CHAPTER R

7 1 0
                                        

" Bienvenidos a casa señorita y señorito " sabi niya.

Ilang minuto pa bago ako natauhan at lumabas na sa sasakyan. Tumango ako sa kaniya at iginaya niya kami patungo sa isang malaking pintuan.

Sa gilid ay may dalawang babae na naka-uniform, at sabay nilang binuksan ang pintuan.

Bago kami pumasok ay nakita kong may sinabi ang lalaking sumundo sa amin sa lalaking nagbukas sa akin ng pinto sa sasakyan kanina.

Hindi ko nalang sila pinansin at pumasok na, nasa likuran ko naman sina kuya at Ton.

Napanganga ako sa nakita ko sa loob.

" Ang ganda! " sabi ko sabay tingin sa kung saan mang parte ng mansion na ito.

Ginuide kami ng ilang mga babaeng naka-uniform sa parang living room ata. Grabe naman yung living room nila! Kasing laki ata nito kapag yung living room at dining room namin pinagsama.

Ganiyan kalaki yung living room nila! At sobrang laki ng tv nila, tapos yung table mukhang mamahalin! Grabe parang gusto ko nalang maging statue para hindi ako makabasag. Mukhang mahal pa to sa buhay ko!

Pinaupo ako sa isang napakagandang sofa, kaya umupo na ako na parang dalagang pilipina, naks ako lang to. Nako baka pag nakita ako ng mga Gazolaz, akala nila tambay lang ako.

Sina kuya naman ay walang hiya! Pumasok sa kusina ata, wala bang kahihiyan sa katawan nila? Kahit konti lang?

Napayuko nalang ako, ako yung nahihiya sa kanila eh! Nakarinig ako ng foot steps, kaya dali dali akong tumayo at...

" Kuya wala ba kayong hiya ni Ton? bakit ba kayo pumun-- " napahinto ako sa sasabihin ko ng makitang hindi pala sina kuya yung sinasabihan ko.

Isang babae at lalaki, matanda na sila pero yung itsura nila ay parang nagsasabing nasa early 40's pa sila.

Nakanganga ata ako, bakit ganon? Matanda na sila pero parang hindi?

" Ah s-sorry po, akala ko kasi sina Kuya " sabi ko sabay yuko. Nakakahiya ka Audenzia Gail!

" It's ok mi prinsesa " sabi ng matandang lalaki.

Uh, bakit niya ko tinawag na my princess?

Napabaling ako ng lumapit ang matandang babae at inilahad ang kaniyang kamay sa akin.

Nag-aalinlangan akong hawakan ang kaniyang kamay kaya siya na mismo ang unang humawak.

Akala ko magsheshake hands lang kami pero nagulat ako ng hinila niya ako papalapit sa kaniya at niyakap!

" Iha, welcome home " sabi niya sabay hinigpitan ang yakap niya.

I hugged her back, kahit hindi ko alam bakit welcome home ang sinasabi niya.

" Uh thank you po? " sabi ko. Natatawa niya akong pinakawalan mula sa yakap.

" Hindi mo ako naaalala? Ako ang iyong napakagandang lola " nakangiting sabi niya at para akong naestatwa sa sinabi niya.

Lola ko ito? Sa ganda niyang to? Baka ampon lang ako?

" At ako naman ang napakapogi mong lolo, mi prinsesa " sumulpot bigla yung matandang lalaki na lolo ko daw at siya naman ang yumakap sa akin.

Habang niyayakap niya ako ay nakita kong lumabas na ang dalawa mula sa kusina.

Nang pakawalan ako sa yakap ng lolo ko daw ay saka lang sina Kuya at Ton lumapit sa gawi namin.

" Lolo, lola miss niyo rin ba ako? " nakapout na sabi ni kuya, yucc kadiri talaga ang isang to!

Napatawa naman ang dalawa sa sinabi ni shokoy.

Lost In The River Where stories live. Discover now