XXXVIII

421 16 6
                                    

Desperada 38

Nagising ako dahil sa pamimilipit ng sikmura ko sa di malamang kadahilanan.

Kinapa ko ang tabi ko at napalabi nang maramdamang bakante na 'yon. Ibinaling ko sa kabilang direksyon ang aking ulo at inabot ang phone sa bedside table.

I squinted my eyes the moment I opened my phone. Pikit mata kong ini-adjust ang brightness bago tuluyang iminulat ang mga mata.

Marahas na nahigit ko ang hininga ko nang makitang 8:45 na ng umaga.

Isang beses akong napamura sa likod ng isipan bago bumangon at dali-daling dumiretso sa banyo para maligo.

I can't believe I overslept and forgot to prepare Sagg's lunch!

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay dumiretso ako ng kusina para makapagluto ng pananghaliang ihahatid ko mamaya sa kanya.

I bit my lip hard and guiltily looked at the table when I saw a food cover. Binuksan ko yon at mas lalong nakonsensya nang makita ang pagkaing inihanda n'ya para sa agahan ko.

"You are such a bad girlfriend, Frainna..." I murmured to myself as I sat down to eat the breakfast he prepared for me.

Napahinto ako sa pagsimsim ng gatas nang mapansin ang sticky note na nakalagay sa gilid ng plato. Agad kong dinampot yon at binasa.

'Hindi na kita ginising kasi humihilik ka pa >.< I hope you enjoy your breakfast. I love you. <3'

Sumimangot ako habang maayos na tinupi ang note para itago mamaya.

"Pinapakonsensya siguro ako non," mahinang bintang ko.

Mabilis na tinapos ko ang pagkain at agad na hinugasan ang pinagkainan.

Hindi na ako nag-atubili pa na umpisahan ang paghahanda ng mga lulutuin ko, dahil baka mamaya kulangin ako sa oras at i-cram na ang lahat. Ayaw ko namang gawin yon. Pumalpak na nga ako sa paggising nang maaga para magluto, papalpak pa yung pagkain.

Inilabas ko ang chicken at pork na minarinate ko overnight mula sa ref at inilapag sa counter top katabi ng mga iba pang pampalasa.

Agad kong inihanda ito kagabi nang marinig ko sa kanya na gusto n'ya ng CPA para sa lunch kinabukasan. Kala n'ya naman hindi ko alam na ang meaning ng CPA ay Chicken, Pork Adobo. Hmp.

Pinakuluan ko muna ang pork hanggang sa lumambot yon. Nang lumambot na ay pinainit ko na ang isa pang pan para magsimula ng mag gisa ng luya, bawang, at sibuyas bago ko hinalo ang karneng manok at karneng baboy.

Hindi lang yon ang inihanda ko. Nag steam ako ng sliced potatoes, carrots, at broccoli, bilang side dishes. Inilabas ko rin mula sa ref ang mga prutas na apple, sliced pineapples, at grapes. Para sa panghimagas mamaya.

Nang matapos ako sa pagluluto ay nilinis ko muna ang mga lunchboxes na paglalagyan ko bago dahan-dahang inilagay ang mga pagkain doon.

I couldn't stop grinning as I looked at the lunchboxes when I finished. Hindi ko napigilan ang pagkuha ng litrato. Ang cute-cute lang ng pagkakalagay ko ng mga pagkain sa loob, sana lang wag masira mamaya biyahe.

Naligo ako ulit dahil amoy ginisa ako at pawisan. Madalian lang ang pagligong ginawa ko para may oras pa ako para makapamili ng kasuotan at makapag-ayos.

Isang beses kong sinulyapan ang sarili sa salamin.

I opted to wear a skirt that I made myself. Striped, ruffled, midi skirt. Bahagyang mabigat ang tela non kaya hindi agad-agad nadadala ng hangin. Pero hindi naman siya mainit sa legs. Then I wore satin, cropped, tank top to pair the skirt. After I tied my hair into half-ponytail, I sprayed perfume on my body.

Desperada (Astrology #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon