Desperada 17
"Kumusta naman sila noong wala ako?" Si Ma'am Diana habang nag-aayos siya ng table n'ya.
"Okay naman po," sagot ko. "Cooperative naman sila sa mga activities, Ma'am."
She smiled at me. Umupo siya sa upuan n'ya saka hinarap ang laptop n'ya.
"Ganon ba? Buti naman pala hindi ka nila pinahirapan."
Mahina akong natawa sa sinabi n'ya.
"Hindi naman po."
Agad kong tinapos ang pinapagawa n'ya sa aking filing ng mga test papers. Isinara ko ang folder pagkatapos ay hinarap siya.
"Ma'am, magpapaalam po sana ako." Panimulang sabi ko. "May kailangan lang po ako asikasuhin sa school ko sa Panabo. Mag-susubmit lang po ako ng documents."
"Oh,"Her eyes slightly widened and her glossed lips parted. Saglit siyang huminto sa ginagawa n'yang pag-e-encode. " Sige, sige. Kailan ka ba aalis?"
"Ngayon na po sana." Pilit kong ngiti. "Babalik din naman po ako agad kung matatapos ko ngayong araw yung lakad ko, Ma'am."
"Naku," She waved her hand. "Kahit bukas na lang. Para di ka na magmadali. Sana rin pala sa text ka na lang nagpaalam."
Shaking my head, I gave her a small smile. "Okay lang po. Masyado pong informal kung sa text."
Maluwag siyang ngumiti. "Siya, sige. Ingat ka, Miss Gomez."
"Thank you po." Bahagya kong yuko.
Habang nasa biyahe papunta sa Abreeza Mall, kung saan ako sasakay ng Shuttle bus papuntang Panabo ay sinend ko ang email ko ang evaluation form na hinihingi ng DCNHS sa'kin. Kagabi ko pa 'yon natapos sagutan pero ngayon ko pa lang mapapasa dahil sa bagal ng connection.
Bumaba agad ako ng jeep nang makarating sa Abreeza pero di pa agad ako dumiretso sa terminal. Pumasok muna ako ng mall para bumili ng pasalubong kay Mama.
Hindi kasi ako nakauwi last week buhat ng pagiging abala sa Intramurals sa school. Kaya babawi ako ngayon.
Pagkatapos kong bumili ng medium-sized na cake ay agad na akong lumabas para tumungo sa terminal ng bus. Saktong pagkarating ko roon ay may nag-aantay na bus na pa Tagum kaya sumakay na lang din ako. Madadaanan lang din naman yung Panabo kaya pwede na ako rito sumakay.
Isinandal ko ang ulo ko sa bintana at nilibang ang sarili sa panonood sa tanawin sa labas.
Matatapos na lang ang araw ko sa pagtuturo sa DCNHS, hindi ko pa rin nalalapitan at nakakausap si Papa. Sa susunod na linggo na ang Final Demo ko. Pagkatapos non ay balik na agad ako ng Panabo para asikasuhin ang credentials at requirements ko para sa application ko for Graduation.
Malalim akong humugot ng hininga.
Hindi ko namalayang nakaidlip ako sa bus. Nagising na lang ako sa sigaw ng konduktor, nagtatanong kung may bababa raw ba sa bus stop sa Panabo.
Mabilis kong inayos ang sarili ko.
"Bus stop po!" Malakas na sabi ko.
Tumango ang konduktor saka nillingon ang driver.
"May bababa sa bus stop!"
Nang huminto kami sa bus stop ay bumaba agad ako. Nakahilera ang mga tricycle kaya hindi ako nahirapan sa paghanap ng masasakyan. Lumapit ako sa pinakaunang trike.
"Northern Plains po," saad ko.
Tumango ang driver kaya sumakay na ako.
"Oh, hindi mo nasabi na uuwi ka pala ngayon." Salubong ni Mama nang makarating ako ng bahay.
BINABASA MO ANG
Desperada (Astrology #2)
Romance(Astrology Series #2 | SAGITTARIUS) Why do we always like to chase after people who won't bat an eye on turning their backs on us? Iyan ang tanong ni Frainna Real Gomez sa sarili. She grew up looking at her father's back, only giving her scraps of...