usapan hahaha.

“Tse! Mga marites kayo.” Sambit naman sa amin ni Kelly.

“Dali na kasi.” pamimilit ni Mina sa kanya.

“Magkwe-kwento na yan.. magkwe-kwento na yan.” At talagang nilakasan pa ni Jaijai ang boses at sinabayan ko naman.

Wala naman nagawa si Kelly kung hindi ang mag kwento sa amin. At ine-expect ko na talaga na paniguradong masisira ang desk ng upuan namin dahil sa hindi mapigilan na kilig nina Jaijai at Mina, kahit ako mismo ay kinikilig din sa kanilang dalawa, mapapa sanaol na lang talaga kami huhu.

» JAIRA'S POV « (JAIJAI)

Habang nasa gitna ng klase ay hindi pa din ako tinitigilan ni Clyde sa pangungulit.

𝑰'𝑴 𝑰𝑵 𝑳𝑶𝑽𝑬 𝑾𝑰𝑻𝑯 𝑨 𝑷𝑹𝑶𝑩𝑰𝑵𝑺𝒀𝑨𝑵𝑨 𝑮𝑰𝑹𝑳 (𝑺𝑬𝑨𝑺𝑶𝑵 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon