Desperada 16
Nakatayo lang ako sa gilid ng backstage at tila tuliro kahit na ang buong paligid ay nagkakasiyahan.
Kakatapos lang ng announcement ng mga nanalo sa Field Demo Competition. Champion ang Grade 12 sa unang pagkakataon. Grade 9 kasi ang palaging champion kahit noong batch pa namin, kaya laking gulat ng lahat na hindi sila nanalo ngayong taon.
Maroon ang kulay ng Grade 12 at bumaha ang kulay na 'yon sa buong field. Nagkalat ang mga confetti at mga nagtatalunang mga estudyante. Maging ang mga teachers ng iba't ibang department ay nakisaya rin.
Pero heto ako at hindi man lang magawang ngumiti pabalik sa mga bumabati sa akin. Tanging tango lang ang nagagawa ko.
Mula nang mahila ako ni Sagittarius at iwan dito sa backstage kung nasaan ang halos lahat ng mga kasamahan ko ay wala ni isang salitang namutawi mula sa bibig ko.
And each time that someone I don't know would glance at me, I have that urge to run away and hide.
Ni hindi ko matanggal sa isipan ko yung tawanang narinig ko kanina.
Bumalik bigla sa akin yung mga posts na nabasa ko noon. The criticisms I heard while I was walking my way home. The looks that I received from them. Lahat-lahat biglang bumalik.
I thought that I moved on from it. Mali pala ako. Kasi isang alaala lang mula noon, bumabalik pa rin sa akin yung lahat-lahat ng mga naranasan ko noon.
I know myself that I have already forgiven Sagittarius. Ni wala nga siyang kasalanan doon kasi hindi naman n'ya kasalanan na naging tapat siya at sabihing hindi n'ya ako gusto.
I know myself that I have already forgiven myself too. For being indecisive and assertive that time. Yun lang. Hindi ako hihingi ng tawad sa pagtatapat na ginawa ko kasi hindi naman kasalanan 'yon.
I know myself that I have already forgiven those people who spread the issue and judged me.
Because I know that I can't move forward if I dwell on the past. And the first thing to do to move forward is to forgive.
Matagal na. Sobrang tagal ko na silang napatawad.
But what I can't forgive are those people who just can't let the past be past. Iyong mga taong tinatawanan pa rin ako dahil sa nangyari sa nakaraan. Iyong mga taong dinadala pa rin ang lahat-lahat mula sa nakaraan sa kasalukuyan.
Can't they just move on with life? Ako nga na mismong nakagawa non ay hindi na iniiisip pa ang nangyari bakit sila andon pa rin? Hindi pa rin makausad usad?
Is it because I left without doing or saying anything about what happened? Dahil ba ang huling alaala nila sa akin ay 'yung nangyari ng hapong 'yon? Bakit, ano ba ang dapat gawin ko? Mag release ng statement na nagsasabi na 'sorry if I was desperate and weird for liking someone younger than me.' ? Ganoon ba dapat?
Will I forever be branded as the 'desperate girl who once confessed to a boy who's younger than her'?
Hindi ko na talaga alam.
Naglalakad ako habang nakayuko at sinipa-sipa ang mga maliit na batong nadadaanan ko.
Kumunot ang noo ko nang may pares ng converse shoes na humarang sa daanan ko.
Without looking up, I stepped on the side to avoid it and continue walking. Pero nang gumilid naman ako ay gumilid din 'yung may-ari ng mga sapatos. Humakbang ako sa kaliwa, humakbang din siya.
I irritatedly looked up and saw Sagittarius' face. Wala nang face paint sa mukha n'ya at naka shirt na kulay maroon na rin siya gaya ko.
I deeply sighed.
BINABASA MO ANG
Desperada (Astrology #2)
Romance(Astrology Series #2 | SAGITTARIUS) Why do we always like to chase after people who won't bat an eye on turning their backs on us? Iyan ang tanong ni Frainna Real Gomez sa sarili. She grew up looking at her father's back, only giving her scraps of...