CHAPTER P

10 1 0
                                        

" Cheng, describe mo daw oh HAHA " asar sa kaniya ni Dawn. Inirapan naman siya ni Cheng at huminga ng malalim bago dinescribe ang crush niya.

" Matangkad, Maputi, Chinito " namumulang sabi ni Cheng. Napatakip pa sa mukha na para bang na embarrassed siya HAHAHA.

" Oh alam ko kung sino yan! Si Worth iyan 'no? " sigaw ng kuya ko. Pagkasabi niya noon ay inaasar na silang dalawa. Saktong sakto dahil kanina ay binigyan siya ni kuya Worth ng shell.

" Tsk. Sinong kikiligin sa shell ulol " bulong ng katabi ko na ako lang ang makakarinig, kaya napatawa ako sa sinabi niya.

" Oy kayo ha! Hope lahat! " sigaw naman ni Dawn. Hmm silang dalawa talaga ang nang-aasar ha. Tingnan natin mamaya kapag turn na nila.

" Pwede ba? Next na? Inaantok na ako eh " sabad ni Ton sa kanilang asaran. Woah that's not my bff anymore HAHAHA.

Napalingon ako kay Ton. Mukhang naramdaman niya iyon kaya nagkatinginan kaming dalawa. Tinaas ko ang kilay ko at ngumisi.

Lumapit ako sa kaniya at may binulong.

" Halatang-halata ka bff " asar ko. Kinurot niya naman ako sa bewang kaya sinapak ko siya. Gago ang sakit kaya!

" Ehem kayong dalawa diyan? Pwede mamaya na iyan? Naglalaro pa tayo " asar sa amin ni Marie. Napairap naman ako sa sinabi niya. Anong iniisip nila? Na naglalandian kami ni Ton? Yucc!

Hindi ko na sila pinansin at napatingin nalang kay Cheng. Hindi na ako nagulat ng makitang nakatingin rin siya sa akin or sa amin or sa kaniya or sa wait.

Ngayon ko lang naramdaman ang kamay ni Ton na nasa balikat ko na pala. Ah kaya pala, sa balikat ko siya nakatingin.

Inalis ko naman ang kamay ni Ton. First, baka may magseselos. Second, ang bigat gagi.

" Ok next! Truth or dare " kuya asked Dawn. Nagkatinginan muna sila bago sumagot si Dawn.

" Dare " sabi niya at napangisi naman si kuya. Nako itong dalawang to.

" Pumasok ka sa kwarto namin, kunin mo yung bag ko " dare ni kuya sa kaniya. Tumayo naman kaagad si Dawn at naglakad patungo sa hotel.

" Ok habang wala pa si Dawn, ikaw na Gail, truth or dare " tanong ni kuya sa akin. Ang sarap niyang sapakin jusme.

" Dare " syempre malakas ata to no! Charot HAHAHAHA.

" Tawagan mo ang taong gusto mo " hmm that's easy though.

" Iyon lang ba kuya? " asar ko. Inilabas ko ang cellphone ko at tinawagan siya.

Habang nag-riring, tumayo si Tielo at parang nagmamadaling inilabas ang cellphone niya at lumayo sa amin.

" Parang alam ko na iyan kung sino Gail ha! " asar nila sa akin. Ngumisi lang ako.

" Yes? " sagot niya.

" Gusto kita " sabi ko at in-end call kaagad. Ngayon lang ako nahiya ng tapos na ang tawag. Omg what did I do?

" Woah! That was wow Gail! HAHA" tawa ni Bea sa akin.

I only smirked. Pero kinakabahan pa rin ako.

" Ah magsi-cr muna ako wait lang " nagmamadaling sabi ni kuya. Nako baka natatae yon! HAHAHA.

Saktong pag-alis ni kuya ay ang pag-balik ni Tielo.

" Ok so dahil nag cr pa si kuya Gaij ay ako muna ang mag-hohost " sabi ni Marie.

" Ikaw na Ton, Truth or dare? " tanong ni Marie kay Ton pero walang sumagot. Kaya napalingon ako sa katabi ko at nakitang may ka text.

Sinilip ko at ang nakita ko lang ay ang dalawang salita dahil inilayo niya kaagad sa akin yon. Tsk.

Lost In The River Where stories live. Discover now