XXXII

476 15 11
                                    

Desperada 32

Tiim ang mga labi ko habang bumababa ng hagdan.

Halos isang oras ang iginugol ko sa pag-aayos pagkatapos naming kumain ng breakfast ni Sagittarius. Hindi na ako nag-atubili pa na maligo nang makapasok ako kanina sa bathroom. Because God knows what would happen if I waited for Sagg to enter the bathroom and join me in the shower. Mas matatagalan ako sa pagbaba at nakakahiya lalo 'yon kila Naya!

I inhaled a large amount of air. I paused when my nostrils were filled with Sagg's scent.

Lumingon ako upang mahanap ang pinanggalingan non at nakita agad si Sagittarius na nasa likuran ko at abala sa pag-aayos ng basa n'yang buhok.

He peered at me through his thick brows. Pagkatapos ay ngumisi siya.

Inirapan ko na lamang siya at dumiretso na working area.

Naalala ko ang usapan namin kanina tungkol sa paglipat n'ya rito. Parang hindi naman na valid yung hindi ko pagpayag sa suhestiyon n'ya dahil kahit noong hindi pa kilala ni Dwight si CJ ay lagi ng sa bahay ko tumatambay si Sagg at parang dahan-dahan n'ya na ngang nililipat ang mga personal na gamit n'ya!

Nakalagay na sa tabi ng damitan ko ang iilang shirts—- pambahay man o pang-alis n'ya. Nasa drawer ko na rin ang mga boxer briefs at shorts n'ya. Hati na rin yung shampoo tray ko sa banyo, yung kalahating bahagi ay inookupa ng mga male shampoo, body wash at kung anu-ano pang mga panlalaking sabon.

Isa pa yon. I learned about him during the few days of him staying in my house is that, he is so particular with his things and his hygiene!

Mas maarte pa siya sa akin sa katawan!

And to be honest, that kinda turned me on.

Kahinaan ko kasi talaga yung mga malilinis na tao. I scrunch my nose. Hay naku, kay landi.

"Wala ka bang pasok sa trabaho mo?" Lingon ko kay Sagg.

Paano ba naman kasi inunahan pa ako sa pag-upo sa swivel chair ko sa working table ko.

Nanatiling nakatayo, inilabas ko ang planner at tiningnan 'yon.

"Wala." He simply answered.

Kumunot ang noo ko at binalingan ulit siya.

"Talaga? Akala ko hired ka na."

Pinaikot n'ya ng isang beses ang upuan saka ako hinarap.

"Hired na nga. I'm working for the Vonezras."

Vonezra. Kilala sila sa larangan ng pagbuo ng mga naglalakihang gusali rito sa Davao. Well, ang pagkakaalam ko, hindi lang sila sa Davao may hinahawakang projects, pati rin sa Cebu, Makati, Metro Manila —- and they even have projects in Singapore, Dubai and Taiwan!

Alam ko ang mga yon dahil finafollow ko ang CEO ng kompanya na si Vehara Vonezra. I'm a fan of her fashion statement since I entered fashion school that's why I followed all of her social media accounts.

Lumabi ako. "O, e bakit parang wala kang trabaho? Andito ka rin kahapon whole day, a."

"I still don't have projects to handle." Sagot n'ya.

"Kaka-hire pa lang sa'yo dahil kakapasa mo lang ng boards ah paanong diretso ka na sa pag handle ng mga proyekto?"

Ngumuso si Sagittarius. Hindi ko namalayan na nakadampot na pala siya ng ballpen mula sa pen holder ko. Idinikit n'ya 'yon sa nakausli n'yang labi.

"Because I'm great?" He probed while smirking.

I rolled my eyes at him. Magaan ko siyang tinampal sa balikat.

Desperada (Astrology #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon