CHAPTER Q

11 0 3
                                        

6:30 AM pa lang ay gising na kami dahil sa ingay na nanggaling sa paanan namin.

" Girls! Wake up! " sigaw ni mama habang hinahampas ang spatula sa frying pan.

" Argh oo na ma, gising na kami. Stop it already ang sakit sa tenga " sabi ko at kasabay kong bumangon si Bea at Marie. Habang ang dalawa ay nakahiga pa rin pero nakamulat na ang mga mata.

Nagkatinginan kaming tatlo at unti-unting napangisi sa iniisip.

" 1 " I whispered.

" 2 " si Marie.

" 3 " si Bea.

" Go!!! " sigaw naming tatlo. Sabay naming hinawakan ang mga paa nilang dalawa at hinila para mabagsak sila sa floor.

" Aray! "
" Pota ang sakit! "

Sigaw nilang dalawa habang kaming tatlo ay napahiga na sa kakatawa.

" Humanda kayo mamaya " sabi ni Dawn at inirapan kaming tatlo. Si Cheng naman ay nakasimangot sa amin.

" Mauuna na akong maligo " sabi ko ng tumigil na ako sa kakatawa. Pumasok na ako sa banyo.

Pagkatapos kong maligo ay nag-bihis kaagad ako. Suot ko ay simple lang ulit, white lace na sleeveless top at brown na cardigan, black jeans, at black sandals.

Mamayang 1 PM yung flight naming tatlo sa Spain. Yung ibang bruha ay sa susunod pa na mga araw yung flight nila. So ako yung unang makaalis sa amin.

At doon na kaming tatlo ni Kuya at Ton sa Spain hanggang makapag-tapos na kami ng college at hanggang sa pagtatrabaho. Susunod nalang daw sina mama at papa kapag naayos na nila dito yung mga ibang transaksyon.

And yes, tinanong ko sina mama after noong graduation kung saan ako magcocollege.

Pagkatapos mag-picture ay tinanong ko na agad sina mama't papa.

" Ma, pa saan mo pa ako mag-cocollege? " tanong ko sa kanila.

Nagkatinginan silang dalawa at ngumiti sa akin.

" Sa Spain, anak " sabi ni Mama.

" Po? Bakit doon? Sino po ang kasama ko? Hindi ba pwedeng dito nalang ako? " takang tanong ko.

" Baby, doon ka mag-aaral kasi doon ka rin magtatrabaho " sabi ni mama kaya naguguluhan akong tumingin kay papa.

Nagkatinginan kami ni papa at tumango siya.

" Yes honey, malalaman mo kung bakit kapag nandoon kana sa Spain " sabi niya at niyakap nalang ako.

" Pero pa, sino kasama ko doon? " tanong ko habang niyakap siya pabalik.

Pero bago pa makasagot si papa ay lumapit ba saamin sina kuya at Ton.

" Kaming dalawa ni Ton, baby " sabi ni Kuya. Wait, pati si Ton kasama? Hanggang Spain ba naman?

" Bakit kasama ka na naman Ton? " tanong ko sa kaniya. Siya naman ay pangiti-ngiti lang.

" Kung saan ka, nandoon rin ako Zia kaya wag ka nang magtaka bakit doon din ako mag-cocollege " nakangiting sabi niya.

" At isa pa anak, mababantayan ka doon ni Ton dahil yung kuya mo ay magtatrabaho habang nag-aaral kaya hindi ka niya masyadong mabantayan kasi busy siya " sabi ni Papa.

" Eh ma, pa saan ako mag-aaral doon?" Tanong ko.

" Basta malalaman mo iyan kapag nandoon kana, igaguide ka naman ni Ton kasi doon siya nag-aaral noon bago siya lumipat dito " sabi naman ni mama.

Lost In The River Where stories live. Discover now