IX

436 18 10
                                    

Desperada 9

Ilang minuto akong umupo sa pangalawang baitang ng hagdan habang tinatanaw ang nakasarang pintuan ng MAPEH department.

I have never felt this gut wrenching feeling before, kaya nakakapanibago itong nararamdaman ko ngayon.

I had flings before. Well, gaya lang din naman ako ng mga kaedad ko lang. Try to be spontaneous, living the 'you only live once' motto in life. I went out on a date. A lot. Minsan pa, sa chat ko lang nakakakausap pero pumapayag ako na makipagkita at lumabas kapag inaaya ako.

But that was before.

And out of all the boys I have dated, this is the first time that I felt jealous. Ha. Hindi nga kami nagdidate pero nagselos na agad. 

Hindi ko naman itatanggi ang nararamdaman ko. Agad ko rin itong napangalanan nang maramdaman ko. What's the use of being in-denial anyway? Papahirapan ko lang ang sarili ko kung hindi ko aaminin sa sarili ko 'yon.

Agad akong napatayo mula sa pagkakaupo nang makita kong bumukas yung pintuan ng MAPEH dept. na kanina ko pa binabantayan.

Pero agad ding bumagsak ang mga balikat ko nang makitang hindi 'yon si Sagg o yung student teacher man lang. Si Miss Heidi pala.

"O, Miss Gomez, tapos na yung team n'yo?" Tanong n'ya nang madaanan ako.

Pilit akong ngumiti at tipid na tumango.

"Opo, nag-a-assist na lang po ako sa mga classmates ko ngayon."

Ngumiti siya. "Ganon ba? Papunta rin ako ng audi ngayon, gusto mong sumabay?"

Agad akong umiling sa paanyaya n'ya.

"Hindi na po, may inaantay pa po ako." Mabilis ko 'yong dinugtungan. "Nasa taas pa po siya kumukuha ng extra set ng spray paints."

She nodded, understandingly. "O siya sige, mauna na ako ha."

Bahagya akong yumuko. "Sige po, Miss Heids."

Nang makaalis siya sa harapan ko ay napabuntong hininga ako.

Itinaas ko ang kanina ko pang hawak na box na may lamang acrylic paints na pinapakuha sa akin ni Claire. Nawala sa isipan ko to. Dapat ihatid ko na 'to ngayon dahil baka kailanganin na n'ya. Nilingon ko ang nakasarang pintuan. Mukhang hindi pa lalabas si Sagg anumang oras ngayon.

Saktong paghakbang ko papaalis sa pwesto ko, bumukas ang pintuan ng MAPEH department at iniluwa non si Sagittarius.

Naiyakap ko ang hawak na box.

Tumigil siya sa harapan ko at nilingon ako. His thick brow arched and he tilted his head.

Pilit ko siyang binigyan ng ngiti.

"Hi..." Nahihiyang bati ko.

Huling beses na nag-usap kami, noong gabi ng Grad Ball ko pa. When I returned the slippers he lent me, I just handed it to his classmate and asked him to put it on Sagg's armchair last week. May note lang don na nagsasabing 'thank you'. Yun lang.

Sagittarius' stares made me uncomfortable. Somehow he felt so distant. Even though we're not that really that close.

Lumunok ako at tuluyan nang itinapak ang mga paa sa lupa.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

Both of his brows raised in question. He shifted his weight.

"Okay," he replied.

Yumuko ako sabay pakawala ng malalim na hininga.

I have been thinking about this for a while now.

Desperada (Astrology #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon