III

723 24 3
                                    

Desperada 3

Nagsimula na silang magpakilala sa kani-kanilang mga sarili. I also included their favorite hobbies and also their talents.

Ginawa ko ito para mabigyan sila ng grupo mamaya. Pagsasama-samahin ko ang magkakaiba-ibang mga talento sa isang grupo para sa isang proyekto.

Inihanda ko ang sarili nang matapos na ang katabi ni Sagg na si Vlad. Ibig sabihin ay siya na ang susunod.

Humalukipkip ako nang mapansing hindi siya tumayo. I cleared my throat 'tsaka marahang pinanliitan siya ng mata.

What is he doing? Baka gusto niyang isumbong ko siya kay Ma'am Diana?

Iniarko niya ang kaliwang kilay n'ya 'tsaka ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. Shit, ang tigas ng ulo!

"Sagg," Quesa, their class President called him.

Ngunit tila wala itong narinig at pinag-igting lamang niya ang panga niya. Pinigilan kong mapairap sa inasta n'ya. Sinusubukan talaga ako ng isang to.

"I'll just report this to Ma'am Diana," tikhim ko at umambang kukunin ang notebook ko na sinusulatan ko ng notes para sa internship.

Napalunok ako nang makarinig ako ng kalabog mula sa likuran. Napatingin ako sa direksyon n'ya at nakita kong padabog s'yang tumayo. Umismid ako sa kanya. Tatayo din pala, nagpapakipot pa.

Nang makarating si Sagittarius sa harapan ay agad din n'yang ipinakilala ang sarili n'ya.

"Sagittarius Ireland de Jesus." bahagya niya akong nilingon at inismidan. "Loves to cook, watch movies. Knows how to sing, paint and bang girls." He grinned.

I almost faked a gag after hearing what he said. Wala talaga sa hulog minsan tong si de Jesus.

Humagalpak ang klase nang marinig iyon. Ah, yes. High school boys would find that joke funny. As if naman joke na matuturing yon, di naman ako natawa.

Bumuntong-hininga ako at ibinalik ang tingin ko sa kanya na nasa upuan na n'ya ngayon.

Tumikhim ako ng bahagyang malakas para patahimikin ang klase.

"Let's start our discussion tomorrow okay? Nice to meet you all." tipid ko silang ningitian.

Tatalikod na sana ako upang mailigpit ang mga gamit ko nang may nagtaas ng kamay. I nodded at her.

"Ma'am, what about you? Share your hobbies and talents naman." That girl. Yung makulit.

Napatigil ako. Humarap ako ng maayos sa kanila. Pinasadahan ko ng tingin ang buong klase.

Right, bukod sa pangalan ko ay wala na silang iba pang alam tungkol sa'kin.

"Right..." I gave them a chuckle 'tsaka nagsalita. "Uhh... likes? Hmm... ano ba," ani ko at nag-isip.

"I play basketball, football and bowling." I said. Oo, sa arcade.

"May talent ka po?" A girl with a ribbon on her hair asked me.

"Everyone has a talent naman." I smiled . "Mine is drawing, sketching dresses and also calligraphy."

Nakita kong napatango sila.

"May questions pa kayo?" Tumikhim ako. "I'll answer it. It's okay kung personal din. Magpa-pass lang ako kung hindi ko kayang sagutin." I awkwardly laughed.

That's it. I need to open myself to them. Since bago pa ako sa kanila at uncomfortable pa sila sa'kin.

"Come on... Just raise your hand," itinaas ko ang sarili kong kamay.

Desperada (Astrology #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon