Desperada 36
The next morning, Sagg didn't bother again to ruin my body clock.
8 AM ako nagising gaya ng lagi kong ginagawa. While Sagg was out, jogging. Buti at kagabi pa siya nagpaalam sa akin na mag-ja-jogging siya kinaumagahan, at hindi kaninang 6 AM dahil baka mamaya masakal ko siya at palayasin dito!
I chuckled when I felt him hugging me from behind.
Kakatapos n'ya lang maligo at magbihis. At hindi ko mapigilang harapin siya para maamoy pa siya nang maayos. Iniyakap ko ang braso ko sa batok n'ya.
His chest rumbled when he laughed. His fingers flexed on my waist and he pulled me closer.
"Hindi ka pa kumakain?" Sagg asked.
I once again inhaled his scent before backing away to fully face him.
"Hindi pa. I'm sorry, I was waiting for you para sana sabay tayo."
Nagluto kasi siya ng agahan bago siya umalis para may kainin ako pagkagising na pagkagising ko. Pero hindi ko naman magawang kumain nang mag-isa at di siya na antayin pa.
He grinned and then gave me a hard kiss on the mouth.
"No, it's okay. Tara na," he said before pulling me to the kitchen.
Habang kumakain kami ay nag-vibrate ang phone ni Sagg na nakapatong sa mesa. Nagpatuloy lang ako sa pagkain at hindi na inabala pa ang sarili sa pag-usisa pa kung ano ang laman ng mensahe.
"Vehara texted." Sagg announced.
Iniangat ko ang tingin ko sa kanya at binigyan siya ng nagtatanong na tingin.
Mas lalo akong nagtaka nang unti-unting sumilay ang ngiti sa labi n'ya.
"She told me that I have a project waiting." Nakangiting saad n'ya.
Namilog ang mga mata ko. "Wow. Finally, employed ka na."
Napawi ang tuwa sa mukha n'ya at sumimangot.
"Employed naman talaga ako a?"
I giggled and reached for his hand.
"Joke lang, eto naman. Congratulations, baby ko..."
The side of his lips rose. He kissed my knuckles. Tingnan mo to, ang bilis mapawi ng mood lalo na kapag tinatawag na baby.
"Thanks, baby..." Sagg chuckled.
Uminit ang pisngi ko at inirapan siya. Dahan-dahan n'yang ibinaba ang kamay ko ngunit nanatili pa rin ang hawak n'ya roon.
"Kailan ka raw magsisimula?" Tanong ko sa kanya.
"Ngayon na agad. She wants me to go to the site first to check it." He replied.
I nodded.
"That's nice, may susuotin ka ba? You know you can't go there and show up with your shirt and jeans." Pinasadahan ko ng tingin ang suot n'ya. Even though he looked scrumptious in those. I wanted to add.
Tumango si Sagg.
"Meron naman." Simple n'yang sagot.
Pinanliitan ko siya ng mga mata.
"Nakakahalata ako sa ginagawa mo a," saad ko sa kanya.
"Hmm?"
"Dahan-dahan mong pinupuno ng damit at gamit mo itong bahay ko."
Sagittarius just sheepishly grinned and I just rolled my eyes at him and then continued eating.
Wala pang alas nuebe ng umaga tapos na si Sagg sa paghahanda para sa pag-alis.
BINABASA MO ANG
Desperada (Astrology #2)
Romance(Astrology Series #2 | SAGITTARIUS) Why do we always like to chase after people who won't bat an eye on turning their backs on us? Iyan ang tanong ni Frainna Real Gomez sa sarili. She grew up looking at her father's back, only giving her scraps of...