XXIII

530 18 33
                                    

Desperada 23

"Kailan nga pala yung boards n'yo?" Tanong ko kay Sagittarius habang binabanlawan yung mga plato.

Nasa tabi ko siya at pinupunasan yung mga plato'ng hinugasan ko 'saka nilalagay pabalik sa dishwashing rack. Pumayag na lang ako sa kagustuhan n'yang tumulong kahit na bahagya akong naiilang kanina noong nag-aantay siya na matapos ako.

"This week," tipid n'yang sagot.

Tumango ako saka saglit siyang sinulyapan.

"Tapos ka na palang mag-review?"

The side of his lips lazily lifted. "Yup, ni-re-relax ko na lang yung utak ko ngayon."

Without looking I turned off the faucet.

I smiled at him and turned to him. "Good luck ulit."

His gaze dropped at my lips. His eyes hooded, his lips twitched.

"I need more than that." Sagittarius rasped.

Ngumuso ako at pabiro siyang inirapan. Ibinalik ko sa kanya ang tingin ko.

"Edi God bless," I grinned.

He chuckled at my response. His teeth playfully clenched, shook his head and looked away. Binalingan n'ya ang huling platong pupunasan n'ya.

Naiiling naman akong pinagmasdan siya sa ginagawa.

"I missed you," he confessed as soon as his chuckle died down.

My breath hitched. Maang ko siyang tiningnan. Muli n'ya akong hinarap nang matapos siya sa ginagawa.

He grinned at me before turning his back against me.

Nang mawala na siya nang tuluyan sa paningin ko ay doon pa lang ako nahimasmasan.

Slowly, the heat crawled up to my cheeks, making it numb and flushed. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko. I took deep breaths through my mouth. Hindi pa ako nakuntento at sinampal-sampal ko rin ng bahagya yung mga pisngi ko pagkatapos.

When I finally calmed myself, I removed the apron I'm wearing and headed towards the living room.

Nakatukod sa armrest ang kaliwang braso ni Sagg habang ang kamay n'ya naman ay hawak-hawak ang labi n'ya. Mischief was playing in his eyes as he raked his gaze over my body.

Sinamaan ko siya ng tingin pero mas lalo lamang siyang napangisi.

Inismiran ko siya at tinawag na si Dwight para samahan akong pakainin yung mga alaga namin sa baba.

Sagittarius joined us in feeding the stray kittens. Pagkatapos non ay nagpaalam na siyang uuwi kaya hinatid ko na siya sa labas. Pagkalabas na pagkalabas pa lang namin ay andon na ang sundo n'ya kaya sumakay agad siya.

Aantayin ko pa sanang maka-alis ang sasakyang sakay n'ya pero hindi ito umandar agad.

He rolled down the window. My brows knotted.

"Pasok ka muna," Sagittarius said.

Napakurap ako. Right. Tumango ako sa kanya bago kumaway at tumalikod.

Mabilis na dumating ang Friday at naging masyadong busy ng araw na 'yon para sa boutique.

"Ang gaganda, Frainna..." Ma'am Lopez complimented as soon as she saw the ten sets of gowns.

Ngumiti ako sa kanya. "Thank you for trusting our boutique, Ma'am."

"Wala 'yun, ano ka ba, hija. Your boutique deserves it. Hayaan mo at ang Weddings by Frainna ang irerekomenda ko sa mga amiga ko at sa mga pamangkin kong ikakasal na rin."

Desperada (Astrology #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon