CHAPTER W ( part 2 )

4 0 0
                                    

2nd year college na sila dito ha? Enjoy reading!

---

" Gago ka Mint, napagod ako doon ah,"

" Ang sakit na ng katawan ko!!! " dagdag ko pa habang siya ay napatawa nalang.

" Get used to it, baby, we'll do it again" sabi niya kaya itinapon ko sa kaniya ang pinakamalapit na unan na nahawakan ko.

" Hey! Ouch! " arte niya. Inirapan ko nalang siya at naligo. Ang lagkit lagkit ko na! Si Mint kasi kung ano ano ang pinapagawa sa akin na position. Eh mukha ba kong flexible? Oo flexible ako pero hindi yung sobra sobra na!

Ang sakit tuloy ng katawan ko. Namamaga.

Hindi na ko mag-ggym kasama siya. Kawawa na yung katawan ko.

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng cr at kumuha ng damit sa closet ko.

He whistled.

Pag tingin ko ay nandoon siya, nakaupo, sa kama ko.

" Tantanan mo kong lalaki ka, bakit ka ba nandito sa room ko ha? Kapag nakita ka ni Kuya, lagot ka doon " panakot ko sa kaniya. Pero ang mokong parang walang narinig at humiga pa nga.

Nag bihis muna ako, pagkatapos ay nilapitan siya.

" Hoy ano ba! Ang lagkit lagkit mo, maligo kana doon! " sigaw ko sabay hampas sa balikat niya.

" Ok, ok maliligo na ako, " sabay tayo niya at hinalikan ako sa noo.

" I'll be back, pagkatapos ay lalabas tayo, kakain. " bilin niya at lumabas na. I sighed.

Bumaba na ako at sa living room nalang siya hinintay. Napakatahimik naman ata dito? Nasaan na ba ang mga tao?

Sa kusina ay nakita ko si manang.

" Manang, nasaan sina lola at lolo? Kuya at Ton? " tanong ko at nilingon niya agad ako.

" May lakad silang apat Gail, at hindi na ako nakapaghanda ng dinner niyo kasi sabi ni sir Mint sa labas daw po kayo kakain, " sabi niya at napatango naman ako.

" Pero baka maya-maya ay nandito na sina Señora at Señor, ewan ko lang kung anong oras uuwi Kuya mo at si Ton. " dagdag pa ni manang.

" Gail, let's go! " dinig kong sigaw ni Mintzo sa living room.

" Ah sige po manang, alis muna kami" sabi ko.

" Sige mag ingat kayo, Zia iha " aniya at tumakbo naman ako patungo kay Mintzo.

Nandito na kami ngayon sa isang restaurant. Tinawag ko na ang waiter at umorder. Habang wala pa naman ay pumunta muna ako ng cr. Pagkalabas ko ay nag hugas muna ako ng kamay at lumabas na.

Didiretso na sana ako ng may nakita akong babae na naka upo sa harap ni Mintzo, sa upuan ko.

Napataas ako ng kilay ng hinawakan niya ang kamay ni Mint at ang epal naman ay hindi man lang inalis. Nasasarapan ang gago.

Titingnan ko kung ano pa ang gagawin niya kaya umupo muna ako sa malapit na upuan kung saan ako nakatayo.

Mukhang nag-uusap sila ng magandang topic kaya napataas-baba yung balikat ni Mintzo ah? Tumatawa ka pa ha?

Ang babae naman aba? Grabe makangiti parang walang bukas ah, sabagay huling gabi niya na to. Tingnan natin kung masisikatan pa siya ng araw bukas. 'Di joke lang.

Pero tingnan natin kapag may ginawa pa siyang iba.

Tumayo na silang dalawa mukhang paalis na yung babae. Napatayo ako ng hawakan ni Mintzo ang bewang ng babae na parang ginaguide palabas.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 15, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lost In The River Where stories live. Discover now