XXVI

522 18 26
                                    

Desperada 26

"Psst... Dwight!"

He looked up at me and tilted his head. "Yes, nay-nay?"

I gave him a smile. "Gusto mong lagyan ka ni nay-nay ng bangs? Manipis lang!"

Nabitiwan n'ya ang laruang hawak n'ya at mabilis na tumayo. Hinawakan n'ya ang buhok n'ya saka umiling-iling.

"No, ayaw ko po, nay!" He screamed and then ran to his room. Narinig ko ang malakas na pagbagsak ng pinto.

Napanguso ako bago sumalampak sa couch.

"You should stop teasing him about the bangs, Frai." Sagittarius laughed beside me.

Mas lalo siyang sumiksik sa tabi ko sabay higpit ng braso sa bewang ko.

Sunday ngayon at sarado ang boutique. Maaga kaming nagsimba kanina dahil sinundo kami ni Sagg mula sa bahay. Pagkatapos non ay hindi na kami namasyal pa at umuwi na lang din, dito na kami sa bahay kumain ng pananghalian. Inubos na lang namin ang oras namin sa panonood ng movie, hindi ko lang alam kung saan naging abala si Sagittarius. Sa panonood ba ng palabas o sa pabalik-balik na paghalik sa balikat at pisngi ko.

"Bagay naman sa kanya... Siguro." Pagrarason ko.

His lips touched my shoulder again. Ramdam ko ang init mula sa mga labi n'ya kahit na may tela sa pagitan. I stilled when his lips moved.

"Ako na lang ang lagyan mo ng bangs." He offered, still his lips were pressed against my shoulder.

Natawa ako sa sinabi n'ya. Bahagya kong inilayo ang sarili para matingnan siya. Namumungay ang mga matang hinabol n'ya ang balikat ko nang ilayo ko ito.

"Nagpapatawa ka ba? Ang ikli kaya ng buhok mo!" I grinned.

Sagg's eyes flicked to mine. His brow twitched. He pulled me closer to him, closing the distance I made earlier.

"Iaalay ko na lang ang sarili ko para lubayan mo na si Dwight," he chuckled.

Nangingiti kong iniabot ang buhok n'ya at pinaglandas nang marahan ang daliri ko roon.

"Okay," ngiti ko. "Antayin nating humaba ang buhok mo para magupitan kita."

Tamad siyang ngumiti saka inabot ang noo ko para mahalikan ito.

"Lalabas ako mamaya kasama ang mga batchmates ko," he mumbled.

Ibinaba n'ya ang mukha n'ya para matingnan ako sa mga mata. Pinigilan kong mapasinghap sa biglaang ginawa n'ya. Namamanhid ang mga pisngi kong tiningnan siya pabalik.

"O-Okay," namumula kong sinabi.

Mas lalong uminit ang paligid at namanhid ang mga pisngi ko nang makitang sinusundan n'ya ng tingin ang bawat galaw ng mga labi ko sa pag salitang ginawa. Umangat ang gilid ng labi n'ya pagkatapos ay dahan-dahang inilayo ang mukha sa akin. Ibinaling n'ya ang tingin sa palabas na kanina pa walang nanonood. Dahan-dahang kumawala ang hangin na hindi ko namalayan na kanina ko pa pala pinipigil.

His arm was still around my waist. I felt his thumb lazily drawing lines on my small waist. The gesture shot electrifying heat between my legs. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko para makalma ang sarili.

"Mag-se-celebrate kayo?" Mahina kong tanong sa kanya, pilit na binabawi ang katinuan.

"Yup," he glanced at me. "May mga babae sa batchmates namin pero you don't have to worry about that."

Nawala na nang tuluyan ang kaninang nararamdaman ko. Kumunot ang noo ko sa sinabi n'ya.

"Of course may mga babae kayong batchmates. Hindi ka naman sa all boys school nag-aral diba?" I asked.

Desperada (Astrology #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon