XXVII

535 22 26
                                    

Desperada 27

Nilagay ko ang hintuturo ko sa labi n'ya nang magtangka siyang halikan ulit ako.

Pagkatapos ng nangyari ay hindi na matanggal ang ngisi sa mukha ni Sagg. Habang ako naman ay hindi man lang makatingin sa kanya at namumula pa.

"Sigurado ka ba talaga na ayaw mong mag toothbrush muna?" Mahina kong tanong sa kanya.

Tumuwid siya ng tayo sabay nguso. Nasa labas na kami ngayon at paalis na siya.

"Hindi na." Simple n'yang sagot.

Mahina ko siyang hinampas sa dibdib.

"Kadiri ka."

Sagittarius chuckled. Muli siyang yumuko para magnakaw ulit ng halik pero umilag ako.

"May spare toothbrush ako sa taas, gamitin mo." Pangungumbinsi ko pa.

Kinikilabutan ako sa ideya na hindi siya mag-to-toothbrush pagkatapos ng ginawa namin kanina!

"Come on, Frai," inilapit n'ya ang mukha n'ya sa mukha ko sabay buga ng hangin. "What, does my breath smell like I ate someone out?"

Tumawa siya nang makitang hinabol ko ang hiningang binuga n'ya. Kailangan kong makasigurado. Mamaya sa pupuntahan n'ya mahalata ng kausap n'ya na may kababalaghan siyang ginawa.

"Okay, for your peace of mind." Iniangat n'ya ang mukha ko. "Magmumumog ako ng mouthwash. Meron ako non sa sasakyan."

I heaved a sigh. Buti naman.

Narinig ko ang muling pagtawa. He crouched down to hug me. He buried his face on my neck.

"Ang cute mo, alam mo yon?" Nanginig ang balikat n'ya sa muling pagtawa n'ya.

Naiirita akong umungol at mahinang sinuntok ang tiyan n'ya.

"Concern lang ako sa masasabi ng mga makakausap mo mamaya." Depensa ko.

"Edi sabihin ko na nag sexy time kami ng girlfriend ko. Maiinggit lang yung mga yon sa akin."

Itinulak ko siya dahil sa narinig. Mukhang alam n'ya ang dahilan dahil nakangisi n'ya akong sinulyapan. His eyes were screaming mischief and his mouth was sensually stretched into a grin.

"Sinong girlfriend? Ako?" Itinuro ko ang sarili ko. "Wala akong naalalang niligawan mo ako!"

Sagittarius smirked. "Okay."

Kumunot ang noo ko. "Okay, ano?"

"Liligawan kita." Sabi n'ya.

Teka, bat parang siya pa yung napapayag ko na ligawan ako!?

Umawang ang labi ko at mas lalong nangunot ang noo. Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan.

Humalakhak siya sa naging reaksyon ko. Inabot n'ya ang ilong ko at kinurot 'yon. He pulled me closer to him and then hugged me again. He planted a loud kiss on my cheek.

"Frainna Real Gomez-de Jesus..." He softly said against my cheek, his breath was fanning my face.

Natawa ako sa narinig. Niyakap ko ang mga braso ko sa magkabilang balikat n'ya.

"Landian pa lang bakit karugtong na ng apelyido ko ang apelyido mo?" Mahina ko ring tanong.

He softly chuckled and then kissed my cheek again.

"Doon din naman yon papunta." He answered while chuckling.

Ilang saglit siyang hindi nagsalita kaya nilingon ko na siya.

Desperada (Astrology #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon