X

447 22 3
                                    

Desperada 10

Patuloy kong sinundan ng tingin ang tuyong dahon na dahan-dahang nahuhulog hanggang sa may mahagip ang mga mata kong bulto ng katawan na naglalakad papalapit sa amin.

Halos mapaatras ako sa gulat. Pinigilan kong mapasinghap.

Suot ang barong na kulay crema, naglakad si Papa patungo sa kung saan kami nakatayo.

Nakatiim ang mga labi n'ya, hula ko nakita n'ya na rin ako.

Gusto kong matawa. Naisip ko kung paano siya nagulat noong nabasa n'ya ang recommendation letter ng school ko para sa practice teaching dito sa eskwelahan kung saan siya ang Principal.

Naramdaman kong bahagyang natigilan sila Vlad sa likuran ko at yumuko. Kahit na nanlalamig ang loob ng tiyan sa ginawang pag lalampas n'ya sa akin, pinanatili ko ang blankong ekspresyon ko.

"Good morning po, Sir." Rinig kong bati nila.

Tumango lang ito at hindi man lang nag-aksaya ng panahon na lingunin sila.

Sinundan ko siya ng tingin nang makalayo na siya at napabuntong hininga.

Halos apat na taon ko na rin siyang huling nakita. Huling pagkikita namin ay yung eighteenth birthday ko pa. Ang saya ko lang noong nalaman kong pumayag siya na maging first dance ko. Not knowing that it would be the last time that I'd see him.

Summer noon nang lumipat kami ng Panabo dahil doon na naka-assign ni Tita Laida. May offer kasi sa kanya roon at malaki ang monthly salary kaya kinuha n'ya.

Mama consulted me about it, sabi payag naman daw sila ni Tita na magpaiwan ako sa Davao at mag-dorm na lang pero hindi ako pumayag at sumama na lang sa kanila.

I don't think I can too.

The rejection issue from that one afternoon scarred me to bits. Hindi nga ako umattend ng Graduation namin dahil lang doon. Tinapos ko lang lahat ng kailangan ko para maka-graduate at hindi na nagpakita sa kanila pa.

Naputol din ang connection ko kay Papa. Hindi ko naman magawang pumunta ng weekends sa Davao para makipagkita lang sa kanya dahil kinain ng acads ko yung oras ko. Hindi ko rin siya makulit na makipagtawagan man lang. Hindi na nga siya komportable sa akin sa personal, sa tawagan pa kaya? Tutulugan lang non ang mga kwento ko sa kanya!

"Ma'am Frainna?"

Kumurap ako nang makitang kumakaway si Vlad sa harapan ko.

"Hmm?"

Wala sa sariling lumipad ang tingin ko kay Sagittarius. Agad ko rin itong binawi nang makita ko ang mga nagtatanong n'yang mga mata.

Binaling ko ang tingin ko kay Vlad.

"Uhh... Tara na po?" Tanong ni Vlad.

"Okay... Sorry," I faked a laughter while shaking my head.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa SHS building.

Humugot ako nang malalim na hininga sabay buga ng marahas na hangin. Hindi pa nga ako nakakatapak sa hagdanan, pagod na ako. Inirapan ko ang sarili ko dahil sa pagiging OA.

Nasa pangalawang palapag pa lang kami ng building, nagreklamo na ang talampakan ko.

Pumaywang ako at tumigil sa paglalakad.

Itinaas ko ang kamay ko. "Time's up muna. Break, break."

I heard Vlad laughed.

"For a MAPEH major, you sure have a weak cardio." Sagittarius scoffed.

Desperada (Astrology #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon