Desperada 1
Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang kabuuan ng klaseng iha-handle ko.
Magulo. May iilan akong nakitang nakatingin sa akin. Mukhang nagtataka kung sino ako. Ang iba naman ay walang pakialam. May mga nagtatakbuhan at nagkukulitan. Napangiwi ako. Sigurado bang Grade 12 ang mga ito?
"Okay ka lang, Ms. Gomez?" Nahimigan ko mula sa likuran ko ang tinig ni Ma'am Diana. Nilingon ko siya.
Hapit sa mahubog katawan ng guro ang uniporme nito. Mahaba ang buhok n'ya at may pagka Morena ang kanyang balat. Hindi mo aakalain na tatlong taon na lang trenta na siya. Sabagay, sa panahon ngayon marami ka ng pwedeng gawin para mapanatili ang pagiging bata. Dagdag sa na rin siguro na wala pa itong asawa at pamilya kaya ganito pa siya kabatang tingnan.
Tahimik akong tumango at ibinalik ang tingin sa klase.
Nasa labas kami ng section Sapphire. STEM section ito at halos lalaki ang mga estudyante. Mukhang mahihirapan ako rito.
"Hindi ka mahihirapan sa kanila," nakangiting saad ni Ma'am Diana. Tila ba nabasa niya ang aking isipan.
Siya ang teacher ng section Sapphire sa subject na PE & Health. Ngayon ang unang araw ko bilang Student Teacher. Secondary education major in MAPEH ang kinuha ko dahil ito ang gamay ko at gusto ko rin. Sa klaseng PE & Health ako magtuturo dito sa SHS dahil full na ang slots ng magtuturo ng MAPEH sa JHS.
"Just act as if they're your friends, barkada kumbaga." Nakangiting payo n'ya.
Halos mapa ismid ako nang marinig ko iyon. Barkada? Baka naman sa sobrang pagturing ko sa kanila ng ganyan ay mawalan sila ng respeto sa akin.
I don't have issues with befriending my students. But to me, it's much better if there's still that thin line between that relationship. Baka mamaya ay abusuhin ang pagkakaibigan. At ayaw kong maabuso.
"Sila ang second section ko sa umaga. Section Pearl ang first... 'yung pinuntahan natin kanina." Turan niya habang naglalakad kami pabalik sa faculty.
"After ng Sapphire, lunch break natin. After lunch break naman may dalawang section pa. Section Bloodstone and Mt. Apo."
Tumango naman ako. Naisulat at alam ko na ang mga sections ko pero nakikinig pa rin ako nang husto sa mga sinasabi n'ya. I need to accomplish this one. Lalo na ang Final Demo. Dito nakasalalay ang grado ko at kung makaka-graduate ba ako.
"Bukas na kita ipapakilala sa kanila," ngiti niya nang marating namin ang table n'ya sa loob ng faculty.
Nang mailapag namin ang mga gamit namin ay agad n'ya akong inaya na lumabas upang makapag lunch. Sa main canteen ng eskwelahan namin napagpasyahan na maupo at kumain. Hindi pa gaanong matao roon dahil hindi pa lunch break ng mga students. Kung may mga estudyante man, sila 'yung pang hapon at naisipang mag early lunch dito.
"Ma'am, pang ilang taon niyo na po?" Tanong ko sa kanya habang kumakain kami.
"Pang-apat. Sa USEP ako gumraduate. Ikaw, ang layo ng na-assign sa'yo ha." aniya matapos nguyain ang pagkain niya.
"Opo. May option po kasi na ibinigay sa amin mga gustong lumuwas ng Davao kapag naka-graduate."
"Buti hindi kinwestyon ang kagustuhan mo na lumuwas ng Davao..." Namamangha n'yang sinabi.
Tumango ako habang nakangiti. Buti nga dahil hindi ko rin masasagot ng tama siguro kapag tinanong ako kung bakit.
Madaming schools sa Panabo ang magaganda. Sa kalapit na lungsod din ng Tagum meron din. Sigurado ako'ng kung nagtanong sila sa kung ano ang dahilan ko at bakit sa Davao ko gusto'ng mag practice teaching, ilalatag nila ang magagandang options na naiisip ko.
BINABASA MO ANG
Desperada (Astrology #2)
Romance(Astrology Series #2 | SAGITTARIUS) Why do we always like to chase after people who won't bat an eye on turning their backs on us? Iyan ang tanong ni Frainna Real Gomez sa sarili. She grew up looking at her father's back, only giving her scraps of...