II

1K 31 0
                                    

Desperada 2

"Sigurado ka na ba talaga?" Si Maan.

Napatingin ako sa dalawang papel na nagkalat sa mesa ng canteen.

Sa susunod na buwan ay graduation na namin sa Senior High School. Bukod sa pagpapractice ng Graduation march at rites ay abala rin kami sa pag-a-apply sa mga colleges at universities. Sabi kasi sa'min, as early as we can dapat makapag decide na kami kung saan kami mag-aaral at kung ano ang kurso'ng kukunin namin dahil baka magkaubusan kami ng slots.

"Frai, hindi ba hindi mo naman gusto 'yan?"

Iniangat ko ang dalawang papel na kanina ko pa tinititigan na para bang may lilitaw na anghel doon at ituturo kung ano talaga ang tama sa dalawa.

I shook my head.

"I like teaching, Maan. Second choice ko siya actually," tahimik ko'ng sinabi.

"But you don't like it as much as you like Fashion Design! Kaya nga nag Arts and Design track ka diba?"

I sighed. Totoo naman. I don't like it as much as I like fashion designing. Bata pa lang ako ito na ang gusto ko. Lagi akong napapatigil sa mga Gown shops noon para tingnan ang mga detalye ng tela, disenyo at ng damit. Namamangha sa kung paano nabubuo ang magagandang damit mula sa kapirasong tela, sinulid at talentadong mga kamay.

But then, a lot of things change as you get older, right?

Hindi ko man gaanong mahal ang pagtuturo di gaya ng pagmamahal ko sa pagdidisenyo ng damit, maybe I'd learn to love it when I'm already on my journey to it. Susubukan ko.

Nakasimangot si Maan nang makitang ibinaba ko ang papel na hawak ko sa kanang kamay at itinabi sa isang gilid. I looked at the paper I'm holding in my left hand. Sighing, I put it down and started to write my name on it.

Susubukan ko para sa kanya.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin at huminga nang malalim. Inayos ko ang uniform naming mga Student Teachers. Nakalugay ang hanggang balikat at medyo kulot ko'ng buhok. Ang maninipis ngunit pula kong mga labi ay nilagyan ko ng lipstick na di gaanong mapula.

Nang matiyak kong okay na ang lahat ay lumabas ako ng silid naming mga STs, na inilaan ng school para sa amin. Na magulo rin dahil sa mga nagkalat na mga visual aids ng mga kasamahan ko at ng mga STs din ng ibang Colleges.

"Are you ready?" Naaninag ko ang tinig ni Ma'am Diana na nasa tabi ng table ko.

Maaliwalas ang kanyang mukha at namumula ang mga pisngi.

How can she be this pretty despite of her work as a teacher of High school students?

Maiintindihan ko pa siguro kung College Instructor siya kasi sa College hindi naman sakit sa ulo ng mga teachers yung estudyante. In fact, ang mga College Instructors pa nga ang sakit sa ulo ng mga students.

Then, I thought, maybe she loves what she's doing right now. She's in love with her profession.

Posible pala 'yon? Akala ko hindi e. Akala ko as the years passed by mawawala ang pagmamahal na 'yon sa pangarap mo'ng trabaho. Akala ko, dahil sa pressure ng workplace at workmates, kahit hindi mo gusto, matututunan mo'ng ayawan ang dating pinapangarap mo.

Dahil may kilala akong mga tao na ganon, they learned to despise what they dreamt of as soon as they reached it because of pressure. Biglang nagising na lang sila na hindi na nila gusto 'yung dating pinapangarap nila.

That's why sometimes I thought this is better than pursuing something that I really love. I don't want to think that I'll get tired of the craft that I loved all my life. I want to do it out of love, not out of pressure. Ayaw ko'ng magising na lang ako na ayaw ko na sa minahal at pinapangarap ko noon.

Desperada (Astrology #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon