Desperada 18
The next day, I was anxious. Pagkagising ko palang parang may humahalukay na sa tiyan ko. Hindi ako mapalagay at laging aligaga.
The confrontation I had with my father yesterday felt like a blur. Ang tumatak at inisip ko hanggang sa matulog ako ay ang nakita ko sa classroom at ang ginawa ko.
"Miss Gomez, kung pwede ikaw muna raw ang hahawak sa mga klase ni Ma'am Diana."
Hindi ko ipinahalata kay Ma'am Roces na nagulat ako sa biglaan n'yang bungad nang makapasok ako ng faculty.
Nahirapan ako sa paglunok.
"Asan po si Ma'am Diana?" Halos paos ko'ng tanong.
Saglit n'ya akong sinulyapan.
Maikli ang buhok ni Ma'am Roces at mukha siyang istrikta dahil sa mga malalamig n'yang mga mata na nasa likod ng makapal n'yang salamin.
"Pinatawag sa Principal's office." Simpleng sagot n'ya sa akin.
My eyes blinked furiously and I felt like fainting. Biglaan akong nakaramdam ng bahagyang pagkahilo. Dahan-dahan akong nagpakawala ng hangin.
"B-Bakit daw po?"
"Hindi ko rin alam. Walang inilagay sa memo." Itinagilid n'ya ang ulo n'ya. "Okay ka lang ba? Namumutla ka."
Wala sa sarili akong tumango sa kanya. "O-Opo, okay lang po ako."
"O siya, hija, paki na lang ako sa klase ni Diana ha." Muli n'yang paalala.
Humigit ako nang malalim na hininga, pilit kinakalma ang sarili.
"Opo, ako na po'ng bahala." Sagot ko sa maliit na boses.
Nasa malayo ang isipan ko habang inaayos ko ang kagamitan na dadalhin ko sa unang klase ko. I get jumpy each time someone would call my name or even if someone would enter inside the faculty. Nag-aalala akong tiningnan nila Kyla pero lagi lang akong umiiling at sinasabing okay lang ako.
Sinuot ko ang black, flat shoes ko bago lumabas ng faculty at umakyat sa SHS building.
Sa pag-akyat ko ay nakasalubong ko si Vladimir. Tipid siyang ngumiti at bumati sa akin. Pilit ko naman siyang ningitian pabalik pero pakiramdam ko nagmukha lang akong constipated.
"Ah, Ma'am Frainna," pakli n'ya nang makalagpas sa akin.
Lumingon ako sa kanya. "Ano 'yon, Vlad?"
"Wala po si de Jesus mamaya." Aniya.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa dala kong folder at class records.
"Bakit?"
Nagkamot siya ng ulo. "Ah, kasi pinatawag po sa Principal's office si Sagg. Hindi ko rin po alam kung bakit."
Nanlamig ang sikmura ko at napaawang ang mga labi ko. Uminit ang gilid ng mga mata ko. Kumurap ako nang ilang beses. Bumaba ako ng isang baitang.
"Vlad, pakihatid sa section Pearl, please." Pakiusap ko.
Tinatanggap n'ya ang mga dala kong gamit. Kumuha ako ng isang sheet ng sticky note at ballpen. Sinulat ko ang instruction ng gagawing activity. Maikli lang 'yon.
"Pakibigay kay Tanya," sabi ko. "Pakisabi na baka ma-late ako o hindi ako makapag klase sa kanila."
Tahimik lamang siya habang tinatapos ko ang pagsusulat ng gagawin ni Tanya, MAPEH president ng section Pearl, pagkatapos ng activity na ipapagawa ko.
"Sige po," maingat n'yang sabi at tinanggap ang note. "Okay lang po ba kayo? Nanginginig po kayo, Ma'am Frainna."
Pagak akong tumawa at pasimpleng humugot nang malalim na hininga.
BINABASA MO ANG
Desperada (Astrology #2)
Romance(Astrology Series #2 | SAGITTARIUS) Why do we always like to chase after people who won't bat an eye on turning their backs on us? Iyan ang tanong ni Frainna Real Gomez sa sarili. She grew up looking at her father's back, only giving her scraps of...