XV

475 21 18
                                    

Desperada 15

Mabilis akong naglakad nang makalabas ako ng establisyemento para mahabol si Sagittarius.

"Uy, teka lang. Ang bilis mo naman maglakad." Reklamo ko nang maabutan siya.

Muntik na akong mabangga sa likuran n'ya sa biglaan n'yang pagtigil. Umatras ako nang humarap siya sa akin.

Nakaipit sa bibig n'ya ang hash brown na inorder n'ya kanina. Akala ko ba tapos na siyang kumain?

Iritado akong inirapan ni Sagittarius saka tumalikod ulit para buksan ang sasakyan.

Umismid lamang ako at sumakay na rin sa shotgun. Mamaya iwan pa ako nito dahil sa pagka bad mood n'ya.

Tahimik lamang kami habang paalis kami ng Sta. Ana. Ilang beses ko siyang sinulyapan at nakitang nginunguya pa rin n'ya 'yong hash brown na binili n'ya.

"Hindi ko alam na may mga pinsan ka pala," sambit ko nang magsawa sa katahimikan.

"You didn't ask." Nguso n'ya bago nilunok ang huling kagat ng hash brown.

Lumabi ako. "Ilan kayo?"

"Seventeen."

Hindi ako umimik at tumango lang saka lumingon sa labas.

Hindi naman ako umabot sa point noon na alam pati ang family tree ng pamilyang kinabibilangan ni Sagittarius. Ang alam ko lang noon ay may nakakatandang kapatid siya.

"Kung alam ko lang sana noon... Dami ko palang choices bukod sa'yo." Bulong ko nang hindi nakatingin sa kanya.

"Narinig ko 'yon, a."

Tinikom ko ang bibig ko para pigilan ang pagtawa sa narinig mula sa kanya.

Nakakagulat yung progress ng pag-uusap namin nitong mga nakaraang araw. Hindi na siya laging iritadong nakatingin sa akin at maayos na n'ya akong kinakausap. Hindi gaya noong mga unang araw ko pa lang ng pagtuturo sa kanila na parang irita siya lagi sa presensya ko, hindi ko tuloy maiwasan na ibalik sa kanya yung turing n'ya sa akin.

Ganon kasi yung ugali ko. Hindi ako naman nagtataray kapag hindi ako inunahan. More likely, hindi naman talaga ako mataray. Si Sagittarius lang talaga ang may kakayahang palabasin ang ugaling hindi ko alam na meron pala ako.

Tahimik lang kami hanggang sa mailiko n'ya ang sasakyan pa Magsaysay Avenue.

"Sa labas ng Magsaysay park na lang tayo mag-park." Sabi ko. "Wala kang mapaparkingan sa loob ng Chinatown."

"Walang malapit na U-Turn slot dito, Frai. Doon na lang sa gilid ng papasok ng Chinatown. Wala pa naman sigurong naka-park don, maaga pa naman."

"Okay," tango ko. Mas maalam naman pala siya.

Nakahanap din naman kami ng parking space sa labas ng unang establisyemento pagpasok ng Chinatown.

Sabay kaming bumaba ng sasakyan.

"Saan tayo?" Agad n'yang tanong nang magharap kami.

Ininguso ko yung daanan kung saan kami pupunta. Hindi kita mula sa kinatatayuan namin yung tindahan. Sinundan n'ya ng tingin ang direksyon na itinuturo ng nguso ko. Kumunot ang noo n'ya.

"Naglalakad ka naman siguro nang malayo no?" Nanunuya kong tanong kay Sagittarius.

Tinapunan n'ya ako ng tingin. "What do you think, Frainna?"

Sungit. "Baka lang kako di ka sanay."

He snorted. "I like walking."

Ngumiti ako. "Okay, sabi mo e."

Desperada (Astrology #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon