XXXIX

509 18 5
                                    

Desperada 39

"Sorry I overslept, Sagg. Hindi tuloy kita napabunan ng lunch." I told him as soon as we took our seat.

Nasa isang malapit na karinderya kami pumunta. Aniya, dito na lang daw kami kumain dahil masyadong mainit kung sa makeshift tent ng site pa kami.

Puno ng mga estudyante ng AdDu ang kainan at may iba pa na napapatingin sa amin. Hindi ko alam kung dahil ba sa suot namin na parang overdressed para sa karinderya o dahil sa kasama ko.

"No it's okay," he said while opening the lunchboxes. "This is way better."

I laughed a little and then helped him.

"Carrots," nakasimangot na ungot n'ya nang makita ang pinaka ayaw n'yang gulay.

Inirapan ko siya. "Ako ang kakain, okay?"

"I'll eat this since you cooked it for me." Bulong n'ya, halatang napipilitan lang.

Nagkibit balikat ako. Para naman talaga sa akin yon kasi alam ko namang hindi siya kumakain ng carrots.

"Ikaw bahala."

Sumubo siya ng isa. Pinanood ko kung paano siya napangiwi nang nguyain na n'ya yung gulay. Pilit n'yang nilunok yon tapos ay dali-daling uminom ng tubig.

Pumalatak ako at kinuha na ang lahat ng carrots mula sa lagayan at inilagay sa plato ko.

"Don't push yourself, Sagg. It's okay," I chuckled. "Hindi naman talaga para sa'yo to."

He frowned and his lower lip slightly puckered while staring at the carrots on my plate.

"Hindi ko talaga gusto yung lasa n'ya," he ranted.

Tumawa ako habang naiiling.

"Alam ko," nakangiting sabi ko. "Tikman mo na yung adobo."

Sagg peered at me through his brows and grinned. Tumango siya at naghiwa ng karne saka sumubo.

"Ano, okay ba?" I probed while watching him munching it.

"Ang sarap." He complimented.

Lumawak ang ngiti ko. "Talaga? Thanks."

Yumuko ako at nagsimula na ring sumalok ng kanin at ulam.

"Pero syempre, mas masarap ka pa rin, Frai. Walang makakatalo ron."

Halos maubo ko ang nginunguya ko dahil sa sinabi n'ya. Pinanlakihan ko siya ng mga mata at ang lalaking de Jesus ay ngumisi lamang at nagpatuloy sa pagkain.

Nilibot ko ang tingin ko at nakita ang isang babaeng taga AdDu na nakaupo malapit sa table namin na namumula at naiilang. I am so sure that she heard what Sagg's just said to me.

Ibinaling ko ang ulo ko kay Sagg. Masaya siyang kumakain at halatang-halata na alam n'ya ang naging epekto ng kalokohan n'ya.

Sinipa ko siya sa ilalim ng table.

He lifted his gaze at me while happily chewing his food. Nilunok n'ya muna yon.

"Hmm?"

"Alam mo, siraulo ka talaga." Mariin kong sabi sa kanya.

"Nagsasabi lang naman ako ng totoo, ah."

Hindi ko na napigilan at inabot ko na tagiliran n'ya at kinurot siya.

But I think it wasn't enough. Sagittarius faked a pained expression. His eyes were half-shut, his lips were boyishly grinning.

"Aww," mahina at puno ng arte n'yang reklamo.

Desperada (Astrology #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon