Sorry ngayon nalang ulit, busy e haha. Anyways enjoy reading!
---
" I-- "
" Gail! " napalingon ako sa tumawag sakin.
" Nandito ka lang pala, " sabi ni Ton sabay tingin sa kasama ko.
" Oh? Nandito ka rin? " tanong niya kay Tielo. Tumango lang si Tielo.
" Tara na Gail, hinahanap ka na nila " sabay hawak sa kamay ko at hinila ako palabas ng garden.
Bago pa kami makalabas ay nilingon ko si Tielo at nakitang nakapikit ito na tila may pinagsisihan o ewan ko kung ano.
Pabalik na kami sa classroom. Napatingin ako sa kamay ni Ton na nakahawak pa rin sa kamay ko.
" Hoy ang kamay ko " sabi ko at dali dali niya namang binitawan at parang may binubulong pa.
Nauna na kong pumasok sa room. Napatingin ako teacher's table, salamat at wala pa si ma'am!
Umupo na ko at pumasok naman si Ton. Umupo na siya sa tabi ko at nagsimula na naman silang mag sigawan ni Cheng. Wala bang katapusan ang mga sigawan nila? Kakairita!
Buti nalang natapos rin noong dumating na si Ma'am Gil.
" Good Morning class! " bati niya at bumati rin kami ng pabalik.
" So I have a question, " sabi niya sabay lakad papunta sa likod.
" Do you know how to speak spanish?" Patuloy na tanong ni ma'am habang nasa likuran siya namin.
Syempre may tumaas ng kamay at alam kong alam niyo na kung sino?
" Ako po ma'am! " pabidang sabi niya.
" Yes Ms. Juanita, mag sabi ka ng spanish words " sabi ni ma'am na naka ngiti pa. Proud ata sa manok niya.
" Uno, Dos, Tres "
" Hola "
" Gracias "
" Ich Liebe Dich "Napatawa ako sa huling sinabi niya. Ich Liebe Dich? Tf? Spanish 'yon?
Siguro may lahing German Shepherd to. Galing niya mag salita ng spanish nakaka-woooow!
" Wow! Ang galing mo naman " puri ni Ma'am Gil sa kaniya.
Wow! Pinuri kahit mali! Nakakabilib talaga.
" What did you say Ms. Araña? " malditang sabi ni ma'am habang naglalakat papalapit sa akin.
" Ano ba sinabi ko ho ma'am? " tanong ko. Nasabi ko ba yung kanina ng malakas? Akala ko sa isip ko lang yon? Eh?
" Sabi mo, " Wow pinuri kahit mali, nakakabilib talaga " ayan ang sinabi mo, kala mo hindi ko narinig? " iba rin si ma'am e haha.
" E bakit mo ho ako tinanong kung ano ang sinabi ko kahit narinig niyo naman pala? " tanong ko at nakita kong namumula na siya sa inis.
" Aba't! Oh sige ikaw nga! Magsalita ka sa wikang espanyol hanggang matapos ang klase ko " galit niyang sabi at padarag na bumalik sa kaniyang mesa.
" Sí " sabi ko nalang at yumuko upang magpahinga, sumakit ulo ko sa kanila.
" Ok, let's proceed " sabi niya nalang at nag start na sa lesson.
" Ms. Araña tayo!" sigaw niya kaya napabangon ako at tumayo.
" Sí, profesora? " sagot ko habang kinukusot mata ko
" Bakit ka natutulog sa gitna ng klase ko? " tanong niya, naiinis na naman.
" oh lo siento profesora, me duele la cabeza por tu culpa " I said in a bored tone at ang itsura nila ay halatang naguguluhan sa sinabi ko.
Habang ang katabi kong si Ton ay tumatawa, mukhang nakakaintindi siya
![](https://img.wattpad.com/cover/194395443-288-k749183.jpg)
YOU ARE READING
Lost In The River
RandomLOST SERIES #1 // AGA // She got lost. He found her. She lost her memories. He found her, Again. Is it the end? Or it's just the beginning?