Desperada 13
Tahimik lang kaming dalawa ni Sagg habang naglalakad pabalik sa loob.
Napabuga ako ng hangin nang makarating sa tapat ng saradong pintuan na ini-avail naming tatlo.
Tapos na ba sila?
Sinulyapan ko ang wristwatch ko at nakitang kaka thirty minutes pa lang. Sapat na ba yung thirty minutes?
Lumabi ako at tumingkayad para makasilip.
"Ano'ng ginagawa mo?'
Napapitlag ako at muntik nang matumba dahil sa pagkagulat. Lumingon ako sa gawi ni Sagg at nakitang naka-arko ang isang kilay n'ya, nalilito akong tinititigan. Dalawang rooms lang pala yung pagitan namin.
"Wala." Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
"Bakit hindi ka pa pumapasok?" Tanong n'ya ulit.
Sumimangot ako at hinawakan ang door knob.
"Wala ka na ron."
"Are you worried you'll see them doing something weird once you get inside?" Nang-uuyam n'yang tanong.
Sinamaan ko siya ng tingin. Mas lalong lumaki ang ngisi n'ya.
"Don't worry quickies are done in only five minutes, Frai." He said.
"I—I..." Iniwas ko ang tingin ko. "I don't need to know that!"
Tumawa siya. "Yeah, sure you don't."
Iritado kong pinihit ang pintuan at itinulak ito.
Bumungad sa akin ang tulog ng si Maan. Nakayakap at nakasandal siya kay Clay.
Mahina na ang volume ng kaninang malakas na tugtugan. Wala na ring nagpiplay na music video sa flat screen tv.
"Ang tagal mo ata?" Mahinang sabi ni Clay.
Namanhid ang pisngi ko. "Uhm, hindi ko lang namalayan yung oras."
"Uuwi na ba tayo?" Dagdag kong tanong.
"Ikaw kung gusto mo na." Sinulyapan n'ya si Maan. "Tulog mantika naman to kaya okay lang kung gusto mo pang mag-ingay."
Tumawa ako nang bahagya at naupo sa couch.
"Hindi na. Uuwi rin kasi ako kay Mama bukas."
Clay nodded. "Okay, sige ihahatid ka muna namin."
Ningitian ko siya at nagpasalamat bago nag-ayos ng gamit.
Umatras ako para maisilong ang sarili sa malaking shade na nasa likurang bahagi ng oval.
Monday na ulit at tuwing monday ay required kaming dumalo sa flag ceremony kasabay ang mga students.
"The intramurals are getting near..." Anunsyo ng OIC dahil wala ang Principal sa kasalukuyan.
Humiyaw at nagkagulo ang students dahil doon. Bukod sa DAVRAA, Intramurals din ang laging inaabangan ng mga estudyante. Simply because ilang araw ang walang maayos pasok dahil sa mga events na 'yon.
Wala ngang pasok pero required naman silang sumali sa Field demo competition.
Bigla ko tuloy naalala na lagi yung section namin noon ang ginagawang taga-lead ng batch namin noon sa Intrams. Sino kaya ngayon?
"Tayo raw yung maglelead sa Grade 12 sa Intrams," naabutan kong sinabi ni Quesa sa mga kaklase n'ya.
Inilapag ko muna ang dalang gamit bago nakinig sa usapan nila.
Dahil wala si Ma'am Diana, kung sila ang ginawang leader ng Grade 12 para sa Intrams, kailangan ko silang tulungan.
"Huh, pano yan e wala tayong kilalang nag-ko-choreo ng sayaw?" Rinig kong tanong ni Vlad.
BINABASA MO ANG
Desperada (Astrology #2)
Romans(Astrology Series #2 | SAGITTARIUS) Why do we always like to chase after people who won't bat an eye on turning their backs on us? Iyan ang tanong ni Frainna Real Gomez sa sarili. She grew up looking at her father's back, only giving her scraps of...