CHAPTER B

18 0 0
                                    

Thank for reading chapter A! Lovelots😗❤

---

Pagkatapos ng klase ay lumabas kami agad. Ewan ko kung saan sila pupunta basta ako uuwi na ko baka mapagalitan na naman ako ni kuya. At 20 mins pa naman ang biyahe mula dito sa school papuntang Leganes. Wala kasing magandang school sa Leganes kaya dito kami pina-aral nila mama at papa sa Jahaki University sa may Jaro.

" Uh pips mauuna na ko sa inyo baka papagalitan kasi ako e " bigla kong sabi sakanila habang nag kukwentuhan kami. Nag reklamo silang apat na maaga pa daw.

" Taga saan kaba Gail? " tanong ni Dawn.

" Ano taga Leganes. Leganes City, but hindi ako sa proper uh sa Brgy. Walapera pa ako e " nag tatakang sagot ko kasi umiba yung itsura nila noong banggitin ko ang Leganes. Napa apir naman sila ni Bea at Cheng.

" Ayon! Grabe pinagtagpo talaga tayong lima ano? " nagtaka ako sa sinabi Bea. Huh? Lima kami? Taga Leganes? Whut? Tiningnan ko sila ni Dawn at Marie. Nag smile silang dalawa na parang sinasabi nila na taga Leganes din sila.

" Oo, taga Leganes kami kaso itong si Dawn parehas kayo hindi sa proper, sa Brgy. Azuwang kasi siya " sagot ni Marie sa tanong ko. Omy! Grabe pinagtagpo talaga kami e no?

" Wow hindi ako makapaniwala na sa iisang city lang tayo! " maligayang sabi ni Dawn. I smiled.

" Uh di pa ba kayo uuwi? Hindi kayo pinapagalitan? " tanong ko sa kanila kasi parang wala pa silang planong umuwi.

" hindi naman pero itong si Cheng pinapagalitan kapag sobrang gabi na kaya mamaya kana umuwi kain muna tayo sa plaza! " anyaya ni Bea. Nag puppy eyes silang lahat. Gosh I can't say no to them. Sa huli ay tumango nalang ako at napatili naman sila sa kasiyahan.

" Btw sino ba ang nagagalit kapag hindi ka umuwi pagkatapos ng klase?" curious na tanong ni Dawn.

" Si ano, si shokoy! " pagalit kong sabi. Eh sino ba ang hindi magagalit kung siya pwede umuwi kahit gabi tapos ako hindi? Hmp.

" Shokoy? Sino yon? Wag mong sabihin may alaga kang ganyan? " natatakot na tanong ni Marie. Napatawa naman ako bolang talaga.

" Bolang, si Kuya tinatawag ko siyang shokoy kasi ang panget niya " sabi ko sa kanila.

" Sino ba yung kuyang shokoy mo? " tanong ni Dawn. Aish bakit ba topic namin si kuya e ang panget maging topic non!

" Audenzio Gaij " sabi ko at nakita kong natigilan si Dawn at umiwas ng tingin. Pero hinayaan ko nalang yon baka masama ang pakiramdam.

" Uh t-tara na kain na tayo sa plaza " Dawn said. Kaya pumunta na kami sa plaza para kumain ng street foods! Yey my favorite. Pagkatapos naming kumain ay napansin kong tahimik si Dawn it's like she's not in the mood or something? Pero hindi ko na siya inabala baka masama talaga ang pakiramdam niya.

Nag bayad na kami at nagbantay ng trayk papuntang Leganes. So ang dalawa sa loob at ang tatlo sa labas. Bale si Bea at Marie ang nasa loob at nasa labas kaming tatlo ni Dawn at Cheng.

Unang hinatid ay si Marie, tapos si Bea, sunod ay si Cheng, then Ako at si Dawn yung huli kasi medyo malayo pa ang bahay niya dito. Pagkababa ko ng trayk kumaway nalang ako sa kanila at pumasok na ko ng bahay. Saktong-sakto nagmimiryienda sila mama at papa.

" Good afternoon ma, pa " humalik ako sa kanilang pisnge at kumuha ng juice at bread. Wait parang kulang ah?

" Nasan si kuya ma? " tanong ko pagkatapos kinain ang bread.

" Ah mamaya pa iyon may pupuntahan lang daw " habang umiinom nagkasalubong ang mga kilay ko. What? May pinuntahan? At hindi sinabi sa akin? Sabi niya walang sekreto sekreto tapos ito? Ano to? Tsk. Napatango nalang ako at umakyat na sa kwarto.

Lost In The River Where stories live. Discover now